What the— binasa ko ulit ang papel na kanina ko pa hawak. Nakuha ko 'to sa ibabaw ng lamesa kasama ng nakahain na pagkain.
Nasa America ako ngayon. May problema sa kompanya. Ikaw munang bahala sa bahay, anak.
—Mama
"Nasa America pala si Mama?" bulong ko sa sarili.
Paglingon ko, muntik na akong mapatalon nang makitang nakasilip si Clai, nakatingin din sa sulat.
"Jusko po!" halos mapasigaw ako.
"Sorry... nagulat yata kita." Nakangiti siya—'yung tipong inosente pero may kung ano sa ngiti niya na hindi ko ma-figure out.
"A-ayos lang..." sagot ko, though honestly, parang gusto ko nang umakyat at magtago sa tabi ni Illy.
Napatingin ako sa orasan—5:30 PM na pala.
"Clai, dito ka muna. Magbibihis lang ako."
"Pwede bang sumama?" tanong niya bigla.
Napalingon ako sa kanya, nanlaki ang mata.
"Hehehe, joke lang."
Pero hindi 'yung aura niya pang-joke. Something felt... off.
Umiling ako at dumiretso na sa kwarto. Nagbihis ako nang mabilis, pero habang ginagawa ko 'yun, pakiramdam ko may nakatingin sa'kin.
Nilibot ko ang buong kwarto. Wala naman tao.
Sana guni-guni ko lang 'yun.
Pagkalabas ko, nakita ko si Clai na nakaupo sa sofa. Pagkakita niya sa'kin, agad siyang tumayo at... niyakap ako.
Bakit ba ang hilig niyang umakap?!
"Ate, inaantok na ako," reklamong may himig-bata.
"Sige, dadalhin na kita sa guest room."
Pero umiling siya, dikit pa rin sa'kin.
"Gusto ko... tabi tayo matulog," sabi niya sabay puppy eyes.
"What?!" halos madulas ang dila ko.
"Ate... takot ako mag-isa. B-baka may multo sa guest room..."
"Clai, hindi totoo ang multo," mahinahong sagot ko.
Napayuko siya, shoulders sagged.
"Ayaw mo akong makasama... sob... parang nakakaistorbo ata ako..."
Napakurap ako.
Hala. Na-guilty ako bigla.
"No, Clai. Hindi ka istorbo..." Napabuntong hininga ako. "Sige. Tabi na lang tayong matulog."
Agad siyang nagliwanag. Literal. Para siyang Christmas lights sa tuwa.
"Talaga, ate?!"
And of course, niyakap niya ulit ako.
Mukhang nalaglag ako sa patibong ah.
⸻
Habang kumakain kami, ramdam ko 'yung tingin ni Clai sa akin—hindi 'yung normal ha, 'yung tipong intense. Kaya hindi ko napigilan.
"Clai, bakit? May dumi ba mukha ko?"
Hindi siya sumagot. Nakatingin lang.
"Umm... Clai?"
Para siyang nagising mula sa trance.
"Huh? Ano po 'yun?"
"Bakit ka ba nakatitig sa'kin? May dumi ba ako?"
"Ang ganda mo kasi, ate," sagot niya calmly.
As in walang kahirap-hirap sa bibig niya lumabas.
Napailing ako. Nambobola pa.
"O-okay... thanks."
Pero hindi pa rin siya tumigil tumingin.
"Hindi ka ba kakain?" tanong ko.
No response. Nakatingin lang ulit.
So napilitan akong subuan siya.
Pag-abot ko ng kutsara, namula siya. As in namula.
Akala ko nahihiya lang. Sana nga.
⸻
Ending?
Nasa kama ko na siya. Feel-at-home much.
"Ate, hindi ka matutulog?" tanong niya habang nakaupo sa kama.
"Ah... matutulog na."
Humiga kami. Pinatay ko ang ilaw. Nagdasal muna ako bago pumikit.
Ilang minuto pa lang ang nakalipas nang may braso na agad na bumalot sa baywang ko.
Napadilat ako.
Si Clai.
Nakatitig sa'kin sa dilim.
"Umm... Clai? Bakit gising ka pa?"
"Ate... pakiss."
"What?!" halos mapasigaw ako.
"Please?" sabi niya, nagpa-cute pa.
Nagpanic ang utak ko. Princess, ano 'tong napasukan mo?!
"S-sige..."
Hinalikan ko siya sa pisngi. Namula siya.
"O, bakit?" tanong ko.
"Eh ate... sa lips sana..."
"What?!" agad akong napaupo.
"Hindi pwede!"
"Hehehe joke lang."
Napapikit ako sa relief.
"Grabe 'yang jokes mo, nakakakilabot."
Tumawa lang siya.
Humiga ako ulit. Para hindi na siya makahirit ng iba pa, niyakap ko siya. Nagulat siya, pero at least natahimik.
"Goodnight, kid."
"Hindi na ako bata, ate..."
Napatawa na lang ako.
Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.
⸻
Nagising ako sa sikat ng araw. Wala na si Clai sa tabi ko.
Buti naman.
Akala ko umuwi na.
Pero paglabas ko—
Nakita ko siyang nag-aayos ng plato sa mesa.
What the—?!
"Clai, what's this?" tanong ko.
"Pagkain," sagot niya casually habang naglalagay ng kanin.
Ayun.
Pilosopo.
"Alam kong pagkain 'yan. Pero trabaho ko 'yang gawain mo."
"Sorry ate. Ang himbing mo kasi matulog. Ayaw na kitang gisingin."
Ang sweet. Grabe.
Swerte talaga ni Illy sa kapatid niya.
Umupo ako at nagdasal. Umupo rin siya... at nakatitig ulit.
This time, hindi ko na pinansin.
Kailangan ko nang masanay.
Gluten-free chicken cutlets ang niluto niya.
At ang sarap. Like... restaurant-level.
"Masarap ba, ate?" tanong niya, may slight excitement sa boses.
"Oo, sobrang sarap," sagot ko.
Ngumiti siya. 'Yung tipong genuine.
At tulad ng dati...
nakatitig lang siya habang kumakain ako.
Akala ko normal lang 'yun.
Sana nga normal lang.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love Disorder 1
Romance(Completed) Aviana is a 14 year old girl, who live in japan. Nang dahil lamang sa divorce ng parents niya, kailangan niyang sumama sa mama niya sa pilipinas. Pagkatapos ng isang taon, uuwi na naman siya sa japan para makasama niya ang papa niya. But...
