Chapter 19

2.5K 80 1
                                        

"Ang swerte naman niya."
"Sana ako na lang 'yung upuan na 'yan."
"Or ako na lang 'yung damit niya."

Narinig ko pa ang mga bulungan ng ibang students pero hindi ko na sila pinansin. Saan ba ako huhugot ng energy para patulan sila? Lumapit si Inciso—tahimik, blanko, parang walking ice statue—at umupo sa tabi ko. Wala siyang kahit anong sinabi, kaya umupo na rin ako, deadma mode. Mukha naman siyang hindi mahilig makihalubilo sa ibang tao.

•••

"Okay, class dismiss!" sigaw ni prof.

Sabay-sabay kaming nagsitayuan. Plano ko nang tumakas palabas nang bigla akong tawagin.

"Miss Ramos, can you tour Inciso around our school?"

Napahinto ako. "Yes, prof." Wala na akong choice.

Paglingon ko, si Inciso ay nakatingin lang sa akin—still expressionless—na parang may sariling snowstorm sa loob ng utak niya. Nang makaalis si prof, kami na lang dalawa ang naiwan sa classroom.

"Follow me," sabi ko.

Naglakad ako, at gaya ng inaasahan... sinundan niya ako nang walang kaingay-ingay.

"This is the library."
"Banyo."
"Covered court."

Inexplain ko lahat mula building hanggang hangganan ng school. Ang last stop namin ay cafeteria.

"And this is the cafeteria. Naalala mo ba lahat ng sinabi ko?"

Tumango lang siya, pagkatapos ay diretsong pumasok sa loob. Walang paalam, walang kahit thank you. Parang ako 'yung narrator sa buong tour at siya naman ang audience na hindi marunong mag-react.

•••

"Alam mo ba, Nathan, may nag-transfer sa school namin—at grabe, he is so quiet! As in halos mabingi ako sa sobrang tahimik niya," kwento ko habang naglalakad kami.

Naputol ang litanya ko nang bigla siyang sumabat.

"Boy or girl?"

"Umm... boy." I cleared my throat. "Anyway, as I was saying—kahit na inexplain ko na lahat ng tungkol sa school, kahit anong effort kong kausapin siya... tango lang ang sagot niya! As in, after all I've said—"

"Bakit, crush mo?" tanong niya, seryoso pa.

"Oo."

Napahinto siya at para siyang nanigas. Napatawa naman ako. "Syempre hindi! Naniwala ka naman."

"Eh bakit parati siya 'yung topic mo?" nakasimangot niyang tanong.

Napakamot ako sa batok. "Wala kasi akong ibang maisip na topic."

Ayun—pinitik niya agad ang noo ko.

"Aray!"

"Habulin mo 'ko!" tili niya bago biglaang tumakbo.

"Lagot ka sa'kin! Pag nahabol kita talaga!" sigaw ko, habang tumatakbo rin.

For a moment, nakalimutan ko kung gaano ka-weird ang araw ko.

•••

"Ramos, sabay na tayo kumain!" yaya ni Gomez.

Umiling ako. "Kayo na lang. May gagawin pa ako."

Kasalanan 'to ni Nathan. Kung hindi niya sana ako kinulit kahapon, natapos ko na ang math assignment ko. Ala-una na ito ipapasa, tas ako pa 'yung bobo sa math?

"Paano ba 'to..." bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa papel.

"I-divide mo 'to, tapos i-plus mo 'to... tapos 'yung isa minus."

Obsessive Love Disorder 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon