Napakagat ako sa labi. Kailangan kong makatakas dito. Kung hindi... hindi ko alam kung ano pa ang kaya niyang gawin sa akin.
Bigla niyang hinawakan ang dalawang kamay ko. Mahigpit. Masyadong mahigpit.
Napakunot ang noo ko.
"Avia," mahina pero mariin niyang tawag. "Sinong mas gusto mo? Ako o si Clai?"
Napaiwas ako ng tingin. Kahit hindi ko nakikita nang diretso ang mukha niya ramdam ko ang bigat ng titig niya. Seryoso siya. Masyadong seryoso.
"Bakit hindi ka makasagot?" dagdag niya. "Don't tell me mas gusto mo si Clai kaysa sa akin?"
Hindi ako makapagsalita.
Hindi dahil nahihirapan akong pumili.
Kundi dahil wala naman akong gusto sa inyong dalawa.
Bigla niyang diniinan ang pagkakahawak sa kamay ko.
"W-Wilder... nasasaktan ako," nanginginig kong sabi.
Mas lalo pa niyang hinigpitan.
Napaaray ako.
"I-Ikaw... ikaw ang gusto ko, Wilder."
Agad lumuwag ang pagkakahawak niya. Dahan-dahan siyang ngumiti parang batang nabigyan ng kendi.
"So you choose me, after all. I'm so happy," malambing niyang bulong sabay yakap sa akin.
Nanigas ang katawan ko.
Agad ko siyang itinulak.
"Bakit mo ba kinukumpara ang sarili mo kay Clai?" tanong ko, pilit pinapakalma ang sarili.
"Because I'm jealous."
Napahinto ako.
Ngunit agad siyang naging seryoso. Mas seryoso kaysa kanina.
"Hey... I didn't ask you this before. But now I have the chance."
"What is it?" kinakabahan kong tanong.
Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko.
"Who was your first kiss?"
Napalunok ako.
"U-Um... ano bang klaseng tanong 'yan?"
Lalong tumigas ang ekspresyon niya.
"Don't lie, Avia. If I ever catch you lying to me..." bumaba ang tono niya, naging malamig, "I don't know what I'll do to you."
Nanlamig ang buong katawan ko.
Okay lang ba na sabihin ko ang totoo? What if saktan niya ako?
Bahala na.
He asked for it.
"Clai," mahina kong sagot. "Siya ang first kiss ko."
Tahimik.
Walang reaksyon.
Lumipas ang ilang minuto. Hindi siya gumagalaw.
Napalingon ako sa kanya.
Nakayuko siya. Hindi ko makita ang ekspresyon niya.
Bigla niya akong itinulak sa kama. Napahiga ako at akmang hahalikan niya ako.
"Stop!"
Napahinto siya.
"Or else... I won't try to love you."
Napakagat siya sa labi. Ilang segundo kaming nagtitigan.
Pagkatapos bigla siyang tumalikod at nag-walk out.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love Disorder 1
Romance(Completed) Aviana is a 14 year old girl, who live in japan. Nang dahil lamang sa divorce ng parents niya, kailangan niyang sumama sa mama niya sa pilipinas. Pagkatapos ng isang taon, uuwi na naman siya sa japan para makasama niya ang papa niya. But...
