Tumawa naman ako dahilan para kumunot ang noo niya.
"Well, mahal rin naman kita, Tim. Syempre kaibigan kita, eh," sabi ko habang inaayos ang strap ng bag ko.
"No, Avia. That's not what I meant. I love you... more than a friend," sagot niya, mababa at seryoso ang boses.
Napakurap ako. "What do you mean? As a sister?" tanong ko, halos pabulong dahil hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang ganito.
Napahinga siya nang malalim bago tumingin diretso sa mga mata ko.
"Gusto kitang ligawan."
Parang may sumabog na firecracker sa utak ko.
"What?! Are you kidding me right now? Where's the camera?!" Napatingin ako sa paligid, sa mga puno, sa poste—pero wala. Kahit isang nakatambay na tao, wala. "Nathan, kapag nalaman kong prank 'to, patay ka sa'kin."
"I'm serious, Aviana."
Natigilan ako. Minsan lang niya ako tawagin ng full name.
"Nathan? Kailan? Paano? Bakit?" sunod-sunod kong tanong, hindi ko mapigilan.
"Hindi ko alam," sabi niya, napakamot ng batok. "Siguro... nung una tayong pumunta ng arcade. Nung tumawa ka dahil natalo mo 'ko sa basketball game."
Napatingin ako sa sahig.
"Pero Nathan, alam mo naman na friends lang tayo, 'di ba?"
"Alam ko," sagot niya, pero bakas sa boses niya ang sakit. "Pero hindi ko na kaya pigilan. Avia... I love you."
Natahimik ako. Para akong nalunok ng hangin.
"I-I—" hindi ko naituloy dahil bigla siyang sumingit.
"I know na as a friend lang turing mo sa'kin, but I won't give up. Hindi ako susuko, Avia."
"Paano si Illy?" tanong ko. Kita ko kung paano huminto ang mundo niya sa tanong na 'yon.
"Ewan ko," sagot niya, halos pabulong.
"Nathan... I think kailangan mo munang pag-isipan 'to. I mean, I'm just a kid—"
"Age doesn't matter, Avia."
Umiling ako. "Well, sinabi ko na sa inyo noon pa. Age does matter to me. Kaya please... pag-isipan mo muna bago tayo magkaharap ulit."
Hindi ko na siya tiningnan. Umalis na ako.
⸻
Nagpahinga ako ng malalim habang ginagawa ang homework ko pero wala akong ibang naiisip kundi ang sinabi ni Nathan.
"Ate, anong iniisip mo?" tanong ni Clai habang kumakain ng kendi.
"Wala," sagot ko agad.
"Inaamin mo bang may tinatago ka sa'kin?" nakataas kilay niyang tanong.
"No. Hindi naman 'yun importante."
"Kung tungkol sa'yo, ate, importante sa'kin 'yun," sagot niya, medyo nakabusangot.
Napahinga ako nang malalim.
"Nag-confess sa'kin si Nathan," sabi ko.
Hindi siya sumagot. Kaya tumingin ako sa kanya—gulat na gulat ang mata niya, halos malaglag ang kendi sa bibig.
"Hey, Clai? Are you okay?"
"O-oo... ano sagot mo, ate?"
"Hindi ko siya sinagot," sagot ko habang sinusulat ang number 5 sa homework.
"Then why does it bother you?" tanong niya.
"Mmh... siguro kasi friend ko siya. Or maybe... hindi ko alam ang nararamdaman ko."
BINABASA MO ANG
Obsessive Love Disorder 1
Romance(Completed) Aviana is a 14 year old girl, who live in japan. Nang dahil lamang sa divorce ng parents niya, kailangan niyang sumama sa mama niya sa pilipinas. Pagkatapos ng isang taon, uuwi na naman siya sa japan para makasama niya ang papa niya. But...
