Agad kong hinawakan ang kamay ni Ken. Napatingin siya sa akin, at ngumiti ako sa kanya.
"May pera ka ba?" tanong ko sa kanya, pilit nakangiti.
"Aanhin mo naman?" sagot niya.
Napangiti na lang ako at hinila siya papunta sa amusement park. Habang papalapit kami, hindi ko maiwasang mapansin ang excitement sa mga rides, ang tunog ng mga tawanan at sigawan, halos naiangat ang mood ko sa tuwing kasama siya.
Pagkapunta namin sa entrance, binitawan ko na ang kamay niya at huminga nang malalim.
"Bakit hindi nalang tayo nag-taxi?" tanong niya, hinihingal pa rin.
"Para naman makatipid," sabi ko. Napatingin siya sa akin at napailing, sabay tawa. "Oops, nakalimutan ko na mayaman ka pala."
Napatingin siya sa mga rides, tila nag-iisip.
"Ikaw na lang ang sasakay. Ayos lang ako," sabi niya.
"Huh? Hehehe, don't tell me natatakot ka," tukso ko habang hinihila siya papunta sa pinaka-mataas na roller coaster.
"Ako? Natatakot? Hindi ah," pagtanggi niya, pero halatang nanginginig ang mga daliri niya sa hawak ko.
"Ganun naman pala eh. Edi sakay na tayo!" Halos sabay kami tumakbo papunta sa entrance ng ride, sabay tawa at halakhak.
______
"Ha! Ayaw ko na," nahihirapan niyang sabi habang humihinga nang malalim.
"Hahaha, okay ka lang?" tanong ko, sabay haplos sa likod niya para kalmahin.
"Nasusuka ako," sagot niya, halos nanginginig.
"Wait lang." Dali-dali akong pumunta sa maliit na tindahan malapit sa rides at bumili ng White Rabbit. Pagbalik ko, iniabot ko sa kanya.
"Eto, kainin mo. Para hindi ka na makaramdam ng pagsusuka."
Tinanggap niya ito nang medyo nagulat pero ngumiti sa akin habang kinakain. Habang naglalakad kami papunta sa parking lot, naramdaman ko na unti-unti siyang nakaka-relax.
"Saan naman tayo pupunta ngayon?" tanong niya, tila bumabalik sa normal na tono.
"Sa mall," sagot ko, may halong excitement.
"Ano naman gagawin natin doon?" tanong niya.
Napairap ako, "Tinatanong pa ba 'yan? Magsho-shopping, siyempre."
"Tsk, ang sungit mo," bulong niya habang papalapit sa akin.
"May sinasabi ka?" tanong ko, medyo mataray.
"Wala," sagot niya, ngiti lang.
______
"Umm, miss, may couple shirt ba kayo dito?" tanong ko sa sales lady habang tinuturo ang aisle.
"Ah, couple shirt. Sige po," sagot niya, sabay turo sa section.
Sinundan namin ito ni Ken. Pinili ko ang gray at white na t-shirt. Lumingon ako sa kanya.
"Ken, sa tingin mo..." hindi ko na natapos ang sasabihin dahil napansin kong namumula ang pisngi at tenga niya. Napaiwas siya ng tingin.
"Oy, kinikilig," tukso ko na naman, sinisiko ko pa ang braso niya.
"Ako? Hindi ah!" Napalingon siya sa assistant.
"Bibilhin ko 'tong couple shirt—lahat," sabi niya bigla, halatang na-excite.
"What?! Ken, pwede isa lang," sabay tingin ko sa pile ng shirts. "Marami na yata."
Pero bago ko naisin, limang babae sa maid outfit ang dumating, dala-dala ang maraming paper bag.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love Disorder 1
Romance(Completed) Aviana is a 14 year old girl, who live in japan. Nang dahil lamang sa divorce ng parents niya, kailangan niyang sumama sa mama niya sa pilipinas. Pagkatapos ng isang taon, uuwi na naman siya sa japan para makasama niya ang papa niya. But...
