Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, pilit pinipigil ang ingay habang sumisilip palabas. Nang tuluyan akong makalabas ng kwarto, agad kong napansin ang katahimikan ng bahay—masyadong tahimik. Wala si Clai sa paligid.
Napakunot ang noo ko. Saan kaya siya nagpunta?
Agad ko ring iniling ang ulo ko, pinipilit iwaksi ang kung anu-anong iniisip. Hindi iyon ang dapat kong pagtuunan ngayon. Mas mahalaga ang isang bagay—kailangan kong hanapin ang cellphone ko. Iyon lang ang tanging paraan para makaalis ako rito, para makatawag ng tulong, para may kontrol man lang ako kahit kaunti sa sitwasyong ito.
Ilang oras na akong palipat-lipat ng silid, binubuksan ang mga drawer, sinisilip ang mga mesa, at hinahalukay kahit ang mga lugar na alam kong imposibleng paglagyan ng cellphone. Pero wala. Wala talaga.
Doon ko lang tuluyang napagtanto ang isang bagay—hindi ito ang bahay nina Clai at Illy. Ngayon ko lang napansin ang kakaibang layout, ang lamig ng mga pader, at ang kawalan ng kahit anong personal na gamit na magpapatunay na may iba pang nakatira rito. First time ko lang makarating sa lugar na ito.
Paano siya nakabili ng ganitong bahay?
At higit sa lahat—bakit walang bintana?
"Hayst! Nasaan na ba 'yon?" inis kong tanong sa sarili ko, habang pinapahid ang pawis sa noo ko.
"Looking for this?"
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
Agad akong napalingon at nakita si Clai, nakasandal sa pader, kaswal ang postura—parang matagal na niya akong pinapanood. Hawak-hawak niya ang cellphone ko, nilalaro sa pagitan ng mga daliri niya na parang isang laruan lang.
Napalunok ako ng laway. Biglang nanikip ang dibdib ko.
So alam niya.
Parang sinasabi ng tingin niya na matagal na niya akong pinag-iisipan, sinusukat ang bawat kilos ko, bawat ekspresyon ko.
"A-ah... o-oo," kabado kong sabi, pilit pinapanatiling natural ang boses ko. "Akala ko kasi... nawala ko."
Ngumiti siya—hindi iyong uri ng ngiti na nakakapagpakalma. "Then nalaman mong nasa akin ang cellphone mo," sabi niya, bahagyang tumuwid. "Ano na ang gagawin mo ngayon?"
Nanlalamig ang mga kamay ko. Sinusubukan niya ba ako? Isa ba itong test?
Hindi ko puwedeng basta bawiin ang cellphone. Sigurado akong lalo lang siyang magdududa.
"A-ah, hindi... wala," mabilis kong sagot. "Sinisigurado ko lang na safe 'yung cellphone ko. Malalagot kasi ako kay Mama kapag nawala ko 'yan."
Tinitigan niya ako nang matagal—masyadong matagal—na parang hinahanap ang bitak sa mga salita ko.
Maya-maya, tumango siya at ipinasok ang cellphone ko sa bulsa niya.
Parang may pumutok sa loob ng ulo ko.
Paano ko pa 'yon mababawi?
Wala na akong choice. Kung gusto kong makaalis dito, kung gusto kong mabuhay nang maayos—kailangan kong ibalik ang tiwala niya sa akin. Kahit pansamantala lang. Kahit sa maling paraan.
I will do anything, bulong ko sa isip ko. Anything... basta makaligtas.
⸻
Alas-siyete na ng gabi nang bumaba ako sa kusina.
Nakita ko si Clai roon, abalang nagluluto habang suot ang apron.
Okay, Aviana. Kaya mo 'to.
Grade 7 pa lang ako, marunong na talaga akong magpanggap. Marunong akong umarte, ngumiti, magpakita ng kung anong gusto nilang makita. Hindi ito ang unang pagkakataon na kailangan kong gamitin iyon—pero sana, ito na ang huli.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love Disorder 1
Romance(Completed) Aviana is a 14 year old girl, who live in japan. Nang dahil lamang sa divorce ng parents niya, kailangan niyang sumama sa mama niya sa pilipinas. Pagkatapos ng isang taon, uuwi na naman siya sa japan para makasama niya ang papa niya. But...
