"C-Clai? Anong ginagawa mo dito?" kabado kong tanong habang paatras na humahakbang.
Ngumiti siya. That soft, familiar smile—pero may kakaibang dilim sa mga mata niya.
"You're already 23. I'm already 22. Nasa tamang edad na tayo para magpakasal."
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
Napaatras ako lalo. "Hindi naman ako pumayag!"
"Pumayag ka," seryoso niyang sagot. "Nine years ago."
"Akala ko joke lang 'yon!" halos mapasigaw ako.
Lumapit siya dahan-dahan parang may hinuhuli. "You can't break our promise, ate. Cause you're mine now."
Agad ko siyang tinulak at akmang lalagpas sa kanya pero mabilis niyang hinarangan ang dadaanan ko.
"Where do you think you're going?" malamig niyang tanong.
"Clai, please... set me free. Ilang beses ko pa bang sasabihin o ipapakita sa'yo na I don't love you in a romantic way?!" sigaw ko.
Hindi pa nga ako tapos kay Wilder dumagdag ka pa. Bakit ba ang malas ko?
Ngumiti siya—pero hindi na iyon ang sweet na ngiti na nakasanayan ko.
"But I can't let you go."
"What do you mean you can't?"
Hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang kanang kamay niya. Umiwas agad ako. Narinig ko ang mahina niyang tawa.
"Ate... you know I can't live without you." Bumaba ang boses niya. "Papatayin ko ang sarili ko kapag iniwan mo ako."
Napalunok ako.
"Where's Illy?" bigla kong tanong.
"Don't worry. Nandoon pa rin sila sa Pilipinas," sagot niya na parang walang nangyayari. "Alam mo ba? Halos mabaliw ako nang malaman kong aalis ka."
Halos? Baliw ka talaga.
Hinawakan ko ang pisngi niya. Nagulat siya.
"Clai... please don't do this to yourself. I'm sure may darating na ibang babae sa buhay mo. Someone na mamahalin ka at tatanggapin ka." Humawak ako sa kamay niya. "And that's not me. Please... let me go."
Sandali siyang natahimik.
Pagkatapos—
"Alam mo ba, ate. Isa lang ang hindi ko kayang gawin?" Bumaba ang boses niya, mas seryoso. "Ang pakawalan ka. Kahit tumakas ka, mahahabol at mahahabol pa rin kita. I will do anything just to make you mine."
"Clai—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong yakapin. Nawalan ako ng balanse at napaupo sa sahig.
"I really missed you, ate. Ang tagal nating hindi nagkita."
Iba si Clai kay Wilder.
Si Clai, sweet. Gentle. Pero may sakit sa pag-iisip.
Si Wilder? May pagka-violent. Ramdam mong kaya kang saktan kapag nagalit.
But I don't want anybody to own me.
Hindi ako bagay. Hindi ako pagmamay-ari.
Kung wala silang OLD, mamahalin kaya nila ako?
No.
I don't want fake love.
Tinulak ko si Clai at tumakbo.
"Avia! Come back here!" sigaw niya.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love Disorder 1
Romans(Completed) Aviana is a 14 year old girl, who live in japan. Nang dahil lamang sa divorce ng parents niya, kailangan niyang sumama sa mama niya sa pilipinas. Pagkatapos ng isang taon, uuwi na naman siya sa japan para makasama niya ang papa niya. But...
