Tama nga ang sinabi sa akin ni Ken. Napatingin naman ako kay Illyria, seryoso ang expression ko kahit siya ay hindi pa rin nagtatama ng tingin sa akin. Para siyang may dinadalang bigat na ayaw niyang ilabas, pero halata sa bawat paghinga niya.
"So tell me," marahan kong tanong, kahit ramdam ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko, "si Clai ba ang tumulak kay Nathan?"
Dahan-dahan siyang napatango—yung tipo ng tango na parang may kasamang pakiramdam ng pagkasukol, pagod, at takot.
"Yes... sorry kung hindi ko sinabi sa'yo," mahina niyang sabi, parang bawat salita may kasama pang hiya at bigat. "Takot kasi ako na baka dalhin niyo siya sa mental hospital."
Napatigil ako. "Bakit hindi mo na lang siya dalhin doon? Magagamot naman siya dun."
Napailing siya agad, mabilis pero puno ng lungkot. "I promised my parents... na ililihim ko 'to. Iyon ang last words nila bago sila pumanaw." Hindi niya ako tinitignan, parang takot siyang makita ang reaksyon ko.
"Then bakit may OLD si Clai?" tanong ko ulit, halos pabulong.
"H–hindi ko alam," sagot niya, naglalakbay ang tingin pailalim, "pero nagsimula ito nung five years old pa lang siya."
⸻
ILLYRIA POV
Five years old pa lang si Clai noon, at sampung taong gulang pa lang ako. May crush siya na kaklase niya—si Nika. Lagi siyang dumadalaw sa bahay namin, tumatawa, tumatakbo, at parang may sariling mundo sila ni Clai. Nagtataka ako kung bakit gano'n siya ka-attach kay Nika, e mga bata pa naman sila. Hindi ko rin alam kung saan natutunan ni Clai ang konsepto ng pag-ibig, pero siguro iyon ang simula ng lahat.
Pero isang araw, biglang nag-iba ang lahat. Hindi na nakipaglaro si Nika sa kanya.
"Nika! Laro tayo!" masigla pa rin ang boses ni Clai, parang walang nagbago.
Pero nang tumingin si Nika sa kanya, may kakaiba sa mukha niya—takot? Pag-aalinlangan? Parang forced na tapang.
"Nika, sabihin mo na sa kanya," sabi ng isang batang lalaki na nakatayo sa likod niya. Nakangiti ito ng nakakaloko, yung tipong alam mong may masama siyang gustong palabasin.
Nagtago ako sa likod ng pader, sinusubaybayan sila nang palihim. Kinabahan ako, pero hindi ko alam kung bakit.
"A–ayaw ko na sa'yo!" sigaw ni Nika, halos pumutok ang boses sa tensyon. "I hate you!"
Nanigas si Clai. Nagulat. Nasaktan. Parang hindi niya naintindihan ang sinabi ng bata. Akala ko iiyak siya—pero ang sumunod ay mas masahol.
Tatakas na sana si Nika pero agad niyang hinawakan ang braso nito, mahigpit. Mas mahigpit kaysa sa normal.
"Heh? Maglalaro pa tayo, Nika. Saan ka pupunta?" malamig niyang tanong.
"Clai! Bitawan mo ako! Nasasaktan na ako! Aray!"
Narinig ko ang panginginig sa boses ni Nika kaya agad akong lumapit.
"Clai! Bitawan mo siya!" sigaw ko.
Pero para siyang walang naririnig. Para siyang naka-lock sa isang mundo na si Nika lang ang laman.
"Oi! Clai! Bitawan mo si Nika!" dagdag pa nung batang lalaki, pero bago pa siya makalapit ay biglang tumalon si Clai sa kanya.
At doon na nagsimula ang bangungot.
Nang bumagsak sila sa lupa, nakapatong si Clai sa bata. At sa kamay niya—isang maliit na kutsilyo na madalas niyang gamitin sa paggupit ng laruan. Hindi ko alam paano niya nadala iyon. O bakit.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love Disorder 1
Dragoste(Completed) Aviana is a 14 year old girl, who live in japan. Nang dahil lamang sa divorce ng parents niya, kailangan niyang sumama sa mama niya sa pilipinas. Pagkatapos ng isang taon, uuwi na naman siya sa japan para makasama niya ang papa niya. But...
