"Clai, ayos lang talaga. Ako na ang bahala diyan," sabi ko habang inaabot sa kanya ang test paper ko.
Pero parang wala siyang narinig. Patuloy pa rin siya sa pagsusulat, halos dumikit na ang ilong niya sa papel sa sobrang focus.
"Diba sabi mo hindi mo alam ang sagot? Ayaw ko ma-stress ang ate ko," nakangiti niyang dagdag, hindi man lang lumilingon sa akin.
Napabuntong-hininga ako. Wala talaga 'tong batang 'to—hindi marunong makinig. Napahiga ako sa kama, hawak 'yung unan.
Pero habang tinitignan ko siya, bigla akong naalala.
Si Illy.
Simula nung umalis ako sa bahay nila, wala akong natatanggap na text, tawag, kahit isang simpleng "kumain ka na ba?" Wala. At hindi ko alam kung bakit ang bigat sa dibdib ko pag naiisip ko siya.
"Clai, kamusta si Illy?" tanong ko, halos pabulong.
Natigil siya sandali, bahagyang tumikhim, pero agad ding nagpatuloy sa pagsusulat.
"Okay lang naman siya," sagot niya, pero ramdam kong may tinatago.
Hindi ko makita ang mukha niya—nakatalikod kasi. Parang may iniilagan siya.
"Clai... sorry nga pala nung isang araw," sabi ko softly.
Napatigil siya saglit bago tumango. "Sorry rin. Nagselos lang kasi ako."
Hindi ko napigilang mapangiti. Tumayo ako at niyakap ko siya mula sa likod, ramdam ko ang init ng batok niya.
"Bati na tayo ha."
Napansin kong namumula 'yung dalawang tenga niya—super cute—kaya natawa ako at kumalas.
"Bakit ka kumalas?" tanong niya agad, parang batang nawalan ng laruan.
"Huh? Baka ma-distract ka sa test ko," sabi ko.
Tumango siya pero halatang disappointed. Umupo ulit ako sa kama at kinuha ang phone ko.
"Ate," tawag niya.
"Yes?"
"Pag natapos ko na ba 'to... pwede ba kitang mayakap?" Utal pa. Halos malaglag phone ko.
"Huh? Umm... sure," sagot ko kahit ramdam kong kumabog bigla ang dibdib ko.
Pumikit ako, nag-aantay ng antok. Pero ilang minuto na—waley. Parang may kung anong nag-aalert sa utak ko na wag matulog.
Hanggang may biglang pumatong sa akin.
Literal. Pumatong.
Nagmulat ako at nakita ko si Clai—nakadapa sa akin, mahigpit ang yakap, tulog na tulog.
"Clai, diba parang hindi kumportable 'tong posisyon natin?" tanong ko, pero wala. Tulog pa rin. Napailing ako at hinayaan nalang.
•••
Paglipas ng ilang oras, lowbat na phone ko. Dahan-dahan kong inalis ang braso niya at bumangon.
Hinahanap ko ang charger ko pero wala. Tumingin ako sa paligid—sa desk, sa ilalim ng kama—wala talaga.
"Saan ko ba nilagay 'yun...?" bulong ko.
Then naalala ko—naiwan ko pala sa kusina habang kumakain ako kanina.
Umabot ako sa pinto para kunin, pero—
Ayaw bumukas.
Huh?
Sinubukan ko ulit, mas malakas na. Wala. Hindi gumagalaw. Kinuha ko ang spare key sa desk... pero wala rin.
Agad akong lumapit kay Clai at tinapik siya.
"Clai, gising! Clai!"
Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata.
"Ate... bakit?" inaantok na tanong niya.
"C-Clai, nakita mo ba 'yung susi?" kinakabahan kong tanong.
"Hindi eh. Why, ate?"
"Clai... mukhang na-trap tayo."
Pero imbes na kabahan, ngumiti pa siya.
"Maghintay nalang tayo. Baka may dumating."
Bakit siya chill? Ako halos atakihin. Siya? Parang nag-room service lang kami.
Kinuha ko ang phone ko—zero percent.
"Ang malas ko..." bulong ko sa sarili.
"Ayos lang 'yan ate. Kasama mo naman ako," sabi niya softly.
Napilit nalang akong ngumiti.
•••
Ilang oras pa ang lumipas, wala pa rin si mama. Gutom na gutom na ako. Nauuhaw. Biglang nag-sound effect ang tiyan ko—loudly. Napatingin si Clai.
Napahiya ako.
May kinuha siya sa bag niya—softdrinks and... Brioche donuts.
Napatalon puso ko.
Favorite ko 'yan.
"Wah! Favorite ko—" bigla akong natigil. Hindi 'to akin. At mas importante kalusugan ni Clai—masyado siyang payat, may sakit pa. "Sa'yo na 'yan."
Nagulat siya. "B-bakit ate? Ayaw mo ba? Akala ko favorite mo ito..."
"Huh? Sino nagsabi?" tanong ko.
"Si ate Illy. Sinabi niya noon pa. Nung naging close na tayo."
Napatingin ako sa sahig, may kung anong kirot sa dibdib ko sa pagbanggit niya kay Illy.
"Pero ate... ayaw mo ba talaga?" tanong niya ulit.
"Meron pa bang isa?" tanong ko.
Umiling siya.
Kinuha ko ang donut at hinati.
"O, hati tayo."
"Nako, ate, wag na. Binili ko 'yan para sa'yo." Nag-aalangan pa.
"Cutie," sabi ko, at inabot ang kalahati, "kailangan mo rin kumain. Tingnan mo katawan mo... ang payat-payat mo."
Uminit ang tenga niya again. Tinanggap niya.
Kumain kami. Kinuha niya ang chocolate drink niya.
"Saan ka nakakuha ng pambili nito?" tanong ko.
"Inipon ko po," sagot niya, proud.
Napaguilty ako. Sinubukan ko siyang iwasan noon... pero eto siya. Nag iipon para sa akin.
"Inumin mo 'yan," utos ko nang gusto niya ibigay sa akin.
"Huh? Paano ka naman ate?"
"Tumira ka lang ng kaunti para sa'kin."
Sumunod siya. Uminom. Tapos binigay niya sa akin.
Uminom rin ako.
Bigla siyang namula. Sobra.
"Clai, bakit?"
"A-ate..." pero tumalikod siya bigla at tinakpan mukha niya ng unan.
Ang weird niya talaga.
Tinapik ko siya. "Oh, sa'yo na 'to."
Agad niya kinuha ang softdrinks na ininom ko kanina. Parang natulala pa siya.
"Salamat, ate," sabi niya, nakangiti nang sobra.
And then it clicked.
Nakipag-share ako ng drink.
Sa Japan, normal lang iyon sa friends, pero dito...
May ibang meaning pala sa kanya.
At doon ako kinabahan.
Hindi dahil sa weird.
Pero dahil baka may feelings na siyang hindi ko pa kayang harapin.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love Disorder 1
Romance(Completed) Aviana is a 14 year old girl, who live in japan. Nang dahil lamang sa divorce ng parents niya, kailangan niyang sumama sa mama niya sa pilipinas. Pagkatapos ng isang taon, uuwi na naman siya sa japan para makasama niya ang papa niya. But...
