Ilang oras na ako, gumagala sa bahay ni Clai, pero hindi ko talaga mahanap ang daan.
“Bwesit! Gosh!” inis kong singhal sa sarili ko.
Napagpasyahan ko nalang na pumasok sa iba't-ibang silid, wala naman kasi akong magawa dito sa bahay niya at saka napakaboring naman kung wala akong gagawin diba? Kinuha pa niya ang cellphone ko....tsk!
Pumasok naman ako sa isang silid na hindi ko pa napapasukan, kulay pula ang pinto at may paint na rose, kaya i found it interesting.
Ng tuluyan na akong makapasok sa silid. Bigla naman napakunot ang noo ko sa nakita ko, at dahan-dahan sinara ang pinto.
“Huh? Wala naman laman ang nandito,” sabi ko.
Walang upuan, walang kama, or table...in short, empty. Isa lang itong silid na walang laman. Ang weird naman, akmang lalabas na ako, pero parang may bumubulong sa akin na mag stay dito at baka may mahanap ako.
Napahinga naman ako ng malalim, at nagsimula ng maglakad, minamasdan ko muna ang paligid, pero wala talaga ako makitang gamit. Kahit isa. Kinakapa-kapa ko naman ang pader, wala pa rin. Niyakap ko naman ang pader, dahil sa pagod.
“Wah! Saan ko ba mahahanap ang daan! Palabas! Sayang iyung effort ko! Nakakapagod na! Ayaw ko na—” naputol ang sasabihin ko ng bigla ko nalang natulak ang pader at gumawa ito ng daan, para itong pinto pero pader siya. Para itong secret passage.
Napanganga naman ako, hindi ko akalain may tinatago palang lugar ang bahay na 'to. Ng tuluyan na akong makapasok sa loob ng secret passage, bigla naman akong may narinig na ingay, dahilan upang mapatingin ako sa likod ko at laking gulat nalang na pader na ang nasa harap ko.
“Paano na ako makakalabas nito?” tanong ko sa sarili ko.
Napailing naman ako. Iisipin ko nalang ito mamaya. Ang importante, mahanap ko ang daan palabas.
Habang naglalakad ako, nagulat ako, ng nakita ko ang picture ko sa pader. May mga painting, at stolen picture.
Iniistalk ba ako ni Clai parati? No! Kailangan ko makatakas dito. Tumakbo naman ako palayo at ng makita ko na ang pinto.
Agad ko ito, binuksan, pero laking gulat ko na nandoon si Clai. Habang gulat na gulat na nakatingin sa akin, pero agad rin ito ngumiti.
“You....” Napalunok naman ako ng laway, crap! He caught me. “You betray me again.”
•••
“Clai! Ano ba?! Bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako! Clai!” sigaw ko.
Agad niya naman ako tinulak sa basement dahilan upang mapaupo ako sa sahig, napatingin naman ako sa kanya na ngayon ay masama siyang nakatingin sa akin at malakas na sinara ang pinto.
Agad naman ako lumapit sa pinto at malakas na kinatok ito.
“Clai! Palabasin mo ako dito! Clai!” sigaw ko.
“Remember this Avia! As long as i'm alive! Hindi ka makakatakas sa aking mga kamay!” pagkatapos niya sabihin ang mga katagang iyun ay umalis na siya.
“I hate you! I really really hate you!” sigaw ko.
Agad naman ako napaupo sa sahig at niyakap ang sariling tuhod ko, at nagsimula ng tumulo ang luha ko.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love Disorder 1
Romance(Completed) Aviana is a 14 year old girl, who live in japan. Nang dahil lamang sa divorce ng parents niya, kailangan niyang sumama sa mama niya sa pilipinas. Pagkatapos ng isang taon, uuwi na naman siya sa japan para makasama niya ang papa niya. But...