Chapter 5

4K 127 23
                                        


"Gomez, eto na pala 'yong notebook mo. Salamat," nakangiti kong sabi sa kanya.

Kinuha niya iyon. "Sige, walang anuman."
Pagkasabi niya no'n, umalis na siya.

•••

Ilang oras ang lumipas at umuwi na kami. Pagkalabas ko pa lang ng gate, nakita ko na sina Illy at Clai.
Ay, Diyos ko. Ano na naman 'tong drama nila?

Lumapit ako sa kanila, nakapamewang pa.

"What's your problem, ATE?" irita kong tanong kay Illy.

Agad niya akong hinila palayo kay Clai. Napansin kong hindi pa rin ako tinitingnan ni Clai kahit isang beses. Pinagalitan ba 'to? May nag-away bang mag-ate? Again?

Nang makalayo-layo na kami, binitawan niya ako at hinarap ako.

"Avia, pwede mo ba akong tulungan, please?" nagmamakaawa niyang sabi.

Alam ko na 'to. Magpapatulong na naman sa lovelife nila. Break kaya muna kayo? Char. Joke lang.

"Alam kong nagtatampo na si Nathan. Gusto kong makabawi sa kanya. Pwede mo bang bantayan si Clai? Doon ka muna sa bahay namin tumira, pleaseee~"

Naiwas ako ng tingin.
Well... hindi pa naman uuwi si mama. At ang boring din sa bahay pag ako lang.

"Sige," sagot ko.

Agad niya akong niyakap. "Salamat, Avia!"

"Walang anuman."

Kumalas siya at nagmamadaling nagsalita. "Ikaw na bahala kay Clai! Hiramin mo na lahat ng gamit ko! Bye!"
At bago pa ako makapagsalita... umalis na siya.

"What the—" napabuntong-hininga ako at tumingin kay Clai.

Nakayuko siya. Tahimik.

Ano kayang problema ng batang 'to?

Lumapit ako. "Clai, doon muna ako titira sa bahay mo hanggang hindi pa nakakauwi 'yong ate mo."

"Bakit? Saan ba siya pumunta?" tanong niya, hindi pa rin tumitingin.

"Pumunta siya kay Nathan," sagot ko habang nagsimula kaming maglakad.

Tahimik pa rin siya. Sobrang unusual kasi hindi naman siya ganito dati.

•••

Pagkapasok namin sa bahay nila, hinubad ko tsinelas ko.
Maganda ang bahay—maputi, malinis, at may flower accents sa kisame. Parang Pinterest-worthy.

"Wow... ang ganda pala ng bahay niyo," namangha kong sabi.

Wala pa rin siyang sagot. Nag-aalala man ako, hindi ko na lang pinilit.

"Saan dito kwarto ng ate mo?" tanong ko.

Naglakad siya kaya sinundan ko. Pagdating namin sa kwarto, binuksan niya ang pintuan.

Pagpasok ko, napa-wow ako ulit. Pink and white ang theme. Fairy lights on the walls. Very soft, very aesthetic—parang ethereal princess room.

Uy, may idea na ako sa design ng kwarto ko ah.

Binuksan ko ang cabinet ni Illy. Ang gaganda ng clothes—halos pang-IG influencer vibes.

Habang namimili ako, ramdam ko ang tingin ni Clai sa akin. Yung tipong titig na parang siniscan ako. Pero dedma ako—busy pa ako.

"Hindi mo sinabi sa'kin na gumala pala kayo ni Nathan kahapon."
Natigilan ako. Tumingin ako sa kanya, kunot ang noo.

"Paano mo nalaman?" tanong ko.

"Ang saya-saya niyo. Pwede na kayong pagkamalang magjowa," seryoso niyang sagot.

Natawa ako. "Hahaha, are you jealous?"

"Oo. Nagseselos ako."

Natigil ang tawa ko.
Ang seryoso ng mukha niya. At bakit parang inaakusa niya akong nag-che-cheat? E hindi ko naman siya jowa. Tsaka—yuck. Ayoko nga sa bata.

"Clai, kaibigan ko lang si Nathan. May problema kasi siya kahapon kaya pinasaya ko lang saglit."

Then I mentally paused. Wait... bakit ba ako nag-e-explain sa kanya?

Hindi siya sumagot. Kita sa mata niya—hindi siya convinced.

"Clai, matanda na si Nathan. Nineteen na siya. Ako? Fourteen pa lang—"

"Age doesn't matter," cold niyang sabat.

Napahinto ako. Natawa ako nang marahan pero lumabas din agad—dahil iba ang tingin niya.
Para siyang may balak pumatay.

"Clai, hindi ako pumapatol sa matatanda."

"Eh sa bata?"
Diretso niyang tanong.

Napatingin ulit ako sa kanya. Weird. Pero wala na siyang galit sa mukha—ang hinihintay na lang niya ay sagot.

"Lalong-lalo na sa bata," sagot ko.

Kita ko sa mukha niya—nasaktan siya.
Bigla niya akong niyakap. Mahigpit.

"Kung magiging mature ba ako, ate... mamahalin mo ba ako?" bulong niya.

"Clai, hindi mo naman kailangan magbago para mahalin kita."
Kumalas siya, kita ko ang gulat sa mata niya.

"Mahal kita, Clai." Ngumiti ako.

As a friend, syempre. Kalma ka.

•••

As always, natutulog kami nang magkayakap. Normal na 'yon sa amin—sanay na.

"Ate... I love you," bulong niya bago ako makatulog.

Akala ko love niya lang ako as a sister, so hindi ko na pinansin.

"I love you too, Clai," sagot ko.

"Masaya ako..." rinig kong bulong niya.

Hindi ko na inintindi. Tinulugan ko na lang.

•••

Nagising ako sa sinag ng araw. Pagmulat ko—
nakatingin na pala siya sa akin.

"C-Clai? Bakit?" kinakabahan kong tanong.

"Kahit anong gawin mo, ate... ang ganda mo pa rin," sabi niya, steady ang tingin.

Napairap ako, nakangiti. "Well, pinanganak talaga akong maganda."

Niyakap niya ako bigla.

"Sisiguraduhin kong hindi mo ako iiwan," bulong niya.

"Hindi naman ako aalis. Nandito pa ako sa Pilipinas."
Pero babalik rin ako sa Japan after one year...

"Oo, nandito ka nga. Pero kailangan kong maging alerto... dahil baka sa isang iglap, kunin ka na ng iba."

Napatingin ako.
What. Ano daw?

Ang weird talaga nila magkapatid. Confirmed.

Obsessive Love Disorder 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon