Chapter 25

2.3K 83 4
                                        

Nagising na lang ako dahil sa malakas na sigaw ni Mama mula sa ibaba, para bang may sunog na hindi ko alam.

"Aviana! May bisita ka! Bumaba ka na diyan!"

Napangiwi ako at agad kong tinakpan ng unan ang mukha ko, sinusubukang takasan ang realidad—o baka sinusubukan lang takasan ang ingay ni Mama.

"Antok pa ako, Ma..." mahina at matamlay kong sagot, parang may pag-asa pang papayag siya.

Pero hindi nga.

"Aviana! Pag hindi ka lumabas diyan, malalagot ka sa'kin!"

Agad akong napaupo. "Yes po, Ma! Mag-aayos lang ako!"

Habang naglalakad papunta sa banyo, bigla kong naalala ang nangyari kahapon—iyong parang halu-cinema, half-nightmare, half-hindi-ko-maipaliwanag na encounter.
Panaginip lang ba 'yon? Para akong tanga na umiling nang paulit-ulit, pilit kinakalimutan ang memorya na ayaw namang magpalimot.

Pagkatapos ng mabilis pero mukhang hindi pa rin ayos na morning routine, saka ko napansin ang isang bagay na agad nagpatigil sa'kin.

Yung bra ko. Nawawala.

Napakunot ang noo ko. "Hindi naman ako nanaginip tungkol sa—"
Hindi ko tinapos ang iniisip ko dahil baka mas lumala pa ang imagination ko.

Bumaba ako at nadatnan ko si Mama na masipag na naglilinis, hawak ang walis at may himig pa sa bibig. Pero bago pa ako makapagtanong—

"Ma, nakita mo ba—"
Natigil ako nang mahagip ng paningin ko ang isang nakaupo sa sofa.

Si Ken.

Agad akong napahawak sa balakang at napatingin sa kanya nang masama.
"What are you doing here? At paano mo nalaman na nandito ako?"

Tahimik siyang humigop ng kape, parang hindi niya ako narinig. Then he looked at me with that annoyingly calm expression.

"By stalking you." Walang pag-aalinlangan. Parang normal lang sa kanya iyon.

Napapikit ako nang mariin. Seryoso ba 'tong taong 'to?

"Aviana, hindi mo naman sinabi sa'kin na may boyfriend ka pala," sabi ni Mama, parang tuwang-tuwa pa.

"What?! Who said that?!"

"Him." Sabay turo kay Ken.

Napalingon ako kay Ken na parang walang ginawa kundi maging sagabal sa umaga ko. Binabasa niya ang diyaryo na para bang nasa sariling mansyon siya.

Lumapit ako kay Mama at bumulong, "Hindi ka galit?"

"Ano ka ba? Hindi no," sagot niya na parang wala lang.

Napakunot ang noo ko.
"Pero sabi mo hindi pa ako puwedeng mag-boyfriend hangga't hindi ako nakaka-graduate."

"Nagbago ng isip ko." Sabay alis niya na parang wala lang iyon.

Syempre. Kilala kasi niya ang Inciso family. Yun lang naman ang dahilan kung bakit bigla siyang naging supportive.

Huminga ako nang malalim bago tumingin kay Ken, na nasa likod ko na pala at nakaayos na ang bag niya na parang matagal na niyang plano 'to.

"Let's go, malalate na tayo sa school," sabi ko.

Tumango siya, iniwan ang diyaryo sa mesa, at sumunod sa akin palabas na parang personal bodyguard ko.

Pagkalabas namin, hindi ko na napigilan ang irita ko.
"Geez! Bakit ka ba nagpunta dito?"

"Gusto ko lang makita ka. Masama ba?"

Napairap ako.

Pero bago pa ako makareklamo ulit, may tumawag sa'kin.

"Avia."

Obsessive Love Disorder 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon