"Pasensiya ka na, Illy... hindi ako nakabili ng gift para sa'yo. Eto kasing si mama—ngayon lang niya sinabi sa'kin." Naiirita kong sabi habang tinititigan ko si mama na parang gusto ko siyang i-ground kahit ako ang anak.
"Ayos lang. Ang importante, nandito na kayo," sagot ni Illy, smiling like a literal angel.
Bigla namang lumapit si Nathan at niyakap si Illy.
"Happy birthday, baby girl," bulong niya nang malambing.
Kumalag si Illy at napasimangot.
"Ano ba, hindi na ako bata."
Napatawa ako.
Sila talaga ni Clai—parehong may attitude.
"Ate."
Napalingon ako kay Clai, hawak-hawak na niya ang kamay ko as if may mission siya. Hinila niya ako papunta sa balkonahe.
"Clai, bakit tayo nandito?" tanong ko, clueless as always.
Kinuha niya ang kamay ko at may isinuot na singsing.
Huh???
"Princess Aviana Salazar Ramos... paglaki natin, will you marry me?"
Napakawala ako ng ngiting awkward.
OH. Joke. Haha. Prankster ka ha.
"Oo naman," sagot ko, trying not to look confused.
"Promise?"
Nagkunot noo ako.
"P–promise?" Parang tanong tuloy 'yung sagot ko.
Hinawakan niya ang kamay ko habang nakatingin kami sa bituin. Too dramatic for a joke, ha.
"I will never let you go," he whispered.
Hindi ako nakasagot.
Kasi parang... seryoso siya?
At bakit parang... hindi na siya nagjo-joke?
•••
Kumakain ako ngayon habang si Nathan at Illy ay may sariling mundo. Si Clai naman—Nawala sa paningin ko like a teleporting gremlin.
"Avia!" tawag ni mama.
Lumapit ako sa kanya at sa babaeng kausap niya—nasa 40s na siguro, sosyal vibes.
"Mars, ito pala ang anak ko, si Aviana."
"Hi tita! Princess Aviana Salazar Ramos," pakilala ko, sabay shake hands.
"Ang ganda mo naman."
Alam ko! Char. Pero syempre nag-smile lang ako.
"Tita talaga, palabiro," sagot ko habang nagtawanan kami.
"Eto naman ang anak ko, si Mike."
"Hi, I'm Mike Benjamin Alvarez Padel. Nice to meet you, Aviana."
Nakipagkamay ako.
"Nice to meet you, Mike."
Pagbitaw namin, nagsalita si tita:
"Nako, bagay na bagay kayo ng anak ko."
Nag-smile lang ako politely.
Hindi ko na lang sinabi na tao kami pareho so hindi kami bagay. Duh.
"Sige tita, magpapahangin lang po muna ako."
Tumango siya.
Lumabas ako sa balkonahe at huminga ng malamig na hangin—finally, peace.
But then... may papalapit.
Si Mike.
"Ang ganda ng view dito," sabi niya.
Napatango ako.
"Kasing ganda mo."
Napatingin ako sa kanya.
"Alam ko," sagot ko nang deadpan.
Tumawa siya. Okay, friendly.
"Aviana, may boyfriend ka na ba?"
"Wa—"
Napatigil ako dahil may nagsalita sa likod namin.
"May boyfriend na siya," seryosong sabi ni Clai.
WHAT.
Nagtinginan kami ni Mike.
"Talaga ba? Sino?" Hindi convinced si Mike.
Naglalaban ang mata nila—parang titan vs titan, pero mas gwapo si Clai. Char.
"Umm, guys?" bulong ko.
Pero bago pa sila magsabunutan with their eyes, hinila ako ni Clai palayo.
"Clai! Saan tayo pupunta?"
"Hey!" tawag ni Mike pero hindi pinansin ni Clai.
Kinakabahan ako. This guy is giving villain energy.
Pagkapasok namin sa room niya, tinulak niya ako sa kama. Napalublob ako like a helpless pancake.
Narinig ko ang click ng lock.
Wait.
WHY ARE YOU LOCKING THE DOOR, SIR???
Akmang tatayo ako pero tinulak niya ulit ako pabalik sa kama.
Then he climbed over me, holding both my wrists down.
"C–Clai?! What are you doing?" Kinakabahan ako. Legit.
"Ate... sabi ko sa'yo, 'wag kang maghahanap ng boyfriend."
Seryoso ang boses niya—mas seryoso pa sa exam ng math.
Tumawa ako ng mahina kahit nanginginig ako.
"Wala naman akong boyfriend, ano bang pinagsasasabi—Clai?"
May malamig na pumatak sa pisngi ko.
Tears?
Napasandal ako sa unan.
Umiiyak siya?
"Liar!" sigaw niya. "Wag mo sabihing kagaya ka rin ni ate! Iiwan mo rin ako?! Hindi ako papayag! Hindi mo ako pwedeng iwanan—HINDI!"
Para siyang nasisiraan. Hindi ako makapagsalita.
Para siyang...
...nababaliw.
"C–Clai...?"
Biglang bumukas ang pinto.
Si Illy, nakatulala, nakaawang ang bibig, at nabitawan ang susi.
Don't tell me akala niya may ginagawa kaming—
OH MY GOD.
"CLAI! Pakawalan mo si Avia!" sigaw ni Illy.
Kumilos siya agad, tinulak si Clai.
Tumilapon si Clai sa pader.
Napanganga ako. GO BESTIE.
Hinila ako ni Illy palabas, mabilis. Parang may sunog.
"Aviana, ayos ka lang?" tanong niya.
Tumango ako kahit nanginginig pa ang legs ko like jelly.
Pagtapat namin sa hagdan, binitawan niya ako.
"Princess... mas mabuti pang umuwi ka muna. Kakausapin ko ang kapatid ko," sabi ni Illy, serious, cold, dangerous.
Gusto ko pa sana magtanong pero halata sa mukha niya—this is not the time.
Tumango ako.
•••
Nasa kwarto na ako, hawak ang pulso ko. Namumula pareho.
Huminga ako nang malalim.
Kahit kailan... hindi ko talaga maiintindihan ang magkapatid.
Nag-vibrate ang phone ko.
Message from Illy.
Layuan mo na kami.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love Disorder 1
Lãng mạn(Completed) Aviana is a 14 year old girl, who live in japan. Nang dahil lamang sa divorce ng parents niya, kailangan niyang sumama sa mama niya sa pilipinas. Pagkatapos ng isang taon, uuwi na naman siya sa japan para makasama niya ang papa niya. But...
