"Nababaliw ka na ba?!" sigaw ko sa kanya.
"Ate, ayaw mo ba akong makasama?" tanong niya sa akin, halos umiiyak.
Syempre ayaw ko no! Takot nga akong mamatay, tapos papatayin mo pa ako. At saka, bakit sigurado ka na magkakasama tayo sa afterlife? Baka mapunta ako sa langit tapos ikaw sa impyerno.
"Clai, nahihibang ka na ba? Sino bang tao na gusto mamatay?!" tanong ko sa kanya, halatang nanginginig.
Bigla may malakas na kumatok sa pinto. Napatingin kami pareho.
"Aviana! Nandiyan ka ba?!" Sh*t! hindi siguro nila alam na kasama ko si Clai. Agad na napailing ako.
"Sisirain ko ang pinto!" sigaw niya mula sa kabilang side.
"Nathan! Don't!" sigaw ko, nanginginig na ang mga kamay.
Pero huli na ang lahat—binuksan niya ang pinto. At nagulat siya nang makita ang kutsilyo ni Clai na nakapatong sa leeg ko.
"Clai! Put that down!" sigaw ni Illy, halatang natatakot.
"No! You can't take Avia away from me! Hindi ako papayag!" sigaw ni Clai.
Mas nilapit pa niya ang kutsilyo sa leeg ko, at hindi ko na naiwasan, nasugatan ako.
"C-Clai, please... d-don't do this," maiyak-iyak kong sabi sa kanya, halos humihinga nang mabilis.
Napatingin siya sa akin parang unang beses akong tiningnan nang ganito.
"Bakit ka umiiyak, ate? Dapat masaya ka na, dahil magkakasama na tayo... forever... Ayaw mo ba nun? Wala na talagang makakapaghiwalay sa atin," sabi niya, halos may halong ngiyaw at lungkot.
"I don't want to die!" halinghing ko, habang dahan-dahang tumutulo ang luha ko sa pisngi. Isa lang ang kinakatakutan ko: mamatay. I'm scared... Somebody save me.
"Ate, hindi ka naman mag-iisa. At panandalian lang naman 'yung sakit... mawawala rin 'yan. Kamatayan lang ang paraan para magkasama tayo... So please... die with me!"
"No!" sigaw ni Illy, sumisigaw sa kabilang side.
Akmang isasaksak na niya sa akin ang kutsilyo pero napahinto siya ng bigla akong magsalita.
"Kung mahal mo ako... hindi mo ako sasaktan!" sigaw ko, buong tapang kahit nanginginig.
"I love you, that's why I will kill you... can't you see? Ginawa ko 'to para sa'yo," sabi niya, at napansin niya na hindi ako titigil sa pag-iyak. Agad niya pinunasan ang luha ko gamit ang daliri niya.
"Shhh... don't cry, Avia."
Nagulat siya nang bigla ko siyang tinulak nang malakas kaya napaatras siya ng kaunti.
"Hindi mo ako mahal!" sigaw ko.
"W-what do you mean, Avia? I love you... ano bang pinagsasasabi mo?" tanong niya, halatang nagtataka.
"May sakit ka na, Clai. Obsessive Love Disorder! Can't you see?! Kung wala kang OLD! Sa tingin mo ba magkakagusto ka sa akin? Iniisip mo lang sarili mo! Hindi mo talaga ako mahal!" sigaw ko sa kanya.
"Hindi mo ba nakikita ang effort ko para sa'yo?! Para makuha lang kita sa kanila, ate!" sigaw ni Clai, halos umiiyak na rin.
"Kung magmahal ka... handa ka talagang masaktan! Clai, love is not just about getting the person you want. Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Clai, kung magmahal ka... handa kang magsakripisyo para lang sumaya ang taong mahal mo... Cause that is the reality!"
"Ate, w-wala akong sakit... fake news lang 'yun. Walang ganung sakit." Masama pa rin siyang nakatingin kay Illy dahilan upang umatras si Illy ng konti.
"What did you say to her?!" galit na tanong ni Clai.
"Walang kasalanan si Illy dito, Clai. You need to let me go," sagot ko, halatang sinusubukan kong huminahon siya.
"Why?! Mahirap ba sa'yo na mag-stay sa akin at mahalin ako?! Mahirap ba iyon, ate?!" sigaw niya, sabay ngiting pilit. Napatingin siya kay Ken. "Dahil ba sa mokong na 'yan?! Ha! Kaya hindi mo ako kayang mahalin!"
"Clai—" pinutol ko na ang sasabihin ko.
Hindi ko puwede sabihin sa kanya na kaibigan lang ang turing ko kay Ken. Lalo na't baka masaktan ko ang damdamin niya.
"Bakit hindi ka makasagot?!" sigaw na tanong sa akin ni Clai. Napakagat ko ang labi ko.
"Don't tell me gusto mo si Ken... kaya kahit anong gawin ko, hindi mo ako kayang magustuhan?!"
"What, Avia, totoo ba?" tanong ni Nathan, halatang na-curious.
Agad siyang sinikò ni Illy at sinamaan ng tingin. Nakatingin lang sa akin si Ken, tahimik, hinihintay ang sagot ko.
"Clai, I-i don't love Ken. I-i will choose you," sabi ko sa kanya.
Nagulat siya sa sinabi ko, hindi niya inaasahan. Pati sila, nagulat.
"A-ate..."
"Napamahal ka na sa akin, Clai. You are important to me." Agad ko siyang niyakap. "So please... calm down."
Sinenyasan ko si Illy na ibigay sa akin ang injection. Napatango siya, parang naiintindihan na ang plano ko. Pag nakuha ko na ang injection, normal ko itong sinasaksak kay Clai. Agad niyang tinulak ang kamay ko.
"Bakit mo ginawa 'to?!" sigaw niya, napaiwas ako ng tingin.
"I'm sorry, Clai... but I have to do this," sabi ko, habang dahan-dahang hinihila niya ang sarili ko.
"A-ate, why—" naputol ang sasabihin niya nang bigla siyang tumumba at nawalan ng malay.
Lumapit sila sa akin, at kinuha si Clai ng mga nurse.
"Princess, ayos ka lang?" alalang tanong ni Illy.
Napatango ako.
"Ano bang nilagay mo sa injection?" tanong ni Tan, halatang naguguluhan.
"Propofol," sagot ko, kalmado lang.
"Huh? Ano iyan?" tanong ni Nathan, habang sinusubukan kong iwasan ang tingin niya.
"Propofol (Diprivan) slows down your brain and nervous system. It's used to put someone to sleep," paliwanag ni Ken.
"Tsk... edi ikaw na ang matalino," bulong ni Nathan, halatang nagpapaasar.
Agad siyang hinila ni Illy.
"Titingnan lang muna namin si Clai," sabi ni Illy.
"Teka... wait. May sasabihin pa ako kay Avia!" sigaw ni Tim, pero hindi siya pinansin. Patuloy lang sila sa paglalakad.
Napalingon ako kay Ken, ngayon ay malungkot ang expression.
"Ken... may problema ba?" tanong ko. "Ah, dahil ba 'to sa sinabi ko kanina? Don't worry... ginawa ko lang 'yun para sa plano ko na matumba si Clai."
"Aviana..." mahina niyang sabi, halatang hindi pa maka-move on.
"Yes?" sagot ko, nakatitig sa kanya.
"Ito na ang last day na magiging boyfriend mo ako," sabi niya, napaiwas ang tingin.
"W-what?"
"Remember... one month na ngayon. At bukas na aalis ako dito... pupunta sa Amerika para ituloy ang pag-aaral ko," paliwanag niya, halatang may halong lungkot. Napaiwas siya ng tingin. "Gusto ko man mag-stay, pero hindi ko matatangihan ang parents ko."
"Ken..." malungkot kong tawag sa pangalan niya.
Ang bilis ng panahon... parang kahapon lang kami nagkakilala. Hindi ko akalain na aalis na siya bukas, at hindi man lang kami masyadong nakapag-spend ng oras... dahil sa pag-kidnap ni Clai sa akin.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love Disorder 1
Romance(Completed) Aviana is a 14 year old girl, who live in japan. Nang dahil lamang sa divorce ng parents niya, kailangan niyang sumama sa mama niya sa pilipinas. Pagkatapos ng isang taon, uuwi na naman siya sa japan para makasama niya ang papa niya. But...
