Chapter 43

1.8K 71 8
                                        

Bakit?
Bakit sa bawat galaw niya—sa bawat ngiti, sa bawat titig—nakikita ko si Clai?

Parang may kung anong bumabalik mula sa alaala ko, pilit humahaplos sa isip ko kahit ayaw ko na itong balikan.

Agad ko siyang itinulak palayo.

"Why are you even here?" inis kong tanong. "CR ng mga babae 'to. Manyak ka ba?!"

Napatingin ako sa paligid, mabuti na lang at wala pang tao. Kung hindi, siguradong malaking gulo na ang mangyayari. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakainis—ang kapal ng mukha niya, o ang katotohanang parang wala lang sa kanya ang sitwasyon.

"I don't care about other girls," sabi niya, nakangiti pa rin. "I just wanted to see you."

Nanlaki ang mga mata ko.
"Nababaliw ka na ba?!" sigaw ko, hindi na napigilan ang sarili.

Mas lumapad pa ang ngiti niya, parang lalo lang siyang nae-enjoy.
"Careful," babala niya, mababa ang boses. "Kung mag-iingay ka pa, maririnig ka talaga ng mga tao sa labas."

Napamura ako sa isip ko.

"Nyūsu o kikimashita ka?" rinig kong tanong ng isang babae sa labas.

"Nani no nyūsu?" sagot ng isa pa.

Hindi na ako nag-isip. Agad kong hinila si Wilder papasok sa isang cubicle. Mabilis kong tinakpan ang bibig niya bago pa siya makapagsalita. Ramdam ko ang pag-igting ng katawan niya, pero hindi siya pumalag—sa halip, tinitigan lang niya ako, parang may kung anong amusement sa mga mata niya.

Nakatutok ang buong atensyon ko sa dalawang babaeng nasa labas. Halos hindi ako humihinga habang naririnig ko ang mga yabag nila, ang pag-uusap nila, ang tunog ng pinto.

Maya-maya, tuluyan na silang umalis.

Napabuntong-hininga ako ng malalim, parang ngayon lang bumalik ang hangin sa baga ko. Unti-unti kong inalis ang kamay ko sa labi niya.

"Isn't it weird?" bigla niyang tanong, may halong biro ang boses. "A guy and a girl inside the same bathroom." Bahagya siyang yumuko palapit. "Makes you wonder what they're doing, right?"

Napatingin ako sa kanya, iritasyon at hiya ang sabay na kumulo sa dibdib ko.

"Shut up," mariin kong sabi bago agad lumabas ng cubicle.

Lumabas ako ng restaurant at huminga ng malalim. Pakiramdam ko sumasakit ang ulo ko. Nakaka-bad mood talaga si Wilder. Hindi ko alam kung magkakasundo pa ba kami—o kung may pagkakasundo ba kaming darating.

Pagdating sa bahay, diretso agad ako sa kwarto. Hiniga ko ang sarili ko sa kama, nakatitig lang sa kisame, pilit inaayos ang magulong isip. Kinuha ko ang cellphone ko—at doon ako napaupo ng biglaan.

44 missed calls — Illy

Bago pa ako makareact, biglang nag-ring ang phone.

"Hello, Illy... sorry hindi ako nakasagot agad," pagod kong sabi.

"Princess!" Halatang taranta ang boses niya. "Nakatakas si Clai. Wala na siya sa mental hospital!"

Parang biglang huminto ang mundo.

"What?!" napasigaw ako. "How did that even happen?!"

"H-hindi namin alam," nanginginig niyang sagot. "Basta please, mag-ingat ka, Aviana. We have no idea kung ano ang plano niya. Don't let your guard down."

"O-okay... I understand," pilit kong sabi kahit ramdam kong nanlalamig ang buong katawan ko.

"Do you want us to come there?"

"No," mabilis kong sagot. "Kaya ko 'to. I'll be fine."

"Okay... just please be careful."

"Thanks," mahina kong sabi bago patayin ang tawag.

Ilang segundo lang ang lumipas nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Don't you know how to knock?" iritado kong tanong.

"Sino kausap mo?" seryoso niyang tanong.

"Mind your own business," mataray kong sagot.

Hindi pa rin siya umaalis. Nakatayo lang siya roon, nakasandal sa pader, naka-cross arms.

"If you don't need anything, pwede bang umalis ka na?"

"Sino kausap mo sa phone?" ulit niya, mas mabigat ang boses.

"Fine. My friend. Happy?"

"Friend lang pala," bigla siyang tumawa. "Sorry. I thought may boyfriend ka na."

"So what kung meron?" sagot ko. "Wala ka nang pakialam doon." Napabuntong-hininga ako. "Is that all?"

Bigla siyang umupo sa kama ko.

Napaatras ako.
"What are you planning to do?!" gulat kong tanong.

"Relax," sabi niya. "I won't do anything bad... unless you want me to."

Nanggigigil ako.
"Why you—"

Naputol ang sasabihin ko.

Bigla kong naalala si Clai.

Bakit... bakit sa tuwing tinitingnan ko si Wilder, parang siya ang nakikita ko?

"Why are you looking at me like that?" tanong niya, may lokong ngiti.

Simula nang dumating si Wilder—sabay din ang pagtawag ni Illy tungkol sa pagtakas ni Clai. Hindi kaya...
Hindi. Imposible.

Anak siya ni Ma'am Rosita. Hindi siya pwedeng si Clai.

"Don't tell me," biro niya, "nahulog ka na sa kagwapuhan ko?"

Sinapak ko siya ng unan.

"Perv! Get out of my room!"

"Tsk. Ang init naman ng ulo mo," sabi niya bago tuluyang umalis.

Akala ko tapos na.

Biglang bumukas ulit ang pinto.
"Babalik ulit ako dito, okay?"

"Damn you!" sigaw ko sabay tapon ng isa pang unan—pero sa pinto lang iyon tumama.

Sa hapag-kainan, tahimik lang siyang nakatitig sa pagkain niya. Napairap ako.

"Anak," alalang tawag ni Ma'am Rosita.

"If you don't like it," sabi ni Papa, "I'll just ask the yaya to replace the food."

Wow. Dahil lang hindi niya gusto?

"Stop being choosy!" singhal ko.

"Aviana!" saway ni Papa.

Hindi ko siya pinansin. Kinuha ko ang kutsara na may pagkain.

"Do you even know how many people struggle just to eat?" sermon ko. "And you're wasting food just because you don't like it?"

Binuka niya ang bibig niya, nakangiti pa.

Isinubo ko ang pagkain.

Tahimik ang mesa.

"Is everything okay, hon?" tanong ni Papa.

"I'm just surprised," sabi ni Ma'am Rosita. "Alistair never eats vegetables. This is the first time."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"From now on," sabi ko, "you're eating vegetables. No excuses."

"Yes, ate," masaya niyang sagot.

Bigla akong napatingin sa gilid—

Si Clai.

At sa isang kisapmata, nawala.

Bakit ganito? Bakit sa tuwing kasama ko si Wilder... si Clai ang nakikita ko?

"Clai?" mahina kong tawag.

"Yes?"

Napatingin ako.

Si Wilder ang sumagot—may pagkain pa sa bibig.

At doon, tuluyan akong kinilabutan.

Obsessive Love Disorder 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon