Chapter 18

2.7K 76 0
                                        

Nandito na kami sa bahay. Pagkapasok ko pa lang, halos bumigay na ang tuhod ko sa sobrang pagod kaya napahiga ako sa sofa. Si Clai naman, kinuha ang paper bag na may lamang mga prutas.

"Saan ko 'to ilalagay, ate?" tanong niya habang bahagyang yumuyuko para silipin ako.

"Ah, sa ref lang," sagot ko na halos pabulong dahil lutang na ang utak ko.

Tumango siya at naglakad papunta sa kusina. Ang daming nangyari ngayong araw... parang gusto ko na lang matulog nang isang linggo.

•••

Pagmulat ko, automatic akong napabangon. Naghanap agad ang mga mata ko kay Clai.

"Clai?" Nilibot ko ang sala saka bumalik ang tingin ko sa kanya. "Nasaan si Alexa?"

"Kinuha na siya ng mama niya," sagot niya na may ngiting parang walang kapaguran.

Kinusot ko ang mga mata ko at nag-stretching. "Hindi ka pa ba uuwi?"

Akmang sasagot siya nang bigla tumunog ang cellphone ko. Si Illy. Kaagad ko itong sinagot.

Hello?

Pauwiin mo na si Clai.

Illy! Kamusta—

Binaba niya agad bago pa ako makapagsalita. Napahinga ako nang malalim.

"Clai, pinapauwi ka na ng ate mo."

Napabuntong-hininga siya pero ngumiti pa rin. "Sige ate, magkita na lang tayo bukas."

Tumango ako. Paalis na sana siya nang maalala ko.

"Umm, Clai?" Lumingon siya agad.

"Yes, ate?"

"Nung isang araw... nakita ko si Illy na may mga pasa. Alam mo ba kung sino ang may gawa no'n?"

Napahinto siya. Parang may kumurap sa mata niya pero mabilis niyang inangat ang balikat.

"Hindi ko po alam, ate." Saglit siyang umiwas ng tingin. "Sige ate, alis na ako."

Tumango ako at pinanood siyang lumabas. Pero may kumislot na kaba sa dibdib ko.

•••

"Princess! Gumising ka na! Malalate ka na sa school!" sigaw ni Mama mula sa baba.

Ugh. Ayoko pumasok. Ang sarap sa kama.

"Princess!"

Napadabog akong tumayo at sinimulan ang morning routine ko. Kahit matalino ako, wala talaga akong love sa school.

Paglabas ko ng bahay, nakita ko si Clai nakasandal sa pader namin, parang matiyagang naghihintay.

"Good morning, cutie," bati ko.

Napatingin siya sa'kin at ngumiti. "Good morning, ate."

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang nagsimula nang maglakad.

Sinundan niya ako. "Gusto ko lang makita ang ate ko bago ako pumasok."

Napangiti ako. "I'm really lucky to have you as my little brother... pero mas magiging swerte ako kung maging tunay na kapatid kita."

Bigla akong nawalan ng kasama. Paglingon ko, nakatigil siya sa likod ko, nakayuko. Medyo natatabunan ng bangs niya ang mga mata niya.

"Clai?"

"Kapatid lang ba ang turing mo sa'kin?" seryoso niyang tanong.

"N–no, I mean... special ka sa'kin. Maliban sa kapatid, special friend din kita." Medyo kinabahan ako sa pagiging tahimik niya. "Clai? Are you okay?"

Parang nagising siya at ngumiti. "Oo ate. May iniisip lang ako."

Hinabol niya ako at naglakad kami ulit.

"Ano namang iniisip mo?" tanong ko.

"Hahaha, secret."

Kinurot ko ang pisngi niya. "May secret ka pa ha."

"Wow, ang sweet niyo namang dalawa." Napalingon kami pareho.

"Mike?"

"Yes, mabuti at naalala mo ako," sagot niya sabay tingin kay Clai. "Diba ikaw si Clai? Kapatid ni Illy?"

"Ate, hali ka na. Malalate na tayo." Nagulat ako nang hawakan ni Clai ang kamay ko at hinila ako palayo kay Mike.

Pagdating namin sa gate ng school, binitawan niya ang kamay ko. Kita ko ang tensyon sa panga niya.

"Wag ka na magpapakita sa kapre na 'yon," seryoso niyang sabi.

"Huh? Si Mike ba?" tanong ko sabay tawa.

"Sino pa ba?!"

Mas lalo akong natawa. "Hahaha, nagseselos ka ba?"

"Oo, nagseselos ako." Nagulat ako. Hindi niya ako tinignan, pero ramdam ko ang bigat.

Huminga siya nang malalim at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Ate... please. Ayaw kong lumalapit ka sa ibang lalaki. Ayaw kong maagaw ka nila sa'kin."

Napakurap ako. That was... intense.

"Hahaha, don't worry, Clai. Sabi ko naman sayo, hindi muna ako magbo-boyfriend at wala akong balak magkaroon pa." Umayos ako ng tayo. "I'm still young."

Tumango siya, halatang pilit pero tinanggap.

"O siya, aalis na ako, baka ma-late ako."

"Mag-iingat ka, ate."

•••

Hindi pa man ako nakakatapak sa classroom, rinig ko na ang ingay ng mga kaklase ko. Para silang may mini-concert.

Pagpasok ko, bigla silang natahimik.

"Si Ramos lang pala," sabi ng isa.

Nagbalik na naman ang ingay, lalo na ang mga lalaki.

"Kung babae 'yang transferee, pare, ako unang liligaw," rinig kong sabi ng isa.

Lumapit ako kay Torres. "Anong meron?"

"Hindi mo ba nabalitaan?"

Napairap ako. "Kaya nga ako nagtatanong? Kaloka ka."

Napakamot siya sa batok. "May transferee raw ngayon."

"Ah." Wala akong care pero sige.

Umupo ako at tumingin sa bintana. Ilang sandali pa, dumating si Prof.

"Okay class, may transferee tayo ngayon."

"Yes sir!"

Pumasok ang isang lalaki na parang galing sa anime—maputing buhok, violet eyes, dark pink lips, sobrang kinis ng balat. As in pang-poster boy.

Nagtilian ang mga babae.

"Timothy Kenzo Valdenor Inciso, 15." Mas lalo silang nag-ingay.

"Temporary lang siya dito," dagdag ni sir. "Kaya behave kayo."

Tumingin ang lahat.

"Okay, umupo ka sa tabi ni Ramos... Ramos, tumayo ka para makita ka niya."

Tumayo ako.

At doon ako unang tiningnan ni Inciso—diretso, malamig, parang sinusuri ako mula ulo hanggang paa.

At hindi ko alam kung bakit... pero parang may kumislot sa dibdib ko.

Obsessive Love Disorder 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon