Chapter 9

3.4K 105 1
                                        

"Wala talaga akong idea kung ano bang problema nilang dalawa ni Clai," sabi ko kay Nathan habang naglalakad kami sa hallway.

"Same," sagot niya. "Bakit 'di mo tanungin si Clai? Paborito ka n'un, for sure sasagot 'yun."

"Actually, oo nga." Napahinga ako nang malalim. "Ang talino mo rin minsan. Pero for now, kailangan ko munang sundan si Illy. I need to talk to her."

"Hindi ka pa ba tapos kanina?" taas-kilay niyang tanong.

"Like duh, umalis kaya siya. Nabitin 'yung usapan namin."
Iniwan ko na si Nathan bago pa siya makapag-reply.

"Bantayan mo muna si Clai, ha? Babalik rin ako," dagdag ko pa.


Napatago ako sa likod ng pader nang makita kong naguusap sina Illy at ang doctor. Hindi ko alam bakit kinakabahan ako pero ramdam ko na hindi ordinaryong sakit ang pinag-uusapan nila.

"Malala na 'yung sakit niya. Sigurado ka bang hindi mo pa rin siya ipapadala—"

Naputol ang salita ng doctor nang sumingit si Illy, firm at nanginginig ang boses.

"Nangako ako sa parents ko na hindi ko iiwan si Clai. Mas kailangan niya ako ngayon... lalo na't lumalala ang sakit niya."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napahawak ako sa bibig ko.

"Pero maaari siyang mamatay, Miss Dela Cruz, kung hindi mo siya ipagagamot," sabi ng doctor.

Kumunot ang noo ko. Mamatay?

"Babantayan ko naman siya. Hindi ako mawawala sa tabi niya," sagot ni Illy kahit halata ang pag-aalala sa mukha.

"Hindi all the time nandiyan ka, Miss. At kung ayaw mo pa rin siyang ipagamot, at least alagaan mo siyang mabuti. Iwasan n'yong ma-depress or malungkot si Clai. Baka mas lumala pa ang kondisyon niya."

Tumango lang si Illy.

Mas lalo akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko man alam kung anong sakit ni Clai, pero isang bagay ang sigurado—seryoso ito.

Masyado'ng seryoso.


Pagbalik ko, sakto namang lumabas si Nathan mula sa kwarto ni Clai.

"Gising na si Clai," aniya.

Tumango ako at agad pumasok sa kwarto.

Pagkakita niya sa'kin, agad siyang napaupo.

"Ate—"

"Ssh. Higa ka," sabi ko habang marahan ko siyang tinutulak paupo. "Kailangan mo pang magpahinga."

Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit.

"Ate, wag mo kong iwan..."

Parang may tumusok sa puso ko. Tinango ko siya.

"Promise, hindi na kita iiwan."

"Totoo ba?" tanong niya, fragile ang boses.

"Oo. Simula ngayon, aalagaan kita hanggang gumaling ka. Pero kailangan mo ring maging matatag, okay?"

"K-kung may sakit ako... iiwan mo pa ba ako?" bulong niya.

"Hinding-hindi kita iiwan," sagot ko. "Kaya lumaban ka."

Ngumiti siya nang mahina, parang batang nakahanap ng konting liwanag.



Nagulat ako nang pagmulat ko, nasa kama na ako ni Clai.

At siya... nasa sofa.

Napaupo ako at napatingin sa kanya. "Clai, bakit nandyan ka?"

Lumapit siya slowly. "Ayaw mo ba magkatabi tayo, Ate?"

"Dapat nagpapahinga ka," sagot ko. Tumayo ako at pinahiga siya ulit. "What if lumala pa 'yung sakit mo?"

"Ate Illy bought fruits for me," sabi niya sabay hawak ulit sa pulso ko. "Babalik daw siya."

Tumango ako. Umupo ako sa gilid ng kama at hinaplos ang buhok niya.

"Mabuti na ba pakiramdam mo?"

"Medyo nahihilo pa."

Biglang tumunog ang phone ko. Si Nathan.

Akmang sasagutin ko na—

Pero bigla niyang inagaw ang phone ko.

"Clai—"

Itinapon niya sa pader.

CRACK.

Nanigas ako. Hindi ako makagalaw. Nang mag-ulat ako sa kanya, gulat na takot ang expression niya—parang hindi niya alam bakit niya ginawa 'yon.

Napahawak siya bigla sa ulo niya.

"Agh!!"

"Clai!" lumapit ako agad. "Anong masakit? Saan?"

"Ang sakit... ng ulo ko!" daing niya.

"Tatawag ako ng doctor—"

"No!" Hinawakan niya nang mas mahigpit ang kamay ko. "Wag mo kong iwan, Ate!"

Niyakap niya ako—mahigpit. Nanginginig.

"T-teka, Clai..."

Pero lalo siyang kumapit.
Parang batang natatakot mawala ako.
Parang... may ibang humahawak sa emosyon niya.

"Shhh... hindi kita iiwan," sabi ko habang hinahaplos ang likod niya.

Dahan-dahan siyang kumalma. Humiga ulit pero hindi pa rin ako binitawan.

"Ayaw ko matulog... baka pagdilat ko, wala ka na," bulong niya.

"Clai, kailangan mo 'yon. Pag lumala pa 'yung sakit mo—"

Pero hindi niya ako binitawan.
Hindi man lang kumurap ang mga mata niya habang nakatitig sakin.

Napabuntong-hininga ako.

"Fine. Dito lang ako. Pero kapag lumala pa talaga—tatawag ako ng doctor."

Ngumiti siya nang maliit.
"Masaya ako... nag-aalala ka sa'kin."

Hindi ako sumagot. Dahil ramdam kong... may mali.
May sobrang mali.



"Avia, pwede ka nang umalis," sabi ni Illy sa mababang tono.

"Sigurado ka bang okay na kayo dito?" tanong ko.

Tumango siya.

"Aviana... sorry kung nadamay ka pa sa problema naming magkakapatid."

Umiling ako. "Nandito lang ako. Kung kailangan n'yo ng tulong, lapit lang kayo sa'kin."

Hinawakan niya ang balikat ko—mahigpit. Parang may gusto siyang pigilan.

"No, Aviana. Ikaw ang dapat kong tulungan."

Napatigil ako. "Ha? Ano'ng ibig mong sabihin?"

Tumingin siya sa paligid, parang natatakot siya na may makarinig.

"Nasa peligro ang buhay mo, Avia," mahina niyang sabi.

"What?" Lumingon-lingon ako. "Bakit naman—"

"Kasi—"

Biglang may humarang sa pinto.

"Ate."

Napatigil kaming dalawa.

Si Clai.

Pero ang ekspresyon niya...
hindi iyon ekspresyon ng batang mahina.

Mas madilim.
Mas malalim.
At nakatingin lang siya sa akin.

Obsessive Love Disorder 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon