Akmang lalapit na sa'kin si Clai nang bigla siyang hinila ni Nathan palayo.
"Hanapin mo 'yung Alexa na sinasabi mo! Baka may gamot siya dito?!" sigaw niya—at halatang hirap na hirap na siya dahil parang kabayo kung lumaban si Clai.
Napatango ako. Halos lumagapak ang kaba ko sa dibdib habang tumatakbo papunta sa kwarto ni Alexa.
Pagdating ko, kumatok ako nang sunod-sunod.
"Alexa! Please, buksan mo 'tong pinto!" sigaw ko.
"No!" sagot niya agad, walang kahirap-hirap.
"Alexa! We need you! Ikaw lang may pag-asa para gumaling si Clai!" halos pigil-hinininga sigaw ko habang pinupukpok ang pinto.
Ilang segundo pa, bumukas na ang pinto. Nakapamewang siya, naka-cross arms, at ngumingiti pa na parang inaabangan lang ang paghingi ko ng pabor.
"Then, anong mapapala ko kung tutulungan ko kayo?" tanong niya, taas-kilay.
"Magiging great scientist ka paglaki mo... you can prove to us na magaling ka talaga," sagot ko, hoping na tama ang ego button na napindot ko.
Tumango siya, kinuha ang kung anong nasa kwarto niya, at sumunod na sa'kin pabalik kina Nathan.
Pagdating namin, halos napatalon ako. Nakapatong na si Clai kay Nathan—literal na parang hahalikan niya na ito—kaya agad siyang pinainom ni Alexa ng dala niyang gamot.
Agad namang nag-collapse si Clai.
"Clai!" lumapit ako sa kanya, ramdam ang mabilis na tibok ng puso ko.
"Don't worry, gigising rin 'yan after one minute," calm lang na sabi ni Alexa, na parang sanay na sanay sa ginagawa niyang questionable experiments.
"Ano bang pinainom mo sa kanya?" tanong ko, kinakabahan.
"Tubig lang naman na may halong sleeping pills," madiin niyang sagot.
⸻
Nagising si Clai makalipas ang ilang sandali. Mabilis akong napakapit sa braso ni Nathan—ni hindi ko namalayang ang higpit pala ng kapit ko.
"A-ate...?" mahina niyang sabi.
"C-Clai, ayos ka na ba?" nauutal kong tanong.
"Oo naman."
"Bakit mo ba siya pinainom ng fatal attraction?" tanong ni Nathan kay Alexa, halatang gusto na niyang sampalin ang noo niya.
"Duh. Malay ko bang ininom niya?" sagot ni Alexa na parang wala lang.
"Bakit mo 'yun ininom, Clai?" tanong ko.
"Hehehe, sorry ate... akala ko kasi pang-karaniwan lang 'yung bote," sabi niya habang napakamot sa batok.
Napabuntong-hininga ako. Kung hindi ako mabilis tumakbo kanina, siguradong lagot ako kay Illy.
"Ang importante, na-ayos na natin ang problema," sabi ni Nathan, trying to lighten the mood.
Napatango ako.
"Ate, baka puwedeng bitawan mo na 'yung braso ni kuya," saad ni Clai, nakangiti pa.
Doon ko lang narealize na nakayakap pa pala ako sa braso ni Nathan. Agad ko siyang binitawan.
"Hehehe, sorry."
"Ayos lang," sagot niya, pero umiwas ng tingin... at obvious na namumula ang tenga.
"Hala..." bulong ko sa sarili.
"Magpahinga ka muna, Clai. Bibili lang kami ni Nathan ng pagkain," sabi ko.
"Si Alexa na lang samahan mo, ate. Dito na lang si kuya Nathan."
BINABASA MO ANG
Obsessive Love Disorder 1
Romansa(Completed) Aviana is a 14 year old girl, who live in japan. Nang dahil lamang sa divorce ng parents niya, kailangan niyang sumama sa mama niya sa pilipinas. Pagkatapos ng isang taon, uuwi na naman siya sa japan para makasama niya ang papa niya. But...
