Chapter 23

2.2K 86 1
                                        

"Princess."

Napalingon ako agad sa tumawag sa akin, at nang makita ko kung sino iyon, bahagya akong napaangat ng kilay.

"Ken?"

"Uuwi ka na ba?" tanong niya, pero halata sa boses niya na parang may gusto siyang siguraduhin.

"Hindi pa," sagot ko habang inaayos ang bag sa balikat ko. "May pupuntahan pa ako."

"Huh? Saan ka naman pupunta?" tanong niya, mas mabilis pa sa paghinga.

"Sa bahay ni Nathan." Biglang nag-shift ang expression ng mukha niya—kanina medyo relaxed lang, pero ngayon... seryoso. Para bang may narinig siyang hindi dapat.

"Sino si Nathan?" tanong niya, this time mas mabigat ang tono.

Napataas ang kilay ko. "Wait... nagseselos ka ba?"

"Ano? Hindi ah." Umilag pa siya ng tingin, halatang umiwas sa usapan pero mas kitang-kita tuloy.

"Aysus, nagseselos ka nga eh. Ayaw mo pa aminin." Tinawanan ko pa siya nang kaunti.

"Sagutin mo na lang 'yung tanong ko," sabi niya, nakatanggap ako ng isang malalim na buntong-hininga mula sa kanya, kahit hindi siya lumilingon.

"Well..." Napaharap ako sa kanya, seryoso na. "Naalala mo pa ba nung sinabi ko na may friend ako na na-aksidente? Si Nathan 'yon."

"So? Bakit ka pupunta sa bahay niya? Anong gagawin mo doon?"

Huminga ako nang malalim, parang kailangan ko munang buuin sa ulo ko ang sagot bago ko sabihin nang diretso.

"Tutuklasin ko kung sino ang tumulak sa kanya sa hagdan," sagot ko. "Sasama ka ba?"

Napakunot ang noo niya. "Akala ko ba aksidente lang?"

"Alam mo namang hindi ako naniniwala sa kahit ano kung walang pruweba," seryoso kong sabi. "Ayoko ng basta-basta naniniwala lang sa sinasabi ng iba."

Nagsimula na akong maglakad palayo, pero napahinto ako nang marinig kong sinusundan pala ako ni Ken—yung tipong maririnig mo ang hakbang niya kahit pilit niyang pinapakalma.

"Why are you following me?" tanong ko.

"Ako? Sinusundan kita? Hindi ah!" he blurted, pero pagkatapos ng ilang segundo ay napabuntong-hininga rin. "I'm just... worried about you."

Ngumiti ako nang bahagya. "Sana sinabi mo na lang 'yan from the start." Napatingin siya sa akin, medyo nagulat pa. "And actually... mas gusto kong may kasama ako."

Napangiti siya—'yong tipong hindi niya inaamin pero halatang natuwa talaga.

•••

"May nahanap ka na ba?!" sigaw ko mula sa itaas ng hagdan.

"Wala pa!" sagot niya mula sa ibaba.

Nasa second floor ako, halos kinakapa ang bawat sulok ng lugar na parang gusto ko talagang hukayin ang sikreto ng buong bahay. Pero may isang bagay na agad na nakaagaw ng pansin ko—isang litrato sa sahig, medyo nadurog ang gilid pero malinaw pa rin.

Ako ang nasa litrato.

Napakunot ang noo ko. Kinuha ko iyon, mabigat ang kabog ng dibdib ko habang tinitingnan ko ang kuha—halatang ninakaw na shot, at hindi ko maalala kahit kailan na may kumuha sa akin sa ganitong angle.

Kay Nathan kaya ito?

"Wait, may nakasulat sa likod."

Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Ken sa likuran ko. Hindi ko man lang napansing umakyat na pala siya sa taas—literal na tahimik niyang ginawang paglapit.

Obsessive Love Disorder 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon