Chapter 49

1.5K 60 1
                                    

Agad naman ako lumapit kay ma'am Rosita.

“Ma'am Rosita! Gumising ka! Ma'am!” sigaw ko, pero hindi pa rin siya nagkakamalay. Kabado ko naman nilapit ang hintuturo ko sa ilong niya at nalamang hindi na pala siya humihinga. Agad naman ako napatingin kay Wilder. “What did you do to your own mother?!”

“Aviana.” Akmang lalapit siya sa akin dahilan upang agad ako umatras.

“Wag kang lalapit!” sigaw ko sa kanya.

“What? Ginawa ko 'to para sa'yo. Ganun kita kamahal Avia, I kill my own mother for you,” sabi niya sa akin.

“P-para sa akin?”

“Yes, para sa'yo. Diba sabi mo, pagmapaghiwalay ko silang dalawa. May pag asa na ako sa'yo.” Hindi ko naman kasi alam na hahantung sa ganito.

“But i didn't say na patayin mo siya!” sabi ko sa kanya.

“Well ito lang ang paraan. I tried to convince her pero ayaw niya makinig sa akin, kaya ito nalang naisip kong paraan upang mapaghiwalay silang dalawa,” nakangiti niyang sabi sa akin. Napansin naman niyang natatakot ako dahilan upang mag alala siya. “Aren't you happy?”

“Wilder, mali 'tong ginagawa mo,” sabi ko sa kanya.

“But i do this for you. Ganun kita kamahal, kaya kong pumatay ng tao para lang mapatunayan ko sa'yo na mahal kita.” Agad naman siya lumapit sa akin, at hinaplos ang pisnge ko. “I can protect you, Princess. So be with me.”

Agad ko naman siya tinulak.

“I will never be with you!” sigaw ko sa kanya.

Bigla naman sumeryoso ang mukha niya.

“Why? Niloloko mo lang ba ako? Na kapag maghiwalay si mama at papa mo, ay may pag asa na ako sa'yo. Is that a lie?” tanong niya sa akin.

Napakagat naman ako ng labi. Dahil hindi ako makasagot. Gusto ko ngang paghiwalayin si ma'am Rosita at si papa, pero hindi ko naman gusto na mamatay si ma'am Rosita ng dahil lang diyan. At saka hindi ko gusto magpakasal sa isang lalaking mamamatay tao.

Akmang tatakbo ako pero agad niya hinawakan ang kanang braso ko dahilan upang mapalingon ako sa kanya.

“Let me go!” Ang malas ko naman. Nakatakas nga ako kay Clai. Ewan ko nalang kung makatakas pa ba ako kay Wilder. Lalo na't wala ang kaibigan kong tutulong sa akin.

“Ano?! Tatakas ka! Iiwan mo ako dito!” sigaw niya.

Aray! Wilder! Nasasaktan ako! Ano ba?!” sigaw ko sa kanya.

Agad naman niya nabitawan ang kamay ko. Niyakap niya naman ako.

“Sorry, kung hindi mo lang sana ako ginalit edi sana hindi ko magagawa 'to.” So ako pa ang may kasalanan ganun?! Kumalas naman siya sa pagkakayakap at hinawakan ang pisnge ko. “If magpapakabait ka lang, promise hindi kita sasaktan.” 

Baliw na siya! Pareho lang sila ni Clai, pero i think mas worst pa 'tong si Wilder. I think may pagka violence siya it can cause my life to be in most danger.

“Wilder, control yourself!” Agad ko naman hinawakan ng mahigpit ang dalawang braso niya. “Don't let your emotion controls you!”

“Nag alala ka ba? Avia? How sweet of you.” Niyakap niya naman ako ulit.

Hindi ako nag alala para sa'yo. Nag alala ako para sa sarili ko, you idiot! Kumalas naman siya sa pagkakayakap at hinawakan ang wrist ko.

“Hali ka, sumama ka sa akin. Aalis na tayo dito. Bago makita tayo ng papa mo dito,” sabi niya sa akin. Hindi naman ako sumagot dahil ayaw ko talagang sumama sa kanya, bigla  naman sumeryoso ang mukha niya. “Wag mong sabihin, ayaw mong sumama sa akin?”

Napalunok naman ako ng laway. Ayaw kong masaktan ulit.

“Wala naman akong sinabing hindi ako sasama,” sabi ko sa kanya.

“Good,” nakangiti niyang sabi sa akin.

Nag impake naman ako. Habang nasa ibang kwarto pa siya. Nag iimpake ng gamit niya. Tatakas nalang kaya ako dito? Napatingin naman ako sa bintana. Right! Tatalon nalang ako sa bintana. Dali-dali ko naman nilagay ang mga damit ko sa bag at agad na tumayo.

“Ate, ang excited mo naman sumama sa akin.” Napalingon naman ako kay Wilder.

“W-wilder, nandiyan ka na pala,” kabado kong sabi sa kanya.

“Don't tell me, tatakas ka?” tanong niya habang nakangiti ng nakakaloko.

Nakasandal siya ngayon sa pader na malapit sa pinto, at naka cross arm.

“H-hindi, bakit naman ako tatakas?” tanong ko sa kanya habang nakatingin lang ako sa sahig.

Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya. Dahil parang binabasa niya lahat ng iniisip ko kapag tumingin ako sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at hinaplos ang buhok ko.

“If malalaman kong nagsisinungaling ka na naman.…ulit, you will be punished,” sabi niya sa akin at ngumiti.

Napatango naman ako sa sinabi niya.

•••

Nandito naman kami sa bahay niya. May mga neighbors rin kami. Hindi kagaya kay Clai nung kinidnap niya ako.

Subukan mong tumakas at mag sumbong, hindi ako kagaya ni Clai na mabilis mahuli,” sabi niya bago tumingin ng seryoso sa akin. “Makikita pa rin kita Avia, susundan pa rin kita kahit saan ka pumunta.”

“I won't escape,” sagot ko sa kanya.

Ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko.

“Good.”

Habang inaayos ko ang mga gamit ko, bigla nalang akong niyakap ni Wilder.

“Wilder!” tawag ko sa pangalan niya, hindi pa rin siya kumakalas sa pagkakayakap niya sa akin. “May inaasikaso ako dito.”

“1 minute lang,” malambing niyang sabi. Sinubsub naman niya ang ulo niya sa leeg ko dahilan upang mairita ako, pero hindi ko lang ito pinapakita sa kanya. “Matagal ko ng pinangarap na makasama ka Avia.”

Nagulat nalang ako ng maramdam ko 'yong labi niya sa leeg ko dahilan upang matulak ko siya.

“1 minute na!” sigaw ko sa kanya, inayos ko naman ang mga gamit ko. “Umalis ka na, may inaasikaso pa ako,”

“Dito nalang ako, na enjoy akong tignan ka,” nakangiti niyang sabi sa akin.

Habang nag aayos ako, hindi ko maiwasang hindi magtanong sa kanya.

“Wilder, nung pumasok tayo sa bahay. Bakit isang kwarto lang ang narito?” tanong ko. “Saan ka naman matutulog?”

Napatawa naman siya dahilan upang mapakunot ang noo ko. Anong nakakatawa sa tanong ko?

“Tabi tayo matulog Avia,” sabi niya habang nakangiti.

Nagulat naman ako at napatayo, “What?! Hindi pwede 'yan!”

“Bakit naman hindi pwede?” tanong niya sa akin. “Si Clai nga, tabi kayo matulog noon, pero ako hindi?”

Obsessive Love Disorder 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon