Napahinto ang lahat sa pagkain. Parang may biglang pumigil sa paghinga ng paligid. Ang ingay ng kubyertos, ang mahihinang usapan—lahat iyon ay biglang nawala sa pandinig ko. Nakatingin lang ako sa kanya, gulat na gulat, habang ang pangalan na hindi ko inaasahang marinig ay patuloy pang umaalingawngaw sa utak ko.
"Ah, sorry," nakangiti niyang sabi, sabay kamot sa batok na parang wala lang. "Akala ko... ako 'yung tinawag mo." Pagkatapos ay mahinahon siyang bumaling sa pagkain, parang wala siyang binagsak na bomba sa mesa. "By the way, sino si Clai?"
Parang may humigpit sa dibdib ko.
"Oo nga, Avia, who's that?" tanong ni Ma'am Rosita, halatang curious pero may bahid ng pagsusuri sa mga mata niya.
"Ah, it's just... my friend," mabilis kong sagot. Isang kasinungalingan na pilit kong nilunok kasama ng kaba.
"Friend..." mahinang bulong ni Wilder, may kasamang smirk. Umangat ang isang kilay ko habang pinagmamasdan ko siya.
At doon ko naramdaman iyon—ang pakiramdam na parang alam niya. Parang nababasa niya ang mga hindi ko sinasabi. Nakakainis. Nakakaduda. Talagang may mali sa Wilder na 'to.
•••
Hindi ko pa rin mapaniwalaan na sinusundan ko na siya ngayon.
Nakapulupot ang scarf ko hanggang ilong, may suot na itim na salamin kahit hindi naman maaraw. Para akong amateur spy sa sarili kong pelikula. Habang naglalakad siya sa unahan, sinisigurado kong may distansya—hindi masyadong malapit, hindi rin masyadong malayo.
Saan kaya siya pupunta?
Bigla na lang may tumapik sa balikat ko.
Napapitlag ako at agad na lumingon.
"Do you know where the station is?" tanong ng isang Amerikanang babae, may hawak na mapa at mukhang naliligaw.
"H-huh?" saglit akong natigilan bago agad bumawi. "Ah, just walk straight. Then when you see the coffee shop over there," itinuro ko ang kanto, "just ask the person inside. The station is just near that coffee shop."
"Okay, thanks, miss."
"You're welcome."
Ngumiti siya bago tuluyang umalis.
Huminga muna ako ng malalim. Now then...
Paglingon ko para ipagpatuloy ang pagsunod kay Wilder, biglang nanlaki ang mga mata ko.
Wala na siya.
"Where did he go?!" bulong ko sa sarili ko, sabay ikot ng ulo sa paligid.
Agad akong tumakbo, palinga-linga, sinusuri ang bawat sulok. Pero wala. Parang naglaho siya sa hangin.
Hayst! Ang tanga mo naman, Princess!
"Looking for me?"
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
Agad akong napatingin sa nagsalita.
Oh shit.
Napalunok ako at bahagyang napaatras, tumingin sa kaliwa na parang may hinahanap na escape route. "Why are you following me?" tanong niya, kalmado ang boses pero may kakaibang diin.
"H-huh? Me? Following you?" pilit kong tawa. "Hindi ah." Sabay una ng lakad, kunwari walang nangyari.
Sa susunod na lang ako mag-iimbestiga. Uuwi na lang muna ako. Baka lalo pa siyang magduda. Baka isipin pa niyang may gusto ako sa kanya—at mas lalong ayokong mangyari 'yon.
Napahinto ako nang marealize ko ang isang bagay.
Sinusundan niya ako.
Huminto ako at humarap sa kanya, sabay cross ng mga braso at taas ng isang kilay. "And why are you following me?" tanong ko. "Didn't you say may pupuntahan ka pa?"
BINABASA MO ANG
Obsessive Love Disorder 1
Romansa(Completed) Aviana is a 14 year old girl, who live in japan. Nang dahil lamang sa divorce ng parents niya, kailangan niyang sumama sa mama niya sa pilipinas. Pagkatapos ng isang taon, uuwi na naman siya sa japan para makasama niya ang papa niya. But...
