"Mamimiss kita, Avia," sabi ni Illy bago niya ako mahigpit na niyakap.
Agad ko siyang niyakap pabalik, ramdam ko ang bigat ng sandaling iyon. Hindi madali ang umalis, lalo na kapag may mga taong iiwanan mong mahalaga sa'yo.
"Babalik rin naman ako dito," sabi ko habang pilit na ngumingiti, "after one year lang naman."
Napatingin ako kay Nathan na tahimik lang na nakatayo sa gilid. May kung anong lungkot sa mga mata niya na hindi ko mawari.
"Take care of Illy habang wala ako," dagdag ko, sabay turo sa kanya. "Kapag may nangyari sa kanya, ikaw ang una kong hahanapin."
"Yes po, ma'am," sagot niya, walang sigla ang boses.
Ngumiti ako, pilit na tinutugma ang ngiti niya kahit ramdam kong pilit lang din iyon. Kumalas na si Illy sa yakap ko, pinupunasan ang mga mata niya.
"Bye, Linlin. Bye, Timmy," paalam ko sa kanila.
"Bye, Avia," sabay nilang sagot.
•••
"Misu, watashitachi wa koko ni imasu," sabi ng driver habang humihinto ang taxi. (Miss, we're here.)
"Arigatō gozaimashita," sagot ko, agad na iniabot ang bayad bago bumaba.
Pagkababa ko ng sasakyan, sinalubong ako ng malamig na hangin at ng isang pamilyar na anyo. Nakatayo roon si Papa. Nang makita niya ako, agad siyang ngumiti at niyakap ako nang mahigpit, parang ayaw na akong pakawalan.
"Anak... I missed you," bulong niya.
"Namiss din kita, Pa," sagot ko. Ngunit nang kumalas ako sa yakap, seryoso na ang mukha ko. "Pa... totoo ba? May babae ka?"
Bigla siyang natigilan. Napabuntong-hininga siya, parang matagal niyang pinag-ipunan ng lakas ng loob ang susunod na sasabihin.
"Anak... oo. Totoo," amin niya. "Sorry, Avia. Mahal ko ang bagong asawa ko, at... hindi ko siya pwedeng iwan. M-may anak kami."
Parang may kumurot sa dibdib ko. Napakunot ang noo ko.
"Nasaan ang anak niyo?" tanong ko, pilit pinapakalma ang sarili.
Ngumiti siya nang alanganin. "Makikita mo rin siya... kapag twenty-plus ka na."
Tumango na lang ako. Kahit magalit pa ako, alam kong wala rin akong magagawa. Siya pa rin ang Papa ko.
"Nasa Pilipinas pa ang asawa ko noon," dagdag niya. "Hindi ba kayo nagkita?"
Umiling ako. "Hindi."
•••
9 Years Later
Twenty-three years old na ako ngayon. Nagpa-dye na rin ako ng buhok—light brown. Gusto kong magbago, kahit sa maliit na paraan lang. Ayokong manatiling parehong Avia na laging tahimik at sunud-sunuran sa takbo ng buhay.
"Anak! Come here! May ipapakilala ako sa'yo!" sigaw ni Papa mula sa ibaba.
"Okay, Pa," sagot ko. Iniwan ko ang cellphone sa kama at bumaba.
Paglapit ko sa sala, may nakita akong babae—nasa early 50s, may mahabang itim na buhok at malamlam pero matalim na itim na mga mata. May kakaiba sa aura niya. Mukha siyang mabait, pero ramdam mong may tinatagong kontrol. May bahagyang pagkakahawig siya kay Clai... at doon ako lalong kinabahan.
"Aviana," sabi ni Papa, "this is Rosita Adelaide Diaz Hernandez."
"Hello po," bati ko, magalang na ngumiti.
"Wag mo na akong tawaging tita," sagot niya, masuyong ngiti sa labi. "Just call me mama."
Napatingin ako kay Papa. May kurot sa puso ko. Ayokong tawagin siyang mama—dahil iisa lang ang mama ko. At kahit wala na siya, siya pa rin ang mama ko.
BINABASA MO ANG
Obsessive Love Disorder 1
Romance(Completed) Aviana is a 14 year old girl, who live in japan. Nang dahil lamang sa divorce ng parents niya, kailangan niyang sumama sa mama niya sa pilipinas. Pagkatapos ng isang taon, uuwi na naman siya sa japan para makasama niya ang papa niya. But...
