© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-05-2018)
-----
MY MIND didn't forget on what happened a while ago.
Iba ang nararamdan ko kesa sa mga pelikula na napapanuod ko. Ang makipag-usap sa strangers tulad ng kanina. May appeal siya ah, pero manyak ang putek!
Wala pa rin kaming teacher at hinihintay si Ma'am Dimaculangan para sa English Class. Nakatunganga lang ako at nagpapantasya ng tungkol kanina. As in, gusto ba niya akong makilala? Wahaha, nag-aasume na naman ako nang hindi sa oras.
"Guys! Nandito na si Ma'am..." sabi ni Angela, 'yung isa kong kaklase na mabait at matalino, nabalitan ko rin na 'taken' na 'yung babae. Sa itsura niyang 'yan, hindi halata na may BF na.
Sa sinabing 'yun ni Angela, dali nang naupo na ang mga kaklase ko. Basta may teacher lang na darating, upo na sila agad.
Pumasok na si Ma'am sa classroom namin, sabay kaming bumati ng "Good Morning" kay Ma'am. Pinaupo na rin kami bigla. At sa oras na 'yun, nagsimula na ang klase sa English.
Well, orientation namin ngayon with our subject teachers. Binigyan na rin kami ng schedule ng klase. After ng English namin, Science, Aralin Panlipunan, tapos lunch, saka Values Educ., huli ang TLE. Sosyal pa kasi may recess na sa umaga, meron pa sa hapon. Long periods naman ang bawat subjects. Iba rin ang schedule ng Day One kesa sa day Two. By day kasi ang schedule. Pero, paano kaya ito, for a long time ako nakatunganga sa mga teachers ko, depends lang kung boring sila magturo.
Sa orientation, pinaalalahanan kami tungkol sa mga kakailanganin namin sa whole year. Pati na rin ang mga paalala habang nagkaklase kami. Nakakatawa palang magturo si Ma'am Dimaculangan, hindi tulad ng sa dati kong pinasukan na seryoso ang lahat. Ngayon ko lang na-realize 'yun.
Mga ilang oras din ang nakalipas, natapos na ang klase ni Ma'am. 100 minutes ang klase niya samin. Hindi ko namalayan na tapos na kami. Maganda kasing kasama si Ma'am, parang kaklase lang namin.
Recess time na, thirty minutes ang recess namin. Mahabang time na rin kung maituring. Kakagaling lang namin ni Abby sa canteen para bumili ng pancake at softdrinks noong biglang isang Vhin na nagmula sa 'Mental hospital' ang sumalubong samin.
Ooooh, Oooooh Woooah!
Ako'y Dyooooooooosa!
Sabi mo noon, ambisyooooooooosa!
"Waah?!" pagulat namin ni Abby. Ganito lang ba talaga si Vhin? May nainom ba itong pampa-BAKLA kung bakit kumakanta ng 'Dyosa'? Sintunado pa!
Anong mase-say,
Havey na havey!
Di na 'ko waley,
Hindi na 'ko chaka face!
Nagko-konsert siya sa klasrum namin. Ang mga kaklase ko nga, nakatutok na ang mga cellphone sa kanya, vini-videuhan yata siya. Hindi man lang siya nahiya? Lalo pang, hinahagis ang panyo niya habang nagpapantasya. Ibang klase si Vhin. Kumekembot pa! Sing and dance pa ang baklu! Hay nakoooo!
"Anong mga kalokohan mo ang ginagawa mo, Vhin!" patawang tanong ni Bea, isang small but terrible na batang babae na mapabiro at palatawa.
"Inggit ka ba sis?" palooka-lokang sagot ni Vhin.
"Hinde, may pa dyosa-dyosa ka pang nalalaman," sutil naman ni Jasmine, mabait at masayahing bata na may dalawang malalim na dimples sa pisngi. Varsity player siya sa volleyball ng Alumina High.
"Siyempre," sagot ni Vhin at bigla niyang tinigil ang pinapatugtog niya. "AKO LANG NAMAN ANG NAG-IISANG... DYOSA!"
Napatawa kaming lahat. Si Vhin talaga, kahit kailan.
Umupo na kami sa upuan namin. Buti na lang at natapos na si Vhin sa kakasayaw ng walang kuwentang bagay. Umalis bigla si Vhin para bumili ng pang-recess niya.
Napatanong ako bigla kay Abby, "Abby, alam mo 'yung name ng boy kanina?"
"Sino?" tanong din niya. "Yung kanina na bumati sayo?"
"Oo, sino ba 'yun. Napaka-sutil eh?!"
"Narinig mo naman kanina ah, Ivan de Castro," she answered. "Pinsan ko 'yun."
Ah, siya pala 'yung...ANO? PINSAN NIYA?!
"Ally, 'yun yung pinakasikat na lalaki sa buong AH. Si kuya Ivan ko ang president ng Student Government. Heart throb din siya. Balita ko dun, walang GF, mabait at hindi babaero," biglang sagot ni Abby sakin. "Bakit ka kaya pinansin nun? Eh, hindi naman talaga siya ganun..."
Nagtaka ako sa sinabi ni Abby. Pinsan niya pala. Okay, now I know.
--
Nandito ako ngayon sa locker ko. Ako lang ang pumunta kasi may pinagawa kay Abby, si Lianne din. Kukuha na ako ng ibang librong kailangan ko.
Lakad lang ako sa hallway. Sa hinding inaasahang panahon, may tumawag sakin.
"Alliana!!"
Napalingon akong bigla. Siya pala 'yung lalaking namansin sakin kanina, si Ivan. And, wait! Bakit alam niya ang name ko!!
"Alliana pala name mo!" sabi niya, bumati pa siya sakin ng "Hi!"
"Hoy, lalaki. Stalker ka ba? Bakit alam mo ang name ko!" halos pasigaw kong tanong sa kanya.
"Ally, bestfriend mo si Abby, 'di ba?" tanong niya ulit habang lumalapit sakin.
Ah, oo, pinsan mo pala siya.So malamang, alam niya name ko.So bakit pa nagtanong kanina? Sus!
"So, sabay tayong lunch mamaya?" tanong niya sakin.
Ano ba ang maisasagot ko, "Ahh—"
"Alliana!!!" sigaw ni Abby sakin, kasama si Lianne. Pinutol niya ang usapan namin.
"Ah, Abby. Kilala ko na ang bestfriend mo!" patawang sabi ni Ivan.
"Abby, sapakin mo nga 'yang pinsan mo at may balak pang mag-yaya mamayang lunch," pagalit kong sabi sa best friend ko.
Natawa lang sakin si Abby, pati na rin si Lianne. Mga baliw ba kayo?
"Sige na please!" pagpupumilit pa ni Ivan.
"AYOKO!" pasigaw ko habang naglalakad palayo.
"Hoy, miss. Hindi pa tayo tapos!" napalingon ako bigla. "Liligawan pa kita!" Hah?! Liligawan?! Seryoso?!
"MUKHA MO ANG LIGAWAN MO! Leche!!!" pagalit kong sabi, talagang ginagalit ako eh. Iniwan ko na lang silang tatlong tumatawa pa.
"Abby, ang tampuhin naman ng kaibigan mo!" tanong ng lalaki kay Abby. Narinig ko pa silang nag-uusap.
"Kuya, huwag kang mag-alala, sasamahan ko siya mamayang lunch, para makita at makilala mo na rin," sagot ni Abby. So, may pinaplano sila. Ano kaya 'yun?
Wahahahaha! Bastaayoko ng ganyan, nakakairita e.
BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
Novela JuvenilSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...