© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-29-2018)
--
WEDNESDAY - NANDITO ako sa klasrum namin na gumagawa ng assignment namin sa Values. Tatapusin daw naming ang gawin ang mga activities sa book na dinicuss na ni Ma'am Calesa. Time namin to ng recess. Since ngayon ko lang nalaman na may assignment kami, yun, nagkukumahog.
"Ally, kumpleto ka na ba ng sagot diyan?" tanong sakin ni JB dala ang libro niya sa Values.
"Bakit kokopya ka?" pambuking na tanong ko sa kanya.
Natawa siya, "Yeah! Wala pa nga akong assignment eh."
"Kay Mickey mo ka na lang kumopya, nakakahiya kay Ally eh!" singit ni Harry na sumipot sa likod ni JB.
"Sus, ikaw din naman kokopya!" sagot ni JB sa kanya. "Kay Mica ka!"
"Lalo naman, wala ring assignment yun eh!"
"Edi magsama kayo!"
Natawa ako sa talunan nila. Okay, try nila kung mahihiya silang kokopya sa mga crush nila. Hay nako.
"Uy! May kokopyahan na tayo, mga brad!" sabi ni Andrei sa kanilang dalawa noong nasa likod din nila.
"Kanino?" tanong ng dalawa.
"Kay Gelli, kumpleto nga eh!"
"Dapat kay Hanna ka na lang kumopya," sabi sa kanya ng pinsan niya.
"Kay Hanna? Tae, walang assignment yun."
"Eh?" pagtataka ni JB. "Edi patas lang lahat! Nice Andrei ah!"
Ngumiti si Andrei, "Wala yun, kopya na tayo!" saka na sila umalis.
"Oh Ally, kay Gelli na kami kokopya. Salamat ah!" sabi ni JB, before they go.
Hay nako, sila talaga. Hanggang kopya na lang ang kaya nila. Binalik ko na ang sarili ko sa pagsasagot.
--
Ginabihan, nasa loob lang ako ng kuwarto ko at gumagawa ng mga assignments. Kaharap ko si laptop, kase dito ako gumawa. May project din akong ginagawa kaya yun. Mas gusto ko pang mag-computer ksea sa magsulat, nakakatamad kaya. At least kasama pang mag-facebook, twitter... ganun. Yan tayo eh, no?
May kumatok sa pintuan kalaunan.
"Alliana, lets eat!"
Tawag pala yun sakin ni mama, kakain na kami.
So nilagay ko muna sa stand-by mode ang lappy ko, saka ko inayos ang mga gamit ko bago ako bumaba. Nakababa na rin ako, at may napansin ako.
Mukhang may engrandeng handaan dito ah, maraming pagkain. May paella, kare-kare, salad, soup, marami. Nakaready na rin ang mga baso, pinggan, formal pa. Ano kayang meron ngayon? It looks so intriguing, pero nakakagutom.
"Ma, ano pong meron?" pagtataka ko, bago ako umupo sa upuan sa bandang unahan, katapat si Mama.
"Anong meron? Ask your dad," sagot ni Mama. Itatanong ko sana kay Papa, kaso wala pa. Kararating lang yata nun at nagbibihis pa sa kuwarto niya. Later on, bumaba na siya sa hagdan, nakapambahay. Halatang bagong dating lang, pero di ko napansing dumating na dito sa bahay.
"Oh, Alliana..." tawag niya sakin bago ako mag-kiss sa kanya. Saka na siya umupo sa upuan niya sa may center. Nag-pray kami at sabay-sabay kumain. Nagkuwento-kuwento muna sila Mama at Papa tungkol sa mga bagay-bagay. Hindi ko pa nga gumawang sumingit eh, nakakahiya naman kase. Tahanik lang ako dito na ngumunguya ng pagkain.

BINABASA MO ANG
Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)
Novela JuvenilSabi nila, hindi lang ako basta isang simpleng bata lang. Maganda. Matalino. Mabait. Talented. May maibubuga, kung baga. May kaya kami ng pamilya ko kaya lahat nasusuportahan, pero sa isang bagay lang halos nabago ang lahat. Isa akong transferee. M...