Chapter 6 ⛺

461 25 0
                                    

"Bakit kailangan mo pa ako isama sa kalandian mo?"Kinamot ko ang aking ulo habang pilit na idinidilat ang talukap ng aking mga mata dahil ako'y inaantok pa. Papaano ay hindi ako nakatulog kagabi kakakahol ko ng ubo at dahil sa baradong ilong. Ngayong umaga lang umayos ang pakiramdam ko kaya kanina lang ako nakatulog pero itong Allen naman na ito ay ginambala pa ako para magpasama sa akin dito sa gym.

"Grabe siya kalandian agad...pero semi true yan!Ito kasi si Nikko ang nagpasimuno eh.Pupunta na lang sa gym isasama pa ako kaya sinama kita para may kasama ako.Oh diba sama-sama na tayong tatlo ngayon."Wala akong naintindihan sa sinabi niya.Puro sama na lang ang narinig ko.Gawa siguro ng kulang sa tulog kaya hindi gumagana nang maayos ang utak ko.

"Mukhang ok naman siya eh!"Tinuro ko ang pinsan niya na kasalukuyang nagbubuhat ng barbell.Partida wala pa itong spotting partner pero mabibigat na ang nabubuhat niya."Oh sige na mauuna na ako ha!"Tumayo na ako upang bumalik sa cabin pero hinila ako nito pabalik sa bench.

"Ano baaaa!Huwag mo naman akong iwan dito.Bakit ba kasi hindi ka nagpagaling agad para nakatulog ka nang maayos.Hindi ka man lang ba inalagaan ng roommate mo?"Kusang rumolyo ang mata ko sa pagbanggit ni Allen sa kaniya.As if naman may pakielam yun sa mga taong nasa paligid niya.Sarili lang naman ang iniisip nun eh.Tsaka papaano ako maaalagaan eh tulog mantika iyon buong magdamag. Ni hindi man lang nga nabulabog sa mga ubo ko na halos lumabas na ang aking mga baga.

"Nako wala ka namang aasahan doon eh."Medyo bitter kong sabi.Naiinis pa rin kasi ako sa pagpapamukha nito sa akin kahapon sa nangyari.Sa akin ba naman isisi ang pagkalunod ko kung hindi ba naman siya boang.

"Hala may papalapit!Act naturally."Bigla itong lumayo sa akin nang kaunti sabay de kwatro.Nagpanggap itong busy sa pamamagitan ng pagkalikot ng kaniyang telepono.Mamaya ay may lumapit nga na lalaki.Hindi na ako magtataka kung lapitin din si Allen sapagkat may itsura naman siya.No offense pero I think mas maganda pa nga siya kaysa sa mga ibang babae na naririto sa kampo.

Tumabi sa kaniya ang lalaki kaya lumayo na ako para bigyan sila ng privacy. Narinig ko na lang ang munti nilang tawanan kasabay ng mga ilang hampasan sa braso.Napakabilis naman nitong makalimot na may kasama siyang iba.Niyaya ako tapos ganito lang pala ang  ganap ko rito.

Dahil inaantok ay hindi na ako masyadong gumalaw pa.Ipinatong ko ang aking mga siko sa tuhod at nangalumbaba.Pinagmasdan ko na lang ang mga taong nandito sa gym.In fairness marami rin ang gumagamit ng facility na ito kaya hindi nasayang ang pagpapatayo ng gym sa kampo.

Karamihan kasi ng mga nananatili rito sa La Tierra Firma ay 18 years old pataas kaya malamang conscious na ang ilan sa kanilang katawan.Kung titignan nga ay mukhang masaya ang kanilang mga ginagawa.May mga tumatakbo sa treadmill,nagbubuhat ng weights at sumasali sa yoga.

Ewan ko lang kung bakit pero hindi ko makita ang sarili kong nagwo-workout sa gym kahit na sabihin nilang masaya ito.Para sa akin kasi ay may sarili akong pamamaraan ng pagiging fit which is yung household chores.Iyon ang talagang nagpapabatak at nagpapapayat sa akin.Araw-araw ba naman akong naglalaba,naglilinis at nag-aayos ng bahay ay talagang butil-butil na ang pawis sa pagkikilos. Talagang tinuruan ako ni lola na maging masipag pagdating sa bahay.Si lolo naman ay paghahardin ang tinuro sa akin dahil sadyang mahilig ito sa mga halaman.

Sa kakaikot ng aking mata ay lahat na ng tao rito ay nadapuan ko na ng tingin. Napangiwi ako nang mapansin ko ang taong tumatakbo sa pinakadulong treadmill.Si Paco na naman!Lahat na lang ba ng pupuntahan ko ay naroroon din siya?

Kaya pala hindi ko na naman siya naabutan kaninang umaga sa kama niya dahil maaga itong pumunta sa lugar na ito upang mag-workout.Mukhang ito na ang nakasanayan niyang routine kaya sa susunod ay hindi na ako pupunta rito sa gym ng ganitong oras para maiwasan ko ito nang tuluyan.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon