Chapter 24 ⛺

281 23 1
                                    

Kumislot ang aking katawan kasabay ng marahang pagliyad. Nag-uumpisa nang magkadiwa ang isipan ko ngunit nananatili pa ring mabigat ang aking katawan.Kahit ang mga mata ko ay hindi ko magawang idilat dahil sa kakapusan ng tulog.Maybe I should continue my sleep?Mukhang maaga pa naman. Besides, kahit na nakapikit ay hindi ko pa dama ang mainit na sinag ng araw sa balat ko. Meaning that the sun hasn't probably risen yet and I still have a lot of time to rest.

Iginilid ko ang aking katawan saka niyapos ang kung ano man ang nasa tabi ko. Bahagya tuloy nagsalubong ang aking mga kilay dahil sa pagkabigla.Marahan kong pinisil at hinaplos ang bagay na hawak ko.Unan ba ito?Bakit matigas at may kurba.Sa halip tuloy na mahimbing at makatulog ay mas lalong nabagabag ang aking pagkatao.

"Argh!"Automatikong lumayo ang sarili ko sa bagay na iyon.Wait,let me rephrase that.Hindi ito bagay kung hindi tao! Paco to be exact!Anong ginagawa niya rito sa tabi ko?Bakit hindi siya sa kama niya matulog."Aray..."Hinilot ko ang aking sintido nang sumakit ito dahil sa biglaan kong pagbangon.

Pinagmasdan ko ang nakahubad na lalaking kasalo ko sa kama.Sa kabila ng malakas kong pagsigaw at pagkilos ay nanatili ito sa pagtulog nang mahimbing. May ngiti pa sa kaniyang mga labi at tila sarap na sarap ito sa pagpapahinga.

Sumandal ako sa headboard habang iniisip ang mga nangyari kagabi.Hindi naman ako nalasing pero parang nawala sa isipan ko ang mga kaganapan dito sa cabin.

Dumako ang aking paningin sa planggana na may lamang bimpo sa itaas ng lamesa.I remember now!Ako nga pala ang nag-alaga kay Paco sapagkat nalasing ito nang husto kagabi.Akala ko ay nananaginip lang ako.Now that explains why he's on top of my bed beside me.

Sa pag-aakalang okay na ang lahat ay muling nanlaki ang aking mga mata nang maalala ang lahat ng nangyari kagabi.As in LAHAT!Hindi ko lang siya inalagaan at binantayan.Bukod pa roon ay naging mas malinaw sa pag-iisip ko ang mga detalye.

"Hindi hindi hindi..."Sinapo ko ang aking noo.Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga linyang pinakawalan ko kay Paco.That's so reckless of you Julian! Why would I even confess my feelings to a drunk man?Papaano kung maalala niya ito mamaya pagkagising niya?Kapag nagkataon ay paniguradong magkakalamat na ang relasyon namin at hindi maaaring iwasan niya na ako dahil dito.Biglang nabalot ng sobrang kaba at takot ang katawan ko.Ayokong mangyari iyon!

Napapikit ako habang mas pinapalalim ang aking pag-iisip.On the other hand, hindi lang ang nararamdaman ko ang naamin ko kay Paco.May binunyag at natuklasan din ako sa aking sarili.I've never thought of this before but am I really gay?

...........

Tok!Tok!Tok!

Mabilis kong kinatok ang pinto ng aking kaibigan.Sa mga ganitong panahon na naguguluhan ako sa pagkakakilanlan ko ay isang tao lang ang maaaring makaintindi sa akin.That will certainly be Allen!Paniguradong malaki ang maitutulong niya sa pagtuklas ko sa kasarian ko.

"Sino ba iyan!?Ang aga-aga nambubulabog." Niluwa ng pintuan ang hinahanap kong tao.Pakurap-kurap ang mga mata nito at tila inaantok pa. Alas-sais pa lang kasi ng umaga kaya hindi ko rin siya masisisi.Alam kong late na siya nakatulog gawa ng maraming inalagaan pero hindi na talaga ito makapaghihintay.

"Pasensiya na sa abala Allen pero pwede ka ba ngayon?"Seryoso kong tanong sa kaniya.Kailangan ko na kasi ng kasagutan ngayon.I want to discover the truth about my real identity.All my life akala ko ay straight ako pero ngayong nagkakagusto ako sa isang lalaki at sa roommate ko pa ay talagang naguguluhan na ako sa sarili ko.Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.I'm so confused and scared right now!

"J-Julian huwag ako please..."Pabiro niyang sabi saka tinakpan ang kaniyang sarili mula sa akin.As if naman magkakainteres ako sa kaniya!Baka nga parehas pang hotdog ang hanap namin.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon