Chapter 38 ⛺

196 9 12
                                    

Lumipas ang mga panahon nang walang nangyayari sa amin ni Paco. Ilang araw na ang nakakaraan pero talagang pinaninindigan niya ang pagtanggi sa akin. Maging ang paghalik ay hindi niya ginagawa upang makaiwas daw sa tukso. Even if I'm able to persuade him, he only lets me off with a quick peck either on the cheek or forehead! Kung hindi pa ako magmamaktol ay hindi niya ako sa labi dadampian ng halik.

Para tuloy akong nakaramdam ng panghihina. The virtue of abstinence eliminates the passion in our relationship. Unti-unti na kaming nawawalan ng thrill! Kung pwede nga lang na ako ang magyayaya ay matagal ko na sanang ginawa. Pinipigilan ko lamang ang aking sarili sapagkat ayokong magmukhang desperado. He's the top! He should initiate first! Mahirap na nga maging bottom tapos ako pa ang mangangalabit sa kaniya?

"Bakit nakasimangot ka?" Mungkahi ni Nikko kasabay ng pag-upo nila sa lamesa. Nauna kasi ako rito sa aming pwesto dahil wala akong balak kumain.

"Mission failed na naman?" Sunod naman na tanong ni Allen habang nilalapag ang plato mula sa bitbit na tray. Nakwento ko kasi sa kanilang lahat ang mga kapalpakan na nangyayari.

"Ano pa nga ba?" Matamlay kong sagot sabay simangot. I rested my chin on the top of my palm. Tila gusto ko na lang magkulong sa cabin at matulog. Wala ako sa mood ngayon upang makisalamuha sa mga tao. Of course, no offense intended to my friends.

"Hindi ka ba kakain?" Wika ni Isabelle nang makitang tubig lang ang nasa aking tapat. The blandness of water provided me unsatisfaction but was enough to fill my stomach. Tuwing nagugutom ako ay ito lang ang sandigan ko.

"Busog pa naman ako, Isabelle" Sagot ko sabay inom sa aking tumbler. Pang anim ko na yata ito mula kaninang umaga. Since the thought of sex came to my mind, I have been more mindful to what I eat. Madalas ay liquid diet na lang ako katulad ng soup at beverages. Kung kakain man ako ng solid food ay sisiguraduhin kong maglilinis din ako kalaunan. Halos daig ko pa ang isang toddler dahil sa selan kong kumain.

"Don't you think you're taking this too far? Baka mamaya ay bigla kang mahimatay dahil sa kawalan ng sustansya." She's partly right! Mahihimatay na nga ako ngunit hindi sa pagkagutom kung hindi dahil sa pagkatigang. To be honest, I feel so parched. Para akong isang halamang tuyot tuwing tag-init na nangangailangan ng masaganang dilig. Sa ngayon ay hindi pagkain ang kailangan ng katawan ko. Ang kailangan ko ay sex!

"Huwag ka mag-alala! Kaya ko pa naman ang sarili ko." Nakangiti kong sabi upang mapawi ang kaniyang pagkabahala. A person knows about one's limits. Hindi ko naman hahayaan na masagad ang aking sarili. Ako na mismo ang susuko kapag hindi ko na talaga kaya.

"Basta huwag mong pababayaan ang sarili mo!" Tumango ako bilang pagsagot. Alam ko naman kung saan nanggagaling si Isabelle. She's just worried about me and I appreciate that a lot! However, I'm not doing this for nothing. Ginagawa ko ito dahil gusto kong maging handa. Anytime soon ay maaaring mangyari ang inaasam ko at hindi ko hahayaang mahadlangan iyon ng kahit na anong problema. It's a sacrifice I have to make in order to achieve perfection.

"Nasaan ba si Paco?" Usisa ni Claire habang iniikot ang mga mata sa paligid. They seem to be attached to him already.  Parang dati lang ay medyo nagdududa pa sila sa intensyon ni Paco pero sa maikling pagkakataon ay nakuha niyang muli ang tiwala ng mga kaibigan ko. Otherwise, they wouldn't long for his presence.

"Maagang umalis kanina. Pupunta raw sa bayan." Nakaramdam ako ng kaunting tampo sa nobyo. Hindi kasi ako nito niyaya. Parang dati lang ay lagi niya akong sinasama kahit ayaw ko umalis samantalang ngayon ay iniiwan niya
na lang ako mag-isa. Napagod na siguro siyang yayain ako sapagkat lagi naman akong tumatanggi pero kahit na! Gusto ko pa ring maimbitahan kahit na ayaw ko sumama. That still means he wants to spend some time with me.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon