Chapter 43 ⛺

164 9 0
                                    

"Pasensya ka na sa naging attitude ko!" Ipinagdikit ko ang parehong kamay habang nagmamakaawa. That is not how we should treat newcomers! Baka isipin niya na lahat ng naninirahan sa La Tierra Firma ay masasama ang ugali. Again, what he witnessed was not me! Sadyang gutom lang ako kaya mabilis uminit ang ulo.

"No problem! Hindi naman ako makimkiming tao." Laking pasasalamat ko dahil sa pag-unawang ibinigay niya. Mabuti naman at mabait itong bagong kapitbahay namin. Some people wouldn't have let this slip but throw a fit instead.

"Julian nga pala!" I extended my hand to formally introduce myself. Habang nagpapakilala ay doon ko lang napagmasdan ang taglay nitong pisikal na katangian. With quick analysis, I can conclude that there is no trace of Philippine ethnicity in his genes. Malayo kasi sa pagiging pinoy ang itsura ng lalaki. Though sigurado akong Asyano siya dahil sa mestisong balat at singkit na mga mata. Perhaps kabilang sa East-Asian countries ang lahi niya tulad ng Chinese, Korean o Japanese.

"Nice to meet you, Julian!" Galak nitong pagtanggap sa aking palad. His palm is so big that it can crush my hands if he wanted to. "Haruomi Yamada nga pala!" Yamada? Kung ganoon ay tama nga ako! Isa siyang hapon! Bibihira lang ako makakita ng mga banyaga ngunit alam ko ang pinanggalingan ng isang tao ayon sa kanilang pangalan.

Habang magkahawak ang kamay ay nanatili akong nakatulala kay Haruomi. Don't get me wrong! I don't have an infatuation towards him but I certainly admire his features. Artistahin kasi ang appeal nito dahil sa pagiging matangkad na chinito. Maaliwalas din ang aura at tila boy nextdoor ang vibes! Idagdag pa ang swabe nitong porma at maamong pananalita.

"Tumutugtog ka?" Pansin ko sa nakasabit niyang guitar case sa balikat. Musikero siguro itong si Haruomi. Otherwise bringing an instrument this heavy will be out of the option.

"Ah oo, pero hindi naman sobrang galing." Hiyang wika niya sabay kamot sa ulo. Masyado namang humble itong si Haruomi. Paniguradong may ibubuga naman siya kahit papaano.

"I'll look forward to hear you play!" Masigla kong pagsuporta sa bagong kaibigan. Mahilig kasi akong makinig sa mga acoustic instruments at sa iba pang mga kalmadong tunog. Sadly, ilan lang ang kakilala kong marunong tumugtog kaya bihira makaranas ng ganitong pagkakataon.

Nagpalipas kami ng oras sa pamamagitan ng kwentuhan. Iniwan kasi kami ni Lara sapagkat may aasikasuhin siya saglit sa loob ng B-49. More like finishing touch lang naman kaya paniguradong mabilis lang ito.

Laughter filled the air as we exchanged various interests. Magaling siyang magpanatili at bumuhay ng mga usapin. Hindi siya nauubusan ng mga paksa kaya sobrang nakakagana kausap. Tila nakalimutan ko na tuloy ang pagkalam ng sikmura dahil napalitan ng hangin kakatawa.

"What's going on here?" Bigla na lamang sumulpot si Paco habang nag-uusap kami ni Haruomi.

"Ikaw pala! Tapos ka nang maglaba?" I asked noticing how his clothes have changed. Napaisip tuloy ako kung masyado ba kaming napatagal dahil nagawa pa akong abutan ng katipan.

"Sino ito?" Malisik na inobserbahan ni Paco ang binata mula ulo hanggang paa. I felt the sudden increase of tension. Kahit kailan talaga ay hindi marunong sumalubong ng bisita itong si Paco. He's always putting his guard way up high when meeting new people. Naging defense mechanism niya na yata ang pagiging suplado.

"Bagong lipat sa B-49! Sinamahan ko lang siya habang hinihintay si Lara." Paliwanag ko sa nobyo ngunit nanatiling magkasalubong ang kilay niya.

"Haruomi nga pala pare!" Masayang bati ng aming kapitbahay. Mabuti na lang at hindi minasama ni Haruomi ang pakikitungo sa kaniya ni Paco.

"Paco..." Tipid na sabi ng aking kasintahan. "BOYFRIEND ni Julian..." Lumingkis ang kamay niya saka hinigit ako palapit. His intensity vibed with the heat radiating underneath my skin.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon