"Hi!Tanong ko lang sana kung gusto mo makipagpalit sa akin ng cabin..."Hindi ko pa man natatapos ang aking sasabihin ay kaagad na akong inilingan ng lalaki sabay takbo papalayo.One down na naman!
Umupo ako sa damuhan saka sumandal sa may puno.Kaninang umaga ko pa nililibot ang kampo upang maghanap ng makakapalitan pero sadly walang may nais na tumanggap sa offer ko.Mukhang lahat yata sila ay ayaw kay Paco.Hindi ko naman sila masisisi.I mean kaya nga ako bubukod sa cabin namin dahil kahit ako ay ayaw sa kaniya.
Bakit hindi pa kasi si Lara na lang ang mag-assign ng makakapalitan ko?Sa akin niya na kasi iniatas ang paghahanap ko ng lilipatang cabin since ako naman daw ang may gusto nito at busy din siya ngayong araw.Pumayag naman ako dahil ang akala ko ay madali lang pero ganito pala kahirap!Para akong naghahanap ng apartment na malilipatan.
"Oh kamusta ang paghahanap mo?" Biglang sumulpot sina Allen at Nikko. Galing kasi sila sa lawa upang lumangoy. Sasamahan sana nila ako sa paghahanap pero nauna na ako dahil hindi ko na kaya pang maghintay.
"Eto nakatengga pa rin.Walang tumatanggap eh."Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung matatawa ba ako o malulungkot.Bukod sa saya ay may kahalong stress din pala ang paglipat ko sa kampong ito.
"Nako kung ako inalok mo papayag sana ako pero pagkatapos ng nangyari kanina?A big no no!"Agad na iwinasiwas ni Allen ang kaniyang buong katawan bilang pagtanggi.Wala rin naman akong balak sa kaniya makipagpalit.Kawawa lang siya kapag nagkataon.Baka mas malala pa ang mangyari kapag sa cabin na sila magkasama.
"Ikaw ba Nikko baka gusto mong makipagpalit sa akin?"Desperado na talaga ako kaya kahit sino na lang ang yayayain kong maka-swap ng lugar.
"Ako?Ayoko rin!Tsaka pinababantayan sa akin ni tita itong si Allen dahil baka kung sino-sino raw ang dalhin sa kwarto." Bukod pala sa pagiging pinsan ay bodyguard din pala siya ni Allen.Hindi ko rin siya masisisi dahil komportable na siya sa cabin nila.Ayoko namang guluhin pa sila.
"Hoy grabe ka!Kailan ako nagdala ng kung sino sa cabin natin!?"Hinampas ni Allen si Nikko sa braso.Napahalakhak naman ako sa pagiging defensive nito.
"Sa cabin natin wala pero naririnig kitang lumalabas tuwing madaling araw! Sumbong kita kay tita gusto mo?"Wala palang pinipiling oras ang pagkirengkeng ni Allen at pati madaling araw ay may booking ito.
"Grabe ang kapal!At least ako sa labas! Ikaw nga kapag nasa labas ako ikaw naman ang kung sino-sino pinapapasok sa cabin natin.Walangya ka laging may bra at panty sa banyo natin dugyot ka!" Grabe naman pala ang kakalatan ng magpinsan na ito.Kaniya-kaniya silang batuhan ng linya samantalang ako ay walang mapagmamalaki.Kahit kailan kasi ay hindi pa ako nagkakaroon ng intimate moment with someone.
"Baka sa iyo 'yun!"Natatawang sabi ni Nikko habang hawak ang kaniyang tiyan.
"Oy gago!Brief ang gamit ko noh!"Jusko pati mga panloob ni Allen nalalaman ko na.Mukhang wala talaga itong kahihiyan sa katawan dahil kahit naririnig na siya ng mga tao ay wala itong paawat.
"Oh siya tama na yannn!Tulungan niyo na ako sa paghahanap ko."Tumayo na ako saka inakay silang dalawa palibot muli sa kampo.Malapit nang maghapon ngayon at bago maggabi ay kailangan ko nang makahanap ng taong makakapalitan ko.
............
"Mukhang wala ka na talagang magagawa.Lahat na natanong natin." Ayoko mang aminin pero tama ang sinabi ni Allen.Mukhang siya na talaga ang magiging kasama ko sa buong 3 buwan ng pamamalagi ko rito sa kampo.
Kinapalan ko na talaga ang mukha ko sa pag-approach ko sa mga tao.Kahit na mahiyain ako ay talagang inisa-isa ko silang nilapitan pero sa lahat ng napagtanungan naming lalaki ay iisang sagot lang ang natatanggap namin at iyon ay 'hindi'.Kung hindi man iyon ay 'ayoko' o 'di kaya no way!
BINABASA MO ANG
Into The Wilderness (BxB)(BL)
RomanceJulian Sarmiento has always been a happy go lucky kid.Though may pagka-introvert ito dahil lumaki itong isolated sa bahay. Sa kabila ng pagkakakulong sa apat na sulok ng bahay ay hindi ito naging hadlang upang mas makilala ni Julian ang sarili. Mala...