Chapter 23 ⛺

281 17 2
                                    

Pinaypay ko ang aking panyo sa mukha upang maibsan ang init ng paligid. Sumama kasi ako sa kanila dito sa may lawa. Originally, sina Claire at Nikko lang talaga ang magpaplano ng venue pero sumama na kami para sa karagdagang tulong na maibibigay namin.

"Dito ko ilalagay sa dulo ang stage tapos sa gitna ang dance floor.Then ipapalibot ko na lang ang mga table para maging accessible sa guests lahat ng sulok ng venue."Pinapakita sa amin ni Nikko ang sketch niya para sa overall outcome ng lugar.Hindi naman ito mahirap intindihin lalo na't magaling din siya magpaliwanag.Simple lang ginawa niyang layout pero elegante ang naging dating nito sa amin.

Mukhang wala na pala kaming dapat alalahanin pa. Demonstration na lang kasi ang ginagawa ni Nikko at approved na ito kay Claire. Mabilis niyang natapos ang parte niya. I thought it would at least take him a couple of weeks to finish his task but he completed it in an instant.

"Isabelle baka naiinitan ka na." Dumako ang mga mata ko sa gilid nang payungan ni Paco si Isabelle. Sakto lang ang payong na ito para sa kanilang dalawa. Talagang nagdala siya ng payong dahil alam niyang mainit ang panahon ngayon.

"Naiinitan din naman kami ah..." Bulong ko sa aking sarili. Pwede naman siyang magdala ng malaking payong para lahat kami ay magkasya pero bakit si Isabelle lang ang gusto niyang silungan?

"Salamat!"Ngumiti naman si Isabelle saka mas lumapit sa lalaki. Umakbay naman si Paco para tuluyang maisara ang agwat sa pagitan nila. Ni hindi ko man lang nakitaan ng pagkailang at pagkontra si Isabelle. Kung ganoon ay open na pala sila sa mga ganitong bagay. Mukhang tuwang-tuwa ang loko at hinahayaan na siya ng nililigawan niya. Sandali, sila na ba? Does that mean naka-move on na si Isabelle sa lalaking nagugustuhan niya? Nakakahinayang tuloy dahil hindi ko man lang nakilala ang natitipuhan niya dati.

Habang pinag-aaralan ang dalawa ay biglang nagtama ang mata namin ni Paco. Napaiwas tuloy ako at kunwaring nagmamatyag sa paligid.Hindi ko namalayan na tinititigan ko na pala sila. No...it was more of a glare than stare. Though wala naman akong iniisip na masama. Mukha lang talaga akong bad mood dahil sa init ng panahon.

Upang mabaling ang atensyon ko ay kung ano-ano na lang ang ginawa ko. Nilatag ko ang aking panyo mula sa pagkakatiklop nito saka pinatong sa ulo. Para tuloy akong deboto na nais humaplos sa itim na Nazareno pero mabuti na rin ito para matakpan ko ang aking mukha. Baka sabihin niya pang nakikichismis ako sa lovelife niya

"Maraming salamat talaga sa inyo ha! Sobra kong appreciated ang mga efforts niya sa debut ko."Humarap sa amin si Claire at isa-isa kaming niyakap. Mabilis kasi talaga natapos ang mga gagawin dahil sa dami naming nagtulungan. Kaunting preparations na lang at ready to be executed na ang debut."Dahil diyan ay magpapainom ako!"Nagpintig ang aking mga tenga sa narinig ko. Magpapainom? Hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko ang uminom. Ni isang patak ng alak ay hindi pa nagagawang tumulo sa lalamunan ko kahit na ngayong nasa legal age na ako.

"Iyan ang gusto ko sa iyo sis eh!" Galak na mungkahi ni Allen habang pumapadyak sa tuwa. Sobrang lugod ng kaniyang ekspresyon samantalang ako ay hindi pa rin alam kung ano ang dapat na maramdaman.

"Umiinom ka ba?17 ka pa lang ah." Mukhang kontra si Nikko sa pinaplano ng kaniyang girlfriend. It's understandable! Nag-aalala lang ito sa kasintahan niya.

"Grabe hindi naman ako walwalera! Once in a while lang naman eh.Please..." Personally speaking, kontra rin ako sa gusto niya lalo na at hindi naman talaga ako umiinom.Kahit kasi sabihing occasionally ay maituturing pa rin itong bisyo na nakasasama sa katawan ng tao.

"Ikaw bahala, basta huwag ka iinom nang marami ha!"Sa huli ay pumayag din si Nikko. If I'm not mistaken gusto niya rin naman uminom in the first place. Talagang inisip niya lang muna si Claire. What a gentleman!

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon