Chapter 55 ⛺

101 8 0
                                    

"Tito Paco!" Hindi napigilan ng batang babae ang malakas na paghiyaw. Mula sa pagkakahawak ng dalawang kasama ay kumalas ang paslit saka sabik na niyapos si Paco. Teka, Tito Paco? Posible kayang...

"D-dion!" Bahagyang nagulantang ang binata dahil sa bilis ng pangyayari. "Anong ginagawa niyo rito?" Sinampay ni Paco ang basang tuwalya sa aparador saka binuhat si Dion. That's her name right? Iyon ang tinawag sa kaniya ng aking nobyo kaya ito ang ipinalagay kong pangalan niya.

"Masama bang dalawin ang bunso naming kapatid?" Umusog ako sa pinakagilid upang magbigay daan sa pagpasok nila. Ngayong alam ko nang bisita sila ni Paco, nararapat lamang na paunlakan sila rito sa aming tirahan. Wait, did I hear it correctly? Bunsong kapatid? I'm still at a loss to process anything so I'm quite confused.

"We missed you!" Malawak siyang sinalubong ng binibini saka mahigpit na niyakap. She even scattered lots of kisses, unintentionally leaving red marks on his cheeks due to the moist lipstick.

"Ate Gladys! Kaliligo ko lang!" Reklamo ni Paco habang nilalayo ang mukha sa mga labi ng dalaga. Medyo hirap pa siyang umiwas sapagkat buhat-buhat niya ang bata. One wrong move and they could all trip on to the floor.

"Long time no see, buddy!" Tinapik siya ng lalaki sa balikat saka ginulo ang namamasa pa nitong buhok. Now I know kung saan niya nakuha ang paghimas niya lagi sa ulo ko.

"Ikaw din, Kuya Oliver!" Pinagtama nila ang parehong kamao para maipakita ang galak ukol sa muling pagsasama. Sa sobrang tikas at brusko ng dalawa, pati pagyakap ay nahihiya silang gawin. Not that it shows fragile masculinity. Marahil iba lang talaga ang paraan nila pagdating sa pagpapahayag ng nararamdaman.

My eyes squinted while observing the four of them. Ate Gladys? Kuya Oliver? Since when did he use such formalities? Kahit si Lara na mas matanda sa kaniya ay hindi kailanman tinawag ni Paco na 'Ate Lara'.

Halos mawala ako sa ulirat nang mapagtanto ang tunay na relasyon nila sa isa't-isa. Hindi lang sila basta kaibigan o ordinaryong panauhin ng nobyo... PAMILYA SILA NI PACO!

Palihim kong nilingon ang sarili sa salamin. Malayo sa pagiging fresh ang kasalukuyang itsura. Maiitim ang mga mata ko na bunga ng pagpupuyat at medyo malagkit din ang aking balat dahil hindi pa naliligo. Pati ang suot kong pantulog ay maraming butas-butas at mantsa sa tela. Kaunti na lang ay hindi na ako nalalayo sa mga taong grasa. Himala yata ang kailangan ko sapagkat wala itong mabilisang remedyo.

Dapat ko na sigurong tanggaping bagsak na ang first impression nila sa akin. Unang tagpo pa lang pero bokya na kaagad ako sa pamilya ni Paco. Baka pwede ko silang daanin sa personality? Mabait at mapagmahal naman akong tao!

"Sana inabisuhan mo man lang ako na darating pala sila, Lara." Wika ni Paco sa dalaga na ngayon ay nakasandal sa pintuan. Tulad ko ay kanina pa siya nasa gilid habang hinahayaan silang mag-usap.

"Wala rin akong alam diyan! Nagulat na nga lang ako at bigla silang bumisita sa kampo." Lumapit si Lara sa magkakapatid upang makisama sa usapan. Naiwan tuloy akong mag-isa rito sa sulok.

"Hindi na magiging surpresa iyon kung ipapangalandakan namin ang pagdalaw dito." Mungkahi ng ginoo saka akbay kay Lara. Dapat pa ba akong manatili rito? Kailangan ko na sigurong umalis muna para mabigyan sila ng oras sa isa't-isa. Tutal pampasikip at wala naman akong bilang dito. I would only be out of place if I remain in this cabin. Plus, they have a lot of catching up to do.

Arf! Arf! Arf!

"Shhh! May bisita si daddy." Mahina kong sinuway ang pagtahol ni Summer. Nagising kasi ito dahil sa ingay ng bisita. Marahil hindi niya kilala ang mga tao kaya walang awat sa pag-iingay. "Halika nga rito." Kinuha ko siya mula sa kulungan saka kinarga. Hinele ko si Summer na parang sanggol para mapakalma. It's normal for dogs to be frightened when meeting unfamiliar faces. Bukod kasi sa amin ni Paco ay wala na siyang nakikitang ibang tao. Hindi bale at sasanayin ko na siya!

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon