Chapter 53 ⛺

91 9 0
                                    

Dali-dali kong tinahak ang landas palabas ng cabin. Para makabawi kay Paco, ako na ang nagkusang bumili ng mga sitsirya at iba pang pagkain. Kinokontra niya pa nga ako nung una dahil baka matagalan ngunit sinabi kong walang saysay ang panonood kung walang mangunguyang pulutan.

Can a person successfully watch a movie without snacks? Definitely not! Food is a crucial component in binge watching. It helps us to focus and analyze the story. Kung walang pagkain ay baka kuko ko na lang ang ngatngatin ko sa kalagitnaan ng palabas.

Malalaki ang pinakawalan kong hakbang kasabay ng pagbibilang sa dala kong salapi. Nawa'y magkasya ito at sapat ang aking mabili. Marami namang pagpipiliang food stalls dito sa kampo. I could go for chips, street food and even rice meals!

"Julian!" Nilingon ko ang direksyon kung saan nagmumula ang pangalan ko. Pambihira! Kung kailan nagmamadali ay saka pa may tumatawag sa akin.

"Oh ikaw pala, Haruomi!" Nakangiti kong bati sa kaibigan. "Hindi ka nagbukas ng booth mo?" Usisa ko nang makitang nakatalukbong ng tela ang karaoke machine niya. Usually, marami na siyang customers tuwing ganitong oras ngunit wala ni isang tao ang matatagpuan dito ngayon. What happened to his stand? How can it be deserted so easily?

"Some personal matter came up kaya nanghingi ako ng 1 day leave kay Lara. Mabuti na lang at lagpas pa sa quota ang nalikom ko nitong mga nakaraang araw. Otherwise, she wouldn't let me." Paliwanag nito na siyang nagpawi sa aking kuryosidad. Sandali, personal matter ba kamo? May nangyari bang masama kay Haruomi? Anyway that's his own business. Kaya nga personal matter eh!

"Pareho pala tayo kung ganoon! Mabigat kasi ang katawan namin ni Paco mula sa sobrang pagod. Mahirap na at baka dapuan ng sakit." Hanggang doon na lang ang sinabi ko. Hindi ko naman kasi maaaring banggitin na ang pinakadahilan ng pag-iwas namin sa trabaho ay ang panonood ng pelikula. That would sound indolent! Babawi at magdodoble kayod na lang kami ni Paco bukas.

"Mabuti kung ganoon!" Kinamot niya ang batok nang maubusan ng sasabihin. I thought he needed something?

"Ano nga pala ang atin? Bakit mo ako tinawag?" Nais ko nang lumisan pero baka may kailangan pa siya sa akin. He called me in the first place. Hindi niya naman ako tatawagin para lang makipagkamustahan.

"Eh gusto ko sanang paunlakan ka sa cabin ko. Nagtatrabaho pa kasi lahat ng kaibigan natin kaya wala akong kasama ngayon." Nahihiya nitong wika sa akin. Kusa ko tuloy pinagmasdan ang cabin niya. I've never actually visited the inside of his cabin. It would be nice to be accommodated by the owner himself but now is not the right time!

"Sorry, Haruomi. May aasikasuhin kasi ako eh." Tanggi ko dahil may plano na ako ngayong araw. This movie marathon got delayed multiple times. Tiyak na magagalit na nang husto si Paco kapag pinagpaliban ko pa ito.

"Kahit saglit lang? Para makabawi rin ako sa mga tulong mo sa akin. I never got the chance to formally thank you." Papayag naman ako kung ordinaryong araw subalit huwag lang talaga sa pagkakataong ito. My plate is already full so I can't afford any more errands.

"Pero..." Magsasalita pa sana ngunit pinutol niya na ako bago ko pa iyon magawa. He surely is persistent and doesn't take no for an answer. Papaano ko ba siya matatanggihan nang hindi mapapasama ang loob?

"Sige na, Julian! Kailangan ko lang talaga ng makakasama. Please..." He pouted with an aim to convince me. Ano bang kailangan niya at grabe siya mangkayag? May kinalaman ba ito sa personal matter na pinagdadaanan niya?

"M-mabilis lang ah?" Patay ako nito kay Paco kapag nagkataon. What am I supposed to do? I'm terrible at declining people. Masyado akong may pakialam sa mararamdaman nila kaya hirap akong tumanggi.

Iniling ko na lang ang ulo ko. Hindi rin talaga maganda minsan yung sobrang bait. Nakakalimutan ko na ang sarili ko pero sige pa rin sa ibang tao. I'll work on that next time!

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon