Chapter 40 ⛺

229 11 3
                                    

Arf! Arf! Arf!

Malalakas na tahol ang bumasag sa nahihimbing kong tulog. Nawala sa aking isipan na bukod sa aming dalawa ni Paco ay kasama rin pala namin si Summer. As I was checking on him, he suddenly jumped on the bed and rushed towards me. Marahil ay nagugutom na siya kaya nagsisimula nang magharot, pero papaano kaya siya nakawala sa kulungan?

Nangiwi ang aking mukha dahil sa sunod-sunod na pagdila. Hindi pa man napapakain ngunit sobrang taas na ng energy niya. Summer continuosly licked my cheek until the surface is fully covered with his saliva. Malagkit ito sa pakiramdam kaya kaagad na akong bumangon.

"Oww!" Sigaw ko habang iniinda ang biglaang kirot ng pag-upo. My rear end still hurts! Wala tuloy akong magawa kung hindi ang hilutin ito nang marahan. Parang mahihirapang makabawi ang katawan ko dahil sa kagabi. Perhaps I still need time to recover.

Speaking of last night, inangat ko ang kumot upang kumpirmahin ang nangyari. The warmth. The tenderness. The sensation. The intimacy. It was all too good to be true! Pinagmamasdan ko ang hubad na katawan. Isa lamang itong patunay na lahat ng iyon ay bahagi ng realidad, hindi ng panaginip.

Kinagat ko ang aking labi kasabay ng pamumula ng pisngi. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing binabalikan ang mga alaala. I'm officially not a virgin anymore! Ganito pala ang pakiramdam niyon. Feeling ko ay naipanganak akong muli at nabiyayaan ng panibagong buhay.

Arf! Arf! Arf!

Nahila ako pabalik sa kalupuan dahil sa muling pagtahol ni Summer. "Wait here baby! Gigisingin ko lang si daddy." Marahan ko siyang nilapag sa sahig upang hayaang maglaro.

Binuksan ko ang katabi naming bintana para malaman ang lagay ng panahon. The sun has already risen! Inabutan na kami ng umaga dahil sa sobrang pagod. Perhaps we overdid ourselves. Anong oras na rin kasi kami natapos.

Gumilid ako ng higa para mapag-aralan si Paco. Katulad ko ay tanging kumot lang ang saplot niya sa katawan. Wala na sa amin ang nakapagbihis sapagkat diretso tulog kami pagkatapos.

Umangat ang aking mata sa mukha ni Paco. He looks similar to an infant while sleeping. So precious and innocent! Dahil dito ay inabot ko ang cellphone sa tabi saka kinuhanan siya ng litrato. Minsan ko lang siyang matiyambahan na hindi nakabusangot ang mukha kaya sasamantalahin ko na. I picked the best one and set it as my wallpaper. In this way, I can always have an angel to look at.

Gusto ko mang gisingin si Paco ay hindi ko magawa. Masyadong mahimbing ang tulog niya para istorbohin. Bagkus, inilatag ko na lang ang sarili sa dibdib niya saka pinaglaruan gamit ang mga daliri. Inaantok pa rin naman ako. It wouldn't hurt to nap a little bit longer.

If only we could stay like this forever. Apparently, we cannot. Walang makapipigil sa pagdaloy ng panahon. Sooner or later, magkakaroon ng wakas ang mga nalalabing araw namin dito sa kampo. When that happens, ang hiling ko lang ay sana manatili kaming matatag upang patuloy na panghawakan ang relasyon namin.

"Mmm..." Maamong paghalinghing ni Paco sabay hawak sa aking kamay. He's always been a heavy sleeper but he was able to detect my touch this time.

"Good morning!" Galak kong bati sa nobyo. Nakasarado pa ang talukap ng kaniyang mga mata ngunit alam kong gising na siya. Marahil ay nasisilaw pa sa katirikan ng araw kaya ayaw pang dumilat.

"Good morning..." Sinuklian niya ako ng halik sa pisngi bago tuluyang bumangon.  I lay on the headboard as I watch him stretch his muscles and crack his joints. May lahi yata siyang chiropractor sapagkat alam na alam niya ang patutunuging buto. "How are you feeling?" Tanong sa akin ni Paco at sinamahan ako sa pagsandal. Single bed lang itong kama kaya mas nakasiksik at magkadikit kaming dalawa. Maybe this is the time when couples talk after having sex.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon