"Sorry talaga sa abala, Allen."Mungkahi ko habang nakaupo sa sofa at tinutupi ang pinaggamitang kumot.Kasalukuyan kasi akong nasa cabin nila ni Nikko upang makihati sa kanilang pinaglulunggaan. After all that's happened, I will certainly not go back to my cabin.
"Nako walang problema!Sabi ko naman sa iyo nandito lang ako palagi kapag kailangan mo ng tulong.Teka magkwento ka nga kung anong nangyari.Masyado na akong nahuhuli sa mga kaganapan eh." Tumabi siya sa akin sabay sandal sa sofa. Sa kabila ng mga araw na lumipas ay hindi pa ako nakakapagkwento sa kaniya nang buo.Tanging alam niya lang ay ang nasaksihan niya sa amin ni Isabelle.Pati sina Nikko at Claire ay iyon lang ang alam.Other than that ay wala na.
"Wala naman talagang nangyari na. Sinubukan kong kausapin si Paco pero ayaw niya akong pakinggan.Ngayon, kaysa naman magkagulo pa kami lalo ay ako na lang ang umalis."Hindi pa nagtatapos doon ang kwento ko ngunit pinili kong huwag na itong ituloy pa. Deep inside ay iba ang rason ko kung bakit ako umalis at dahil iyon sa ginawa niyang paghalik sa akin.However, that is a matter between us and I don't see the need for me to involve other people in this conflict.Baka mamaya ay lalo lang kaming magkagulo.
"Grabe talaga noh?Ikaw may gusto kay Paco.Si Paco may gusto kay Isabelle.Si Isabelle naman may gusto sa iyo.Lakas makateleserye!"Napailing na lang ako sa winika niya.Kung tutuusin ay para nga kaming nasa isang pelikula o nobela. Hindi ko aakalain na uso pa rin pala hanggang ngayon ang mga ganitong love triangle.
"Hanggang ngayon nga hindi pa rin ako makapaniwala na sa akin may gusto si Isabelle."Sabi ko sabay kamot sa ulo. Ngayon ay alam ko na kung bakit iba ang turing niya sa akin kumpara sa iba pa naming kaibigan.I've always felt her special treatment towards me but the thought just never came to me.
"Ikaw lang naman ang hindi nakakapansin." Tugon sa akin ni Allen. Kung ganoon ay halata nila?Bakit hindi man lang nila sinabi sa akin?
"Matagal niyo nang alam?"Takang tanong ko.Masyado ba akong nakapokus kay Paco kaya nababalewala ko na ang mga tao sa paligid ko?Wala pa kasing nagkakagusto sa akin dati.At least not that I'm aware of.Masyado yata akong nakulangan sa ganitong klaseng karanasan kaya naging sobrang manhid ko na.
"Aba oo naman noh!Malakas ang radar ko pagdating sa mga ganyan." Pagmamalaki ni Allen sa kaniyang sarili. Napakagaling niya naman dumama.Siya rin ang unang nakatunog sa tunay kong sekswalidad eh.Hindi kaya mayroon siyang sixth sense?
"Basta sabihin mo lang sa akin kung naiistorbo ko na kayo ni Nikko ha?Pwede naman ako umalis kaagad" Paalala ko sa kaniya sabay tapik sa kaniyang tuhod. Though I wouldn't want that to happen but still, kung hindi na sila komportable ay ako na mismo ang magkukusang umalis.
"Parang may halong pangongonsensya iyan ah...pero anyways you're welcome naman dito.The more the merrier diba?" Tila nakampante ang loob ko.Mabuti nang ngayon pa lang alam ko na kung welcome ba ako rito o hindi kaysa naman nakikisiksik pa ako tapos naiilang na pala sila sa akin.
"Salamat..."Sabi ko sabay buntong hininga.Halos isang linggo na rin ang pamamalagi ko rito ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang susunod kong ihahakbang. Hindi ko magawang iharap muli ang sarili ko kay Paco kahit na siya ang may atraso sa akin.Tila dapat ko na lang kapalan ang mukha ko at makitira sa cabin na ito hanggang sa matapos ang termino ko sa kampo.
.............
Gamit ang hintuturo ay paulit-ulit kong tinapik ang lamesa habang nagpapalipas ng oras.Mag-isa akong nakatambay sa pwesto namin dito sa cafeteria sapagkat nakapila pa sila sa linya upang kumuha ng pagkain.Wala kasi akong gana kaya nauna na ako rito.Actually, hindi lang ngayon nangyari ito.Ilang araw na rin ako hindi palakain.Kung magkataon man ay talagang kaunti lang.Sa tuwing lalagpas ako sa limang subo ay nauumay na kaagad ako o hindi kaya ay naduduwal.
BINABASA MO ANG
Into The Wilderness (BxB)(BL)
RomantizmJulian Sarmiento has always been a happy go lucky kid.Though may pagka-introvert ito dahil lumaki itong isolated sa bahay. Sa kabila ng pagkakakulong sa apat na sulok ng bahay ay hindi ito naging hadlang upang mas makilala ni Julian ang sarili. Mala...