Chapter 41 ⛺

182 10 3
                                    

"Trees uphold an essential virtue in life. It is a symbol of hope knowing how a little sprout can turn into something significant. Kung ating pagmamasdan, napupuno ng mga nag-uusbungang puno, halaman at bulaklak ang buong La Tierra Firma. Isang pahiwatig lamang na ang pinakamaituturing nating kayamanan ay ang kalikasan." Nakatulala lang kaming lahat habang pinakikinggan ang talumpati ni Lara. May katuturan naman ang sinasabi niya ngunit hindi ko magawang ilaan nang buo ang aking sarili.

I'm actually anxious right now! Panay ang sulyap ko sa paligid habang tinitignan kung may nakakapansin ba sa akin. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin naglalaho ang mga marka ko sa katawan partikular na sa leeg. I thought it would vanish once I clean up but nothing changed! Kanina lang sinabi ni Paco na maari pala itong magtagal ng ilang araw o linggo.

I'm completely fine with it. Ok lang sa akin sapagkat pwede naman akong magkulong lang sa cabin hangga't hindi ito kumukupas. Everything was going great not until we received an announcement requiring us to gather here at the forest. Kung bakit ba naman sa dinami-daming pagkakataon na pwede akong lumabas ay ngayon pa talaga naisipan ni Lara magtawag ng pagtitipon?

Hinila ko ang tali ng aking suot para mas sumikip at maitago ang mga chismis. I decided to wear a hoodie since this is my most concealing outfit. Not to mention the turtleneck underneath this clothing. Mabuti na lamang at medyo mahangin kaya hindi ako masyado naiinitan. Kung hindi ay talagang aatakihin ako ng heatstroke dahil sa patong-patong na kasuotan.

"You're just raising suspicions, Julian..." Saway ni Paco nang makitang hindi ako mapakali sa kinatatayuan. Now that he mentioned it, I actually look like a child infested with worms due to uneasiness.

"Kasalanan mo kasi ito eh!" Tahimik kong singhal sa kaniya. Buong buhay ko ay nakilala ako ng mga tao bilang isang inosente at mahinhin na lalaki. Ano na lang ang sasabihin nila kapag nakitang may chikinini ako sa buong katawan? They will surely laugh and talk about me! Ayokong maging talk of the camp!

"Makinig na lang tayo kay Lara. Okay?" Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod na lamang sa kaniya. Minsan ay napapaisip tuloy ako kung sino ba talaga sa amin ang under sa relasyong ito. Siya ba o ako?

"It has been a tradition in this camp to bring forth a new lineage of life in the form of nature. Therefore, each tree present here is a statement of every generation's will to preserve this land..." Pinagmasdan ko ang mga naglalakihang puno sa kagubutan. Ibig ba sabihin lahat ng halaman dito ay galing pa sa mga ninuno at former campers ng kampo? That's some serious green thumb!

"Hindi natin maipagkakaila na sa loob na lamang ng isang buwan ay magkakahiwalay na tayo. Before that happens, I want you all to leave a piece of yourselves that will last here forever. Kaya naman ang activity natin sa araw na ito ay walang iba kung hindi ang pagtatanim!" Sabay-sabay naghiyawan ang mga tao dahil sa pagkasabik. The fear of having my hickeys exposed was replaced by excitement. Even I was persuaded to participate in this movement!

"You seem thrilled." Manghang wika ni Paco matapos akong magtatatalon sa kinatatayuan. Not only me but everyone seems to be looking forward to this. Siya lang ang hindi kumikibo at tila hindi interesado. Marahil ay naranasan niya nang magtanim dati kaya hindi na siya masyadong nasasabik ngayon.

"Syempre first time ko ito!" Ngayon pa lang ako makakaranas magtanim ng puno sa tanang buhay ko. Ang karaniwan ko lang kasing tinatanim dati ay mga monggo at noong elementary pa ako noon. I had no clue what I was doing so I had trouble maintaining them. Wala na akong maipagmamalaking achievement bukod sa pagpapausbong ng togue.

"Bago tayo magpatuloy sa ating gawain, ituturo ko muna sa inyo ang tamang proseso ng pagtatanim." Bumaba si Lara mula sa entablado saka nagtungo sa isang malawak na kalupaan. She wore a microphone headset and an amplifier to make sure that she's speaking audibly. To avoid compression, a live video is also being screened by the projector. Sa ganitong paraan ay makakanood ang lahat nang hindi kinakailangan magkagulo.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon