Chapter 58 ⛺

85 6 0
                                    

"Ikaw pa rin ang baby ko, ang baby ko..." Habang tinatahak ang daan pauwi ay nakarinig kami ng mistulang mga ingay. From the sound of it, the noise is definitely being amplified by microphone and speakers.

"At inaamin ko na nami-miss kita!" Kaakibat ng nalalapit na pagtungo sa cabin ay siya ring pagtindi ng lumalakas na tunog. It's seems that the cause of this disturbance is similarly located to our destination.

Pagdating namin sa hantungan ay hindi nga ako nabigo ng hinala. Kasalukuyang nakatambay sa B-49 ang barkada. Anong ginagawa nina Isabelle, Allen, Nikko, at Claire rito sa gawing dulo? Bakit dito sila sa katabing cabin namin tumatambay?

"Bakit niyo pinapakialamanan iyan?" Gulat kong tanong nang matanaw ang nakabukas na karaoke. Dito pala nanggagaling ang dumadagundong na tinig. "Hindi ba't kay Haruomi iyan?" The machine is a remnant of what's supposed to belong to our neighbor. Baka mamaya ay masira pa nila ito. Tiyak na kakailanganin naming magbayad nang malaki kapag nagkataon.

"Technically, hindi naman talaga ito kay Haruomi. Nirentahan niya lang ang karaoke at nagkataong hindi pa ito kinukuha ng may-ari kaya sa atin na ito. Bukod pa roon, panigurado namang papayag iyon kahit noong nandito pa siya sa kampo. Hindi naman madamot na tao si Haruomi." Paliwanag ni Nikko. May katuturan ang kaniyang katwiran ngunit may pangamba pa rin sa aking dibdib. Are they really certain with their capability to handle and operate this kind of machine? Nalulula kasi ako sa dami ng wires na nakapasak sa aparato. Isang maling galaw ay maaari itong masira o 'di kaya'y sumabog.

"Ipinaubaya niya na ito kay Lara noong umalis siya. Besides, nagpaalam naman kami kanina noh!" Dagdag ni Allen. Mangangalawang lang daw kasi ang makina kung hindi naman magagamit. It's better to make use of it during the caravan's duration.

"Mas matutuwa si Haruomi kung gagamitin natin ito at nang hindi masayang ang binayad niya." Singit ni Claire sa usapan. Hindi na siguro nagpahintulot ng refund ang may-ari kaya minabuti na lang ni Haruomi na iwan ito sa kampo hanggang sa pagwawakas ng fundraising event.

"If you put it that way..." Inaamin kong nagtagumpay sila sa paghikayat sa akin, pero paano ang mga kasama ko? Baka wala sila sa mood para makihalubilo gawa ng pagod.

"Maupo na kayo rito!" Tinapik ni Isabelle ang mga bakanteng monoblock upang yayain kami sa kanilang trip. Surely it would be fun but I'm not a good singer myself. Siguro'y makikinig na lang ako sa barkada.

"Sulitin na natin ito! Gagamitin daw kasi ni Lara ang karaoke pagpatak ng curfew." Paliwanag ni Nikko pagkaupo namin. Marahil pinayagan sila ng dalaga sapagkat may balak na talaga siyang gamitin ito noong una pa lang. Kumbaga pinaubaya niya lang ang makina sa barkada habang wala pa siya rito.

"Pwede bang makisali?" Tanong ni Ate Gladys sapagkat ang akala niya'y hanggang sa aming dalawa lang ni Paco ang paanyaya ng tropa.

"Opo naman!" Sabay-sabay nilang tugon. "Pakiabot nga ng upuan diyan. Bilis!" Taranta nilang binuhat ang iilang bangko patungo sa pamilya ni Paco. Dusts were thoroughly wiped off the chair. They even sprayed alcohol to exterminate the remaining microbes.

"Nako tama na iyan! Hindi naman kami ganoon kaselan." Saway ni Kuya Oliver sa labis na pagkusot nila sa uupuang silya. Akala yata ng mga ito ay mula sa maharlikang pamilya ang aming mga bisita na dapat pang pagsilbihan nang lubos.

"Mga kaibigan ko nga po pala..." Isa-isa kong pinakilala ang barkada kina Ate Gladys at Kuya Oliver. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong iharap sila sa pamilya ng nobyo ko. I hope they behave very well!

"Nice to meet you!" Malugod silang nagpalitan ng mga ngiti habang nagkakamayan. Marahil maliit lang agwat ng mga edad kung kaya't madaling nagkapalagayan ng loob.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon