Chapter 59 ⛺

92 4 1
                                    

"P-po?" Naging masakit ang paglunok ko sapagkat nagsisimula nang matuyo ang aking lalamunan. Kahit anong gawin ay wala na itong maipundar na laway. I kept clenching my throat but all of the salivary glands are ceased due to the tension.

"Ang sabi ko..." Huminto siya saglit bago inayos ang postura. "Do you have anything to tell me?" Kalmado lang ang boses ni Ate Gladys, but it was neither positive nor negative which made it even worse! Medyo alanganin pa naman ang salitang 'neutrality'. Hindi ko mabatid kung saan ko ilulugar ang aking sarili. Dapat ba akong makampante dahil tahimik lang siya o marapat na akong kabahan sapagkat maaring may iniisip siyang masama sa akin?

"May something in particular po ba kayong gustong malaman?" Maang maangan kong wika. Hindi ako mahusay sa pagsisinungaling subalit susubukan ko pa ring iwaksi ang pagdududa ng binibini.

"Wala naman, but I'm sensing that something is up. Feel free to disprove my instinct if I'm mistaken." She sounded so formal and composed. Tila nakikipagtalastasan ako sa isang tanyag na abogada.

"Kung tungkol po ito sa litrato ni Paco sa cellphone ko..." Iniyukom ko ang aking kamay upang doon ibaling ang kaba. "N-natalo niya po kasi ako sa pustahan kaya inutusan niya po akong gawing wallpaper ang picture niya. Tama, ganoon nga po!" I snapped my fingers trying to convince the woman in front of me. Inaamin kong hindi masyado kapani-paniwala ang acting ko pero posible naman ang rason ko, hindi ba?

"Is that right? Ang akala ko naman ay may gusto ka sa kapatid ko." Mahinhing tumawa si Ate Gladys saka tinakpan ang kaniyang bibig. How can she laugh after the intimidating aura she exerted? Pinaglalaruan lang ba ako ng ate ni Paco?

"Imposible po! Hinding-hindi po ako magkakagusto sa mokong na iyon!" Iwinasiwas ko ang aking sarili sa lahat ng direksyon para magmukhang nandidiri. A pint of guilt suddenly struck my heart. Wala rito si Paco pero paniguradong masasaktan iyon kapag narinig ang pag-deny ko sa kaniya.

"Is that so? Nako magtatampo iyon kapag nalamang itinanggi siya ng boyfriend niya." Nanlaki ang mata ko dahil sa tinuran ni Ate Gladys. ANO KAMO!? Did she say boyfriend? Tinusok ko ng hinliliit ang parehong tainga dahil baka natabunan lang ito ng agiw ngunit wala. I'm not deaf or anything. She just really used that term to describe our relationship!

"S-sinabi niya na po sa inyo!?" Nagtataka kong usisa. Umamin na ba si Paco tungkol sa aming relasyon? Kailan, saan, at sa papaanong paraan? Bakit hindi niya sinabi sa aking umamin na siya kay Ate Gladys? Pati ba si Kuya Oliver alam din ang ugnayan namin? Baka pati si Dion ay batid na rin? I'm literally going crazy right now!

"So totoo nga? Na mag-boyfriend kayo ni Paco?" Kumunot ang aking noo. Akala ko ba ay sinabi na sa kaniya ni Paco? Ano't parang unang beses lang narinig ni Ate Gladys ang balita? Ayon sa tono ng babae, parang kailangan ko pang kumpirmahin ito para sa kaniya. Tipsy pa siguro siya mula sa kagabi kaya hindi kami nagkakaintindihan nang matiwasay.

"Ha? Hindi niya po ba sinabi sa inyo?" Napahawak ako sa sintido nang magsimulang mahilo. Ano ba talaga ang nangyayari? My brain is not functioning well anymore! Does she know or not?

"Of course he didn't, silly!" Pumikit ako habang sinasaulo ang mga kaganapan. Simple lang pala subalit huli na nang mapagtanto ko ang ginagawa ni Ate Gladys. Sinusubukan niya lang kung aamin ako sa kaniya at ako naman itong si tanga na kumagat sa bitag! I was completely reckless! Papaano ko ito sasabihin ngayon sa nobyo ko na nagpabuking ako sa ate niya?

"Papaano niyo po nalaman?" I asked out of curiosity. Dalawa lang naman iyan. May nagsabi sa kaniya o kusa siyang kinutuban. "Nahalata niyo po ba kami?" All this time, nag-iingat kami ni Paco para huwag mahuli tapos malalaman kong balewala lang din ang mga paghihirap namin? Dapat ba ay tuluyan kaming huwag magkibuan at magpansinan para mas mukhang kumbinsido?

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon