Chapter 15 ⛺

349 17 0
                                    

Mahigit ilang oras na akong nakikipagtitigan sa kalangitan.Dahil sa labis na pagtingala ay nabantayan ko na ang bawat paggalaw ng araw.Base sa pwesto nito ay mga nasa alas-singko na ng hapon ngayon.Halos mapuno na ng luha ang aking mga mata dahil sa takot. Fear has fully replaced the pain in my body.Ayokong maabutan dito ng dilim sa kagubatan.

Hindi na rin ako makasigaw ng saklolo. Bukod kasi sa wala namang nakaririnig sa akin ay lalo lang akong namamaos. Nananakit na ang lalamunin ko dahil sa pagkikiskisan nito nang walang sapat na lubrication.Kahit kaunting laway nga lang ay hirap na akong makalikha.

Sinubukan ko ulit tignan ang cellphone ko pero sa kasamaang palad ay namatay na ang baterya nito.Sa kakabukas ko rito upang tignan kung may signal ay ngayon na ito tuluyang bumigay at na-lowbat.

Napayuko ako kasabay ng tuloy-tuloy na pagsinghap.Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaiyak dahil sa kawalan ng pag-asa.I reached for my left knee to support my face from crying.Pinipigilan ko ang sarili kong huwag maluha dahil lalo lang akong matutuyuan ng tubig sa katawan pero hindi ko na talaga mapigilan. Halo-halong lungkot, takot at sakit na ang bumubulabog sa pagkatao ko dahil sa aking sinasapit.

"Julian!?"Marahang umangat ang talukap ng aking mata dahil sa mga kamay na nakapatong sa balikat ko.Isang lalaki ang naaninag ko sa harapan.Kahit nakadilat ang mata ay malabo pa rin ang paningin ko gawa ng luha at panghihina. "Julian..." His voice coming from an inaudible state became clearer over time. Niyugyog ako nito kaunti upang mabalik sa katinuan.

"P-Paco..."Hindi ako maaaring magkamali. Sa araw-araw naming magkasamang nakatira sa loob ng cabin ay kabisado na ng ulo ko ang boses niya. I smiled at his presence.Hindi ko alam na darating ang araw na matutuwa akong makita siya.Hinila ko ang katawan niya saka sinunggaban ng mahigpit na yakap. Hindi naman ito nagreklamo.Bagkus ay hinimas nito ang ulo ko upang pakalmahin

Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos at pinakinggan niya ang dasal ko. Medyo nabigla lang ako dahil hindi ko inaasahan na si Paco ang makatatagpo sa akin pero sino ba naman ako para mamili pa diba? Wala na akong karapatan maging choosy. Mabuti nang siya kaysa naman sa wala.Ayoko pang mamatay noh!

"What happened to you!?Kanina ka pa namin lahat hinahanap."Kinalikot niya ang buong katawan ko upang tignan ang aking kalagayan."May mga sugat at galos ka rin.Kaya mo bang tumayo?"Ipinaikot niya kamay ko sa leeg niya saka inalalayan akong tumayo.

"Arghhh!Hindi ko kaya..."Muli akong bumagsak sa lupa habang dinadaing ang sakit ko sa katawan.Sa totoo lang hindi ko na alam kung saang parte ko itutuon ang sarili ko.I have body aches, scratches, bruises and swollen feet. Masyadong nagtulungan ang mga ito pahirapan at saktan ko.Napapaisip tuloy ako kung may galit ba sa akin ang mundo para pahirapan ako nang ganito.

"I'll just carry you."Nanlaki ang mata ko nang bigla niya na lang akong inangat sa ere. Napakapit tuloy ako sa kaniya para hindi mahulog."Huwag ka na mag-inarte. Malapit nang lumubog ang araw at nasa liblib na parte pa tayo ng gubat." Tumango na lang ako.Sabi ko nga hindi na ako magrereklamo eh.

Nagsimula na siya maglakad sa kagubatan. Malalaki ang hakbang nito ngunit maingat sa bawat galaw. Marahil ay isinasang-alang alang ang mga hinanakit ko sa katawan.Tsaka mahirap na kasing matisod at dalawa pa kaming mapapahamak.Bugbog na nga itong katawan ko sa sakit mababalibag pa ako sa lupa.

Iniwasan ko ang masyadong paglilikot. I avoided any possible movements to decrease my weight and remain light. Ang kapal naman kasi ng mukha ko kung magpapabigat pa ako nang sobra diba? Siya na ang gumagawa ng trabaho kaya ang tanging maitutulong ko lang ay ang manatiling tahimik.

Gusto ko sana magbukas ng topic dahil nilalamon na kami katahimikan ngunit ayoko siyang istorbohin. Nakararamdam din kasi ako ng matinding hiya.Ito na ang pangalawang beses na iniligtas niya ang buhay ko. Malamang sa malamang ay grabeng abala na naman ang naidulot ko sa kaniya.Noong huling sagip niya sa akin ay hindi naging maganda ang nangyari. He just scolded at me for being careless and made me feel worse about myself.Natatakot ako na baka isumbat niya ito sa akin in the near future.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon