Chapter 28 ⛺

286 25 2
                                    

Sinalo ko ang asul na pulseras mula sa ere saka muli itong hinagis paitaas. Patuloy ko itong ginawa habang nakatulala sa isang direksyon.It became a routine that my own body wasn't even aware of.

Madaling araw na ngunit hindi ko pa rin magawang ihimbing ang sarili ko. Parang dati ay kasing dali lang ng paghinga ang pagtulog para sa akin. I never even had the strength to stay up all night, but now it's exactly the opposite! Nasanay na sa ganito ang katawan ko at wala akong ideya kung papaano ko ito ihihinto o babaguhin.

Hinagisan ko ng tingin ang dalawang kasama ko rito sa cabin.Tulog na sina Allen at Nikko.Humihilik pa nga ang dalawa senyales ng mahimbing na pagkakatulog.Mabuti pa sila, madaling dalawin ng antok kaya nakapagpapahinga sa tamang oras. Samantalang ako na bihirang makatulog ay laging gising ang diwa.Kung tutuusin ay maaari na akong maging substitute ng mga adik o tarsier sa sobrang pagiging dilat.

Kinamot ko ang aking ulo at napapikit. Tone-toneladang paksa na naman ang pumapasok sa utak ko. I'm starting to overthink again!Kahit anong nais ko na pigilan ito ay tila kusa itong umuusbong sa akin lalo na sa mga ganitong oras ng katahimikan.

My initial goal was to meditate which was supposed to be a healthy process that cleanses and detoxifies one's soul and mind. Gamay ko ito noong una ngunit masyado na yata akong nababad sa sariling kaisipan to the point na hindi ko na ito nakokontrol. It should only be a phase but I eventually made it a habit, leading to overthinking. Akala ko pa naman ay makabubuti ito para sa akin pero habang tumatagal ay naaapektuhan na nito ang kalusugan ko.Hindi na ako nakakapag-isip nang maayos, kulang ako lagi sa tulog, nalilipasan ako ng gutom, lahat na!

Naisip ko tuloy na wala ring saysay ang pananatili ko sa cabin ng iba kung si Paco pa rin naman ang laman ng isip ko. Araw-gabi ay siya ang sinisigaw ng buo kong pagkatao. I admit that I miss him a lot! Epekto rin siguro ito ng pangungulila kung bakit nagkakaganito ako.

Pinagmasdan ko ang personalized bracelet na iniregalo ko kay Paco. Ito talaga ang dahilan kung bakit hindi mapakali kakaisip ang utak ko.Bakit kaya hindi niya ito hinubad?Does he really like it that much?

Sa kabila ng naging away namin ay hindi pa ba sapat iyon upang waksiin niya ang ibinigay ko sa kaniya?Kung talagang kinamumuhian niya ako nang sobra ay matagal niya na itong tinapon ngunit hindi niya ito ginawa.

Maybe he wasn't really angry with me?Baka naman nadala lang si Paco ng emosyon niya kaya matalim ito kung magsalita noong gabing iyon.People can really be foul when they're angry but that doesn't always mean they mean it.

Habang nag-iisip ay isang teorya ang nangibabaw sa aking kamalayan.Hindi kaya ang dahilan kung bakit suot-suot niya pa rin ito ay sa kaibuturan ng puso niya, mas mahalaga pa rin ang aming pagkakaibigan?That can be true!

"Tama na, Julian..."Iniling ko ang mga gawa-gawang suhestiyon ng aking utak. Hindi ko na dapat pang paasahin ang sarili ko sa mga imposibleng bagay. Lalo ko lang inilulubog ang sarili ko sa kumunoy ng pasakit na hirap na akong ahunin.

Tumayo ako saka nilapitan ang basurahan sa gilid.The only way to truly move on is to let go of my attachments to him.Mahirap pero isa itong sa mga daan na kailangan kong tahakin upang tuluyang maghilom.

Itinapat ko ang kamay ko sa itaas nito at akmang bibitawan na ang pulseras.I bit my lip as I struggle to drop the bracelet into the bin.Nanginginig ang aking katawan sa pagdadalawang-isip. Desidido na ako sa gagawin ko kanina pero bakit parang may pumipigil sa akin?

Pumikit ako sapagkat baka magawa ko na ito nang hindi tumitingin pero kabaligtaran lang ang nangyari. Tila larawan ni Paco ang sumulpot sa aking kaisipan.Nakangiti ito sa akin at mukhang masayang-masaya. Suddenly, all of my memories with him started to play like a film on my mind.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon