Chapter 57 ⛺

144 9 4
                                    

Naging sanhi ng pagmulat ko ang mga brasong pumupulupot sa aking katawan. From the ray of sunlight striking through our windows, the only thing crossing my mind is that it's morning already.

"Mmm..." Halinghing ko nang lapatan ni Paco ng mga pinong halik ang aking leeg. "B-baka makita tayo ng bata." Bulong ko habang tinutulak palayo ang binata. Pumayag akong magpayapos sapagkat ang akala ko ay lambing lang ang hangad niya. Round two pala!

"You're worried about being caught? Kagabi lang ay game na game ka pa." What we did last night was risky enough! Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan namin at pareho kaming nagpadala sa tukso ni Paco. Masarap sa pakiramdam pero ngayong nakapagparaos na ay lubusan akong natauhan. Papaano na lang kung nagising si Dion at naabutan kami sa ganoong tagpo? Any sexual matter is not something for a child to witness.

"For your information, kagabi iyon. Umaga na ngayon, Paco!" Madaling magtago sapagkat madilim at nakatalukbong kami ng kumot, pero ngayong sikat na sikat ang araw ay paniguradong mahuhuli kami kaagad. Wala akong balak bigyan ng kahihiyan ang sarili ko!

"We're just cuddling, Julian. Hindi ba normal sa magkakaibigan ang ganitong gawain? Hmm, friend?" Pilyong saad ni Paco saka sininghot ang bawat parte ng aking katawan. Maging ang kili kili at kasuluk-sulukan ko ay hindi niya pinalampas. Every inch of my skin is still sensitive from the fiery intercourse we had. Hence, any physical contact whether gentle or aggressive instantly tickles me.

"N-nakikiliti ako!" Sumingit ang malalakas na halakhak kasabay ng aking pagkislot. Para akong bulateng inasinan dahil sa labis na ngisay. "Kailangan na natin bumangon." Turan ko sa nobyo nang masilayan ang orasan. Malapit na naman magtanghali at wala pa kaming nauumpisahan kahit ni isang gawain.

"Whatever you say." Mabilis na sumuko si Paco saka binagsak ang katawan sa kama. Ako ang halos malagutan ng hininga sa sobrang kiliti tapos siya pa ang may karapatang hingalin?

"Huwag ka nang matulog! Pagkatapos ko magbanyo ay ikaw naman ang susunod." Marahan kong hinampas ang binti ng binata nang makitang pumipikit pa ang kaniyang mga talukap. Siguradong hihilik na naman ito sa oras na malingat ako saglit.

"I'm not sleeping! Ipinipikit ko lang ang mga mata ko." Paliwanag ni Paco saka pinailalim ang magkabilang kamay sa ulo. Yeah right! Hindi niya na ako malilinlang sa mga palusot niya.

"Siguraduhin mo lang ah!" Kumapit ako sa mga malapit na muwebles upang suportahan ang pagtayo ko. Medyo namamanhid pa kasi ang ibang parte ng aking katawan. It's been a while since we did that so it completely feels like the first time.

Huminto muna ako sandali matapos tumayo nang tuwid. Bahagya pang nanginginig ang aking mga tuhod kaya dapat kong paghandaan ang mga susunod na hakbang. I need to compose myself first. Otherwise, I would unhesitantly fall onto the ground.

"P-paco..." My throat instantly swallowed a mouthful of saliva after seeing a supposedly occupied yet vacant bed. Nawala ang iniinda kong sakit ngunit napalitan ito ng labis na pangamba. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin ukol sa kasalukuyan kong pinagmamasdan. Tiyak na malaking suliranin ito kung tama nga ako ng hinala.

"Bakit, Julian? You need help?" Maamo nitong tanong at akmang aalalayan ako sa paglakad. Mabuti nga sana kung ito lang ang dinadaing ko subalit mas mabigat pa ito kumpara sa inaasahan.

"Nasaan si Dion?" Nanginginig kong tinuro ang bakanteng kama. Tanging mga laruan na lang ang nandoon. Pati si Summer ay nasa kulungan na rin niya. Not to mention that the sheets are fully tucked already. It's as if she was really decided to leave the bed. Hindi niya naman aayusin nang sobra ang higaan kung pupunta lang siya saglit sa banyo para umihi o maghugas.

"Fuck!" Malutong na mura ni Paco saka kumilos para hanapin ang paslit. "Dion?" Pinihit niya ang pinto ng banyo at ginalugad ang loob nito. A combination of fear, distress, and worry are all battling in his face . Pamangkin ba naman ang nawawala ay talagang matataranta ang buong pagkatao niya.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon