Chapter 50 ⛺

137 9 0
                                    

"Mali ka ng iniisip!" An adrenaline rushed through my veins, making it possible for me to swiftly fill up the scene. Kahit dinadaing ang namamagang daliri ay pinilit ko itong tiisin para lang mapigilan ang nangyayaring kaguluhan.

"Ako nga na boyfriend niya hindi siya pinapahirapan samantalang ikaw..." Hasik ni Paco habang umiigting ang panga. Umuusok na ang ilong niya sa sobrang galit ngunit hindi ko alam kung papaano ko ito maaapula.

"Walang may gustong masaktan si Julian. Aksidente ang nangyari pare." Nanatiling kalmado si Haruomi sa kabila ng mahigpit na pagkakakwelyo sa kaniya ni Paco. Isn't he scared at all? Daig niya pa ako na halos atakihin na ngayon sa kaba.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin iyan!" Kaagad akong nataranta nang mapansin ang biglaang pagliyad ni Haruomi mula sa lupa. He was still lifted like nothing despite the toned build of his body. This is getting out of hand. Kailangan ko nang pumagitan bago pa magkasakitan ang dalawa. 

"Bitiwan mo na siya, Paco. Kasalanan ko naman talaga eh." Mabilis kong tinapik ang braso niya dahil nasasakal na si Haruomi. Bukod sa pagiging tahimik nito, ang isa ko pang ipinagtataka ay kung bakit parang hinahayaan niya lang ito? I'm sure he's more than capable of breaking himself out of his grip.

"Hindi mo siya kailangan pagtakpan, Julian." Kahit anong pakiusap ay nanaig pa rin ang katigasan ng kaniyang ulo. Sumenyas ako kay Haruomi upang bigyan siya ng pahintulot lumaban. Hindi ako magagalit kung ipagtatanggol niya ang kaniyang sarili sapagkat wala naman siyang ginagawang mali. It's a matter of self-defense.

"Ack..." Sa halip na pumiglas ay umiling lang sa akin ang lalaki. Why wouldn't he defend himself? Papayag na lang ba itong magpaapi kahit alam naming pareho na inosente siya?

"Paco pakawalan mo siya! Nasasaktan na si Haruomi!" Bigla na lamang natauhan ang nobyo matapos marinig ang nakabibingi kong sigaw. Mula sa pagkakaangat ay sinalo ko si Haruomi bago tuluyang bumagsak sa sahig.

"Cough...cough..." Sunod-sunod ang naging pag-ubo niya dahil sa matagal na pagkakasakal. I kept rubbing his back to smoothen the airflow in his body. Hindi ko maiwasang makonsensya habang pinagmamasdan ang namumulang balat ni Haruomi.

"Ok ka lang ba?" Napangiwi ako sa naiwika. What a stupid question! Malamang hindi! Ako kaya ang sakalin hanggang sa malagutan ng hininga? Syempre hindi ako magiging okay. "What I mean is anong nararamdaman mo?" Pagkonsulta ko sa kondisyon ni Haruomi. The main reason for this commotion is me so I'm partly to blame. Hindi sana kami aabot sa ganito kung nakinig lamang ako at hindi nangialam.

"Ayos naman..." Hingal pa rin ang pananalita subalit paunti-unti nang bumabalik ang lakas ng katawan. His vital signs also stabilized bit by bit as his pulse slowly regain strength.

"Kaya mo bang tumayo?" Inalalayan ko si Haruomi hanggang sa tuluyang maglaho ang panghihina niya. I grabbed his water to let him drink and freshen up first. Hindi ko mawari kung papaano siya titignan nang diretso sapagkat dala-dala ko sa sarili ang naidulot na kahihiyan ng aking katipan.

"S-Sorry..." Matamlay na paghihingi ng paumanhin ni Paco. Mukhang nahimasmasan na ito ngunit mariin ko pa rin siyang pinanlisikan ng mata. Sa tingin niya ba ay mababawi ng simpleng 'sorry' ang ginawa niyang kasalanan? What he did was beyond unacceptable. Kahit boyfriend ko siya ay hinding-hindi ko ito palalampasin!

"Magpahinga ka na muna, Haruomi." Sinamahan ko ang binata papunta sa sarili niyang cabin. It's a good thing that no one witnessed the scene. Otherwise, it would be troublesome for the three of us. Ako na lang ang susubok umayos ng aming suliranin kaysa makarating pa ito kay Lara.

"I'll be fine! Don't worry about me, Julian." Paninigurado nito bago magkulong sa loob ng naturang lungga. After all that, he still managed to smile which only buried my conscience even more.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon