Chapter 60 ⛺

114 7 3
                                    

"Sigurado ka bang dito ka lang sa amin? Baka mainip ka." Pinasadahan ko ng suklay ang malambot na buhok ni Dion. Kasalukuyan siyang nakakandong sa aking hita habang sinasamahan kami ni Paco sa pangangasiwa ng bake sale. May inaasikaso kasi sina Ate Gladys at Kuya Oliver kaya walang mapag-iiwan ng bata.

"As long as kasama ko po kayo ni Tito Paco, never po akong mabo-bored!" Sabi ng paslit na punong-puno ng enerhiya. She even bounced on my lap which caused our balance to waver a little.

"Ako nang bahala rito, Julian. Bantayan mo na lang si Dion." Lingon sa amin ni Paco. Tila may kislap sa kaniyang mga mata habang pinagmamasdan kaming dalawa. Marahil ay natutuwang kasundo ko ang pinakamamahal niyang pamangkin.

"Sige!" Kaagad akong pumayag dahil nangangalay na ang paa ko kakatayo. Kanina pa ako kumikilos mula umaga hanggang tanghali. Hapon na ngayon! Wala naman sigurong masama kung ipauubaya ko na ito sa nobyo. Tutal kakaunti na lang ang mga natitira naming produkto. He can surely handle this on his own.

Inabot ko ang bag ng bata saka kinuha ang suklay. Wala ako sa wisyo upang kalikutin ang cellphone kaya sa paslit ko na lamang itutuon ang sarili. This will also serve as our bonding time.

Nanatiling nakakandong sa akin si Dion habang sinusuklay ko ang buhok niya. The child is well behaved, making it easier to groom her hair down to the thinnest strand.

"Do you know how to braid hair, Kuya Julian?" Tanong niya sa akin nang hindi lumilingon. Mahilig din pala siya magpatali ng buhok kung gayon.

"Hindi masyado, pero pwede ko namang subukan kung gusto mo." Inaamin kong hindi ako magaling sa pag-aayos ng buhok. Hair grooming in general is really not my forte. Mas sanay ako sa mga ganitong simpleng pagsuklay at paghawi lang. Ni hindi pa nga ako nakakagamit ng wax o gel sa tanang buhay ko. What more with dealing women's hair?

"Yes please!" She then picked several pieces of scrunchies, rubber bands, and hair clips from her backpack. Iba-iba ang desinyo at hugis ng mga ito. I'm just not certain which of these am I suppose to use.

"Here goes nothing..." Dumakot ako ng kakarampot na hibla saka hinati ito sa tatlo. Simpleng tirintas na lang ang aking gagawin. Iyon lang kasi ang batid ko sapagkat malimit ko itong nakikita sa mga babaeng kaklase noong elementary at high school. Who knows? I might get a beginner's luck and get this done in an instant.

Sinimulan kong ayusin ang buhok ng bata. Kaakibat ng pananahimik ay ang matinding konsentrasyon. Nakakatakot kasing magkamali at baka masaktan ko si Dion. Taliwas man sa pagiging bihasa, hindi ko nais na ito ang una at huling beses niyang magpapatali ng buhok sa akin.

Panay ang iling ko habang nasa likuran ng paslit. I wasn't able to count how many times I had to restart at the beginning. May mga pagkakataong sumasabit ang daliri ko sa buhok kaya nagugulo ang tirintas. Pilit ko na lamang hinahabaan ang pasensya ko dahil kay Dion.

Phew!

Tying a basic braid is clearly not as easy as it looks! Mabilis akong mawala sa momentum kaya lagi kong nakakalimutan ang susunod na gagawin. Ang hirap pang hawakan ng buhok niya sapagkat dumudulas ito sa aking palad.

Halinhinan ang pagbuhol ko sa buhok ni Dion hanggang sa maabot ang dulo nito. Nahirapan ako sa bandang pagtali dahil madaling lumuwag ang tirintas. One wrong move and I would have to start all over again.

"All done!" Lumayo ako para pagmasdan ang kabuuan ng aking likha. It may not be perfect but at least it's presentable! Binawi ko na lang sa dami ng hair pins para magmukhang maayos

Hinintay ko ang magiging reaksyon ni Dion ngunit hindi niya ako nagawang pansinin. The young girl just remained quiet while sitting over my lap. Hindi niya ba nagustuhan? Pwede ko naman ulitin kung napapangitan siya.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon