Chapter 25 ⛺

290 24 2
                                    

Lagatak ang pawis ko paglabas mula sa banyo. Hinang-hina ang aking sistema dahil sa nagawang milagro kani-kanina lamang.Halos pabagsak na rin ang katawan ko ngunit tinitiis ko na lang ang pangangatog ng aking mga binti.My eyelids started to become heavier over time.Sa tingin ko ay kakailanganin ko munang umidlip upang makabawi ng lakas.

Sa muling paghakbang ko sa kwarto ay naabutan kong nakabihis na si Paco. He's actually standing in front of the mirror while combing his hair.Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang kausapin ngayon. Matapos ba naman ng pagsasarili ko sa banyo ay talagang makararamdam ako ng hiya lalo na't siya ang nasa isipan ko sa mga sandaling iyon.

Naupo ako sa kama saka nagmuni-muni. Iba talaga ang pagsisisi sa tuwing gagawin ko ito.It's like I'm questioning my own worth and existence.Hindi ko inaasahang bibigay ako nang ganoon kadali sa tukso.Ipinapangako ko sa aking sarili na ito na ang huli.This will be the last time that I'll ever think of that. Respeto ko na lang ito kay Paco pati na rin sa aking sarili.

"Good morning! Alam mo ba kung bakit ako nasa kama mo? I really can't remember anything." Tanong sa akin ni Paco matapos niyang mag-ayos sa salamin. Casual na casual ang boses nito sa akin at mukhang wala ngang naaalala tungkol sa mga ginawa at sinabi ko kagabi.That is a good thing!At least nabawasan na ang mga inaalala ko. Malaking pasasalamat na lang sa alak at nabura nito ang mga memorya niya.

"Dito ka na kasi bumagsak kagabi.Ililipat sana kita kaso ang bigat mo, pero ok lang!Ako na lang ang natulog sa kama mo."Ngiti kong sabi sa kaniya para mas kapani-paniwala.I have no other choice but to lie.Ano na lang ang iisipin ni Paco kapag nalaman niyang magkatabi kaming natulog?Buti nga sana kung magkatabi lang talaga ngunit hindi. Grabe ako kung makayapos sa kaniya.I was clinging on him like he is my husband or something!Masyado akong nadala ng bugso ng damdamin kung kaya't nagawa ko iyon.Mabuti na nga lang at maaga akong nagising.Kung hindi pa ako nakahiwalay at nakatayo kaagad ay baka naabutan niya pa kami sa ganoong sitwasyon.

"Sorry if I disrupted you or anything..." Nahihiya nitong paumanhin sa akin. He didn't have to apologize.Pabor pa nga iyon sa akin kung tutuusin.Isa sa pinakamahimbing na tulog ang nakamtam ko kagabi dahil sa kaniya.

"Nako wala iyon!Hindi ka naman mahirap alagaan."Mungkahi ko upang maibsan ang hiya niya sa akin.Totoo namang madali asikasuhin si Paco.Hindi niya ako pinahirapan sapagkat nanatili lang itong kalmado at tahimik kagabi. Hindi rin siya nagsuka kaya wala akong nilinis na kahit na anong kalat."Kung gusto mo humingi ng tawad doon ka mag-sorry kay Allen.Binuhat ka niya mula sa cabin ng mga babae hanggang dito."Paliwanag ko kay Paco.I can't imagine the weight that Allen had to endure in order to bring him here. Napakabigat ni Paco ngunit nakaya niyang akayain ito pabalik dito sa cabin namin.Kung ako siguro iyon ay baka hinayaan ko na lang siyang nakaratay sa daanan.

"Sige babawi na lang ako sa kaniya mamaya."Tumapat siya sa aircon at pumikit.Mukhang mainit pa rin ang pakiramdam niya kung kaya't nagpapalamig ito sa hangin.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tumayo ako sa kama at lumapit sa kaniya. Syempre ay nag-aalala pa rin ako sa kalagayan niya.I can't bring myself to feel at ease if he's still going through something.

"Medyo nahihilo pa rin ako.Though it's better compared to last night."Napatango ako sa sinabi niya.Better is a good answer! Mapapanatag na ako kahit papaano.Hinimas ko ang aking balikat dahil sa lamig.Giniginaw na tuloy ako sapagkat pati ako ay nakatutok sa aircon.

"Kung ganoon ay magpahinga ka na muna.Ikaw kasi iinom-inom ka hindi mo naman pala kaya."Sermon ko sa kaniya. Hindi niya kasi dapat abusuhin ang kalusugan niya.Papaano kung magkasakit siya bigla sa atay?Masamang kalakihan niya ang mga ganitong bagay. Kahit na sabihing paminsan-minsan lang ay maaari pa rin itong magbunga ng mga masasamang epekto sa katawan niya.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon