"Grabe ang sakit ng likod ko!"Binagsak ko ang aking katawan sa malambot na kama.Pagod na pagod ako mula sa alis namin ni Paco.Parang gusto ko na lang matulog dahil napupuno ng ngalay at pagkamanhid ang buong sistema ko.Sa haba ba naman ng nilakad namin sa bayan ay talagang inasahan ko na ang ganitong sitwasyon pagbalik dito sa kampo.Still it was all worth it!Sobra akong nag-enjoy sa araw na ito.We also managed to go back before dawn kaya hindi kami pinagalitan ni Lara.
Nagsimulang mamungay ang aking mga mata.Lumalabo na naman ang paningin ko bilang senyales ng pagkaantok. Nahimbing kasi ang pakiramdam ko dahil sa pagdaplis ng malamig na simoy ng aircon.Sa kabila ng mga namimigat na pilikmita ay pinilit kong gisingin ang aking diwa.It's only 6 in the evening and I can't afford to mess with my body clock again.
Bago pa man ako makatulog ay pinilit ko nang tumayo.Maliligo na lang ako para mawala ang antok ko.Maaga pa kasi talaga ngayon at ayokong magising mamayang madaling araw.Paniguradong sira na naman ang sleeping schedule ko kapag nagkataon. Sakto ay nalalagkitan na ako sa sarili ko gawa ng pawis kaya dapat ay magtungo na nga ako sa banyo.
"Maliligo ka na?"Pigil sa akin ni Paco bago ko pa man mapihit ang pinto ng cr.
Akala ko ay tulog na siya.Halata kasi ang pagod sa itsura nito.Usually ay nagpapahinga siya tuwing hapon at hindi niya iyon nagawa kanina dahil nasa bayan kami.He should rest first! Madisiplina naman siya sa katawan kaya hindi madaling masisira ang tulog niya."Gusto mo bang mauna?"Alok ko sa kaniya saka umalis sa entrada ng banyo. Kung balak niyang maligo ay handa akong magpaubaya.Tutal ay siya naman ang napagod sa pagmamaneho at paglilibot sa akin sa bayan.Sa isang banda lang ay nangangamba ako sapagkat baka mapasma siya.
"Kahit mamaya na Julian.Ibibigay ko lang sa iyo ito."Inabot niya sa akin ang isang pamilyar na paperbag.Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang bitbit niya noong papauwi na kami sa kampo."Ayokong ibabalik mo sa'kin ito kaya tanggapin mo na lang..."Nilapag niya ito sa kama ko. Habang pinagmamasdan ko ang binigay niya ay lumabas na siya sa cabin. Magpapahangin yata.Hindi man lang ako nakapagpasalamat.
"Ano ba ito?"Dinampot ko ang paperbag saka inalog ito nang marahan.Walang tunog na nagmula rito ngunit dama kong may kabigatan ang laman nito.Pinisil ko ito pero lumubog lang ang mga daliri ko sa lambot ng nasa paperbag. Ano ba itong binigay niya?Unan?
Out of curiosity, I immediately ripped the packaging. Tinanggal ko agad ang mga scotch tape na nakapaligid dito.Mabuti na lamang at hindi na rin ito tinadtad ng stapler kaya madali kong nabuksan.
Dinakma ko ang laman ng paperbag saka hinila ito pataas...
Kaagad na lumaki ang mga mata ko nang muli kong makita ang kanina lang na pinanghihinayangan kong laruan.It's the koala bear stuffed toy that I wanted so much to pair with my giraffe!
Tumaas ang paningin ko sa pintuan na nilabasan ni Paco.Bakit niya kaya ito binili para sa akin? Sinabi ko na sa kaniyang ayoko siya pagastusin sapagkat hindi naman ito ganon kaimportante sa akin. Yes I wanted this toy so bad but not to the extent that I'll let him buy it for me.Daig ko pa ang nililigawan niya dahil dalawang stuffed toy na ang natatanggap ko sa kaniya.Itong Koala Bear at ang Giraffe na kinuha ko nung nakaraan.
Kaya pala parang hindi siya mapakali kanina sa byahe sapagkat mayroon siyang pinaplanong ganito.Dito niya pa sa kampo binigay sa akin ang regalo para siguradong hindi ko na ito maibabalik sa tindahan.He knows me well I'll give him that!Talagang isasauli ko kasi ito kapag sa bayan niya ito inabot sa akin.3k kaya ito!Wala akong kakapalan ng mukha na taglay para tumanggap ng ganito kamahal na bagay.
Now I know kung bakit ito natagalan magbanyo kanina.Dahil bumalik pa siya sa tindahan upang mabili ito.No wonder I waited that long!Napakalayo ng distansya mula sa cafe na ininuman namin hanggang sa toy store na nagtitinda nito.
BINABASA MO ANG
Into The Wilderness (BxB)(BL)
RomantizmJulian Sarmiento has always been a happy go lucky kid.Though may pagka-introvert ito dahil lumaki itong isolated sa bahay. Sa kabila ng pagkakakulong sa apat na sulok ng bahay ay hindi ito naging hadlang upang mas makilala ni Julian ang sarili. Mala...