Chapter 45 ⛺

148 11 2
                                    

"Yahooo!" Tinakpan ko ang aking mga tainga upang maharangan ang nakabibinging sigawan. Kanina pa nag-umpisa ang laro at kanina pa rin nagsisitilian ang mga nasa gilid ko. It's nice to have a supportive and competitive environment in events of friendly sports like this. However, not all audiences can vibe with the hype. Tulad ko ay mas napagtutuunan ko ang laro kapag tahimik na nanonood.

"Ang galing niyong tumira! Ako naman next, Charot!" Katabi ko sina Allen at Claire kaya ako ang napapagitnaan ng maiingay na ito. Hindi ko sila masisisi sapagkat may kaniya-kaniya silang sinusuportahan. Claire's rooting for her boyfriend while Allen's cheering for his crush.

Nahahati nga pala sa dalawang kulay ang bawat koponan. Isang asul at isang dilaw. Kabilang sa blue team sina Nikko at Haruomi. Sadly, nahuli ng pagsali si Paco kaya napunta siya sa yellow team.  Magkakaiba tuloy kami ng pinapanigan. Parehong blue team sina Allen at Claire samantalang ako lang ang may gusto sa yellow team. Sandali, sino kaya ang pinapaboran ni Isabelle?

"Sino sa tingin mo ang mananalo?" Lumisan ako sa pwesto upang tabihan si Isabelle. Nag-iisa lang kasi siya sa back row sapagkat lumipat na ang lahat sa harapan. Plus, I also need a break from the crowd. Bakit kaya ayaw nila rito sa likuran gayong mas malawak nga ang tanawin dito?

"Hindi sa pagiging biased pero mukhang yellow team ang sure win." She pointed at the scoreboard where it displays 27-69. Malaki ang lamang ng grupo ni Paco kumpara sa kalaban. It's something that was already anticipated so we're not really surprised of the results. Medyo maganda kasi ang lineup ng yellow team. Bawing-bawi sila sa physique na siyang mainam para sa offense at defense. On the contrary, hindi man nabiyayaan ng malaking pangangatawan ang blue team ay bumawi naman sila sa teamwork at coordination. Hindi malayong mabawi nila ito katagalan.

"Sana nga..." Todo suporta ako sa nobyo ngunit ayokong magsalita nang tapos. We're only at the first phasing of the game. Marami pa ang pwedeng mangyari sa second half. Mahirap na at baka mabati ko pa ang laro.

Pffrttt!!!

Sumipol ang isang camper na mistulang referee ng laro. After the clock ran out of time, he weaved a hand sign to officially end the second quarter. Halftime na pala kung ganoon!

"Saglit lang ah! Babalikan kita, Isabelle..." Paalam ko sabay tungo sa harapan. Muntik pa nga ako matisod kakamadali pero kailangan kong mag-apura dahil mabilis lang ang pagitan ng bawat yugto ng laro.

Sinalubong ko ang namamawis kong nobyo sa waiting bench habang hawak-hawak ang dalang tubig at bimpo. As his boyfriend, no one is suitable to attend to him more than me. It's not totally my duty but providing him my service somehow became a habit. Hindi lang ngayong naglalaro siya ng basketball pero nais ko rin siyang pagsilbihan sa lahat ng bagay.

"Uminom ka muna, Paco." Ako na mismo ang nagbukas ng bote para tutunggain niya lang ito pagkakuha. Sinigurado kong malamig ito para mapreskuhan ang sistema niya. Pangit naman kung mainit na ang panahon tapos mainit pa ang tubig. Hence, a cold and icy water is the best choice for refreshment!

"Salamat, Julian." He thanked me before drinking the whole bottled water. Uhaw na uhaw siguro siya gawa ng pagod. Marami rin kasing nilabas na pawis at init ang katawan niya kaya dapat itong mabawi sa pamamagitan ng pag-inom.

Walang pagbabagal ay sinunod kong asikasuhin ang namamasang katawan ni Paco. Pinasadahan ko ng bimpo ang kaniyang likod, braso, mukha pati na rin ang kilikili sapagkat naglalawa ito sa pawis.

"Ok ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong nang mapansin ang labis na paghingal ng binata. Ipinatong ko ang palad sa dibdib niya para tuluyang damhin . Even his heart surpasses the normal pump rate.

"Baka pagod lang?" Tipid niyang sagot. Marahil normal talaga ang hingalin sa larangan ng sports. Idagdag pa ang nakapapagod niyang posisyon sa laro. Sa pagkakaalam ko kasi ay si Paco ang shooting guard ng yellow team. Ito ang main shooter na responsable sa pag-score para sa team. Perhaps he overdid the running and shooting which later on exhausted himself.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon