Chapter 63 ⛺

117 9 2
                                    

Muli kong pinagmasdan ang likuran ng panauhin. Nanay ba talaga ni Paco ang ginang na ito? Napatigil tuloy ako sa paglisan at mas piniling makinig sa usapan nila.

"Hindi mo pa ako sinasagot. Nasaan ang anak ko?" Muli niyang sambit na siyang nagpatunay sa aking kutob. She really is his mother! Come to think of it, they may not look exactly alike but they have the same intimidating aura. Kahit noong unang tagpo namin ni Paco ay hindi kami nagkasundo agad. Who knows, baka mabait pala ang mama niya.

"He's most probably at his cabin, Tita Miranda. Ipatawag ko po ba siya?" Suhestiyon na Lara saka dinampot ang telepono. Hinintay niya muna ang tugon ng ginang bago pindutin ang mga numero.

"That's completely unnecessary. Ako na ang pupunta sa kaniya." Wika ng bisita at inayos ang bitbit na handbag. Malayo sa pagiging pamilyar ang tatak nito subalit tiyak na mamahalin ang naturang kagamitan.

"Pwede ko po kayong samahan kung gusto niyo!" Magalang kong paanyaya. Sakto at pabalik na rin ako sa cabin. Wala naman sigurong masama kung isasama ko ang ina ng nobyo.

"You still dare to eavesdrop in our conversation. Wala ka ba talagang modo?" Natikom ang bibig ko nang muling mapuna ng ginang ang aking presensya. Nabastusan ba siya sa pagsingit ko? Hindi ko naman intensyon ang sumabat at makialam. I was just trying to offer some help dahil mukhang may inaasikaso rin si Lara.

"I'm sure he didn't mean it that way, tita. Sa katunayan, roommates po sila ni Paco. He must've felt the urge to stay after hearing his friend's name." Paliwanag ni Lara upang ipagtanggol ako. Nakadagdag pa tuloy ako sa isipin niya. I should've left that instant!

"And yet ngayon niyo lang naisipan banggitin iyan? We could've finished our business earlier instead of wasting time." Jeez, she sure is a hefty woman! Kapag siya ang naging magulang ko ay paniguradong nabaliw at nasiraan na ako ng bait. Wait, what am I saying? Nanay iyan ni Paco! I have to be patient with her to the utmost level!

Click!

"Anong ibig mong sabihin dito sa text... MA!?" Gulat na bungad ni Ate Gladys pagkapasok sa opisina. She covered her mouth due to shock while constantly looking at her mother. Lara must've called upon them for assistance.

"M-mom, what are you doing here?" Sa kabila ng pagkabigla, mabilis na lumapit si Kuya Oliver sa ina upang gawaran ito ng halik sa pisngi. Mula sa reaksyon ng magkapatid, wala ni isa sa kanila ang inaasahang madatnan dito ang ginang.

"I just wanted to see how my children are doing. Bakit, hindi ba ako welcome rito?" Tumayo na ang ginang saka pinagpag ang sarili. Even the way she stood up was filled with grace and elegance.

"Wala naman kaming sinasabing ganoon, but you could've given us a heads-up. Hindi yung bigla na lang po kayong susulpot dito. At least let us prepare." Sunod na lumapit si Ate Gladys para halikan naman ang kabilang pisngi ng magulang.

"Oh please, prepare? Sweetheart, I am your mother. Pwede ko kayong puntahan kahit kailan ko gusto. Besides, papaano ko kayo maaabisuhan, none of you are within reach." Ngayong nabanggit niya ito, may ilang beses ko na ring naaabutan ang pagtawag ng ginang sa telepono ni Paco. Sadyang ayaw lang talaga ito sagutin ng binata, but of course I can't say that to her.

"Technically, we're in a rural area. Malayo ang kampo sa mga telecommunication towers kaya mahina ang signal at reception dito. Sorry for not reaching out, mom." Paliwanag ni Kuya Oliver habang hinihimas ang batok at nasa bulsa naman ang kabilang palad.

"N-nandito ka pala, Julian!" Pagbaling sa akin ni Ate Gladys nang mapansing nakatayo lang ako sa isang gilid. Sinamantala niyang nag-uusap ang mga tao sa loob bago ako lapitan. "Anong ginagawa mo rito?" Pabulong nito habang salitan ang tingin mula sa akin at sa kaniyang ina.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon