Chapter 1⛺

1.4K 37 7
                                    

Idinikit ko ang mukha ko sa salamin ng kotse.Halos malalaglag na ang bintana dahil sa diin ng pagkakakapit ko rito.Puro puno at halaman lang naman ang nakikita kong tanawin pero bakas pa rin ang pagkasabik sa aking mukha.Ngayong araw na ito na kasi ang simula ng pag-stay ko sa Summer Camp.

Kasama ko ang buong pamilya ko ngayon sa kotse.Tatlo kami nina lolo at lola sa likod habang si mama at papa naman ay nasa harapan.Gusto raw nila ako ihatid dahil mami-miss daw nila ako nang sobra.

Halos isang oras na rin kaming bumabyahe sa iisang direksyon lamang.Wala itong mga likuan at tanging diretso lang ang kalsada.Nasa liblib na parte na ata kami ng Pilipinas dahil parang papunta na sa gubat ang daan na ito.

Medyo nakaramdam ako ng hilo kaya sumandal na ako sa upuan.Isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi ako palalabas ay madali akong ma-car sick. Mahihiluhin talaga ako lalo na sa pabango kaya kung sasakay man ako ng sasakyan ay mas gusto ko ang walang bintana like tricycle at jeep para sariwa ang nasisinghot kong hangin.

Matapos ang ilang sandali ay tumigil na ang makina ng kotse.Kaagad akong dumilat at tinignan ang labasan. Kitang kita ang napakalaking karatula na may nakasulat na "La Tierra Firma".Disenyo pa lang ng entrada ay makukumpirma ko na maganda nga ang kampong ito tulad ng sinasabi ng mga tao.

Hindi ako magkandaugaga sa tuwa. Agad na akong lumabas ng kotse sabay nagtatatalon sa pananabik. Tumakbo ako papunta sa likod upang kunin ang aking mga bagahe at maleta.Pati ang pamilya ko ay bumaba na sa sasakyan.

Kung titignan ang paligid ay napupuno ng nakaparadang kotse ang paligid.Paniguradong mula rin ito sa mga kagaya kong mamamalagi sa kampo.Sinigurado kong dala-dala ko na ang mga papeles na kailangan ko. Mahirap na kasi at baka hindi pa ako papasukin kapag nagkulang.

"Oh ano handa ka na?"Tanong sa akin ni mama habang hawak ako sa balikat.Pinagpag din ako nito dahil sa mga nakakapit na dumi sa katawan ko mula sa sasakyan.

"Opo mama!Salamat po ulit at pinagbigyan niyo akong sumali rito." Niyakap ko siya nang mahigpit. Hanggang ngayon kasi ay hindi ako makapaniwala na pinayagan niya ako at siya pa ang nagkumbinsi kay lola noong ito ay kumokontra.

"Julian apo ko hindi na ba talaga kita mapipigilan."Kumapit si lola sa braso ko at tila ayaw akong pakawalan. Lola's boy kasi ako kaya talagang malapit kaming dalawa.No wonder na siya ang pinakanahihirapang pakawalan ako.

"Hayaan mo na ang bata Tessy.Tatlong buwan lang siyang mawawala hindi naman habang buhay."Hinimas ni lolo ang likod ni lola habang pinapatahan siya sa pag-iyak.Ngayong nakikita ang grabeng pagkalungkot niya ay parang nagdadalawang-isip tuloy ako.Ang kaso lang ay gusto ko talagang maranasan ito.

"Oo nga po mama!Tsaka malaki na naman si Julian.Kaya niya na po ang sarili niya."Sa pagsasalita ng kaniyang anak na si mama ay binitiwan niya na ako saka pinunasan ang kaniyang luha.Mukhang naintindihan niya na ito talaga ang gusto ko.

"Gusto mo bang samahan ka namin sa loob."Nanlaki ang mata ko sa suhestiyon ni papa at kaagad na umiling.Ayoko nga!Paniguradong ako lang ang may kasamang matanda sa loob.

"Nako papa ok lang..."Napatigil naman ako nang biglang sumabat si lola. Mukhang nagustuhan nito ang ideya ni papa.Napakamot tuloy ako sa ulo.

"Tama ang papa mo!Mabuti pa ay samahan ka namin sa loob para makita ko kung maganda nga itong kampong titirhan mo."Mukhang hindi na nagpapigil si lola at nanguna na sa loob.Hindi na ako sumabat sapagkat ito na lang ang magagawa ko para makampante ang loob niya sa pamamalagi ko rito.

Pagkapasok sa loob ay kaagad kaming namangha.Sumalubong sa amin ang isang napakalawak na grounds. Sa gitna nito ay may isang napakataas na poste na may sagisag ng Pilipinas. Makikita rin ang isang malaking stage at sa tabi nito ay ang opisina ng pamahalaan ng kampo.Sa isang gilid naman ay magkatabi ang clinic at cafeteria.Kung didiretsuhin naman ang lupain ay makikita ang mga cabin na siyang tutulugan ng mga campers.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon