Chapter 17 ⛺

317 19 1
                                    

"Finally!"Sumandal ako sa upuan saka nag-unat ng katawan.Pinatunog ko rin ang bawat daliri ko sa kamay para makabawas sa ngalay.

Dahil sa ilang araw kong pamamalagi rito sa cabin ay tuluyan ko nang natapos ang librong ilang buwan ko nang pinagtatrabahuhan.Werewolf ang genre nitong storya ko kaya medyo nahirapan ako sa paggawa.Though it was fun!Minsan ay kailangan ko ring umalis sa comfort zone ko upang maging isang mahusay na manunulat.

After further revisions ay pinindot ko na ang publish button upang mai-post na ito sa account ko.I usually proofread my work before approving it.Isa kasi sa mga pet peeve ko bilang isang author ay ang mahanapan ng butas ang libro ko such as grammatical errors, typos, proper punctuation, spacing & capitalization. Nakakabawas kasi iyon sa reading experience ng mga audience ko at ayokong nangyayari iyon.

Click!

"Fuck ang init sa labas!"Hindi ko na nilingon pa ang kung sinong pumasok sa cabin.Sa lutong pa lang ng pagmumura ay mahahalata ko nang si Paco ito."Keep yourself hydrated."May pinatong siyang inumin sa lamesa ko.Mabuti na lang at nakabalot pa iyon sa plastik.Kung hindi ay baka matuluan ang laptop ko.

"Salamat!"Kinalkal ko ang binigay niya dahil nauuhaw na rin ako."Galing ka sa labas?"Tanong ko sa kaniya nang makita ang pamilyar na chocolate milkshake.Ito iyong binigay niya sa akin noong nagpapalakad siya kay Isabelle.I've always wondered kung kailan ulit ako makakatikim nito.It has been my favorite ever since.

"Oo nagpahangin lang sa bayan."Naupo siya sa kama ko habang tinataas baba ang kaniyang damit upang mapasukan ng hangin ang katawan.Tanging ang aircon ko lang kasi ang nakabukas ngayon.Malamig din banda rito kaya siguro sa pwesto ko siya tumatambay. "What's that?Lagi ka na lang babad diyan sa laptop mo."Tumayo siya sabay akbay sa akin upang tignan kung ano ang ginagawa ko.

"U-uhmm..."Walang mga salitang lumabas sa aking bibig.Hindi ko kasi alam kung papaano ito sabihin sa kaniya. Baka kasi pagtawanan niya ang passion ko at ayokong matawag na loser.After all, being a writer is a bit underrated at this time.

"You want to be a writer?"Kinuha niya ang mouse sa gilid saka nag-umpisang mag-scroll sa account ko.Babawiin ko sana ito mula sa kaniya but he seemed intrigued at baka magalit naman ito kung ginawa ko iyon."Wow!Sikat ka na pala eh.Good job!I'm proud of you." Kinusot niya ang ulo ko saka ginulo ang aking buhok.

"S-salamat..."Nahihiya pa rin ako. Malayong-malayo ang naging reaksyon niya sa inaakala ko.Tinignan ko ang mukha at talagang nakangiti siya sa akin. He's not even holding a laughter behind that sweet smile of his.

"So iyan ang kukunin mo sa college?" Napalunok ako.So interesado nga siya sa kung anong gusto ko?Hindi pa rin kasi siya tapos sa kaka-scroll sa laptop ko at talagang pinagmamasdan ang mga gawa kong libro.

"Oo!Creative writing or journalism pero either way naman may involve na pagsusulat kaya kahit ano ay ok lang."To be honest ay hindi pa ako nakapipili sa dalawa.Naging forte ko na kasi ang novel fictions ngunit sumasagi rin sa isip ko ang journal articles bilang alternative pero tulad nga ng sinabi ko ay as long as naka-focus ito sa writing ay pwede na iyon.

"Buti pinayagan ka ng pamilya mo.Hindi ganoon kalaki ang kita sa ganiyang field diba?"He tried to condition his statement to avoid any offensive interpretations. Tama naman siya!Walang-wala ang pagiging writer kumpara sa ibang okupasyon na limpak-limpak ang salapi kung sumahod,but that's what I'm passionate about!

"Well hindi man siya ganoon kapraktikal pero iyon ang gusto kong gawin sa buhay.I mean there's more to this world than money right?"Kahit ako ay kontra sa sarili ko kung bakit ito pa ang natipuhan ko.Pwede namang doctor, engineer or lawyer pero bakit nauwi ako sa pagiging isang manunulat?Then I realized that passion weighs more than anything. Gusto ko kung mamamatay man ako ay masasabi kong nasulit ko ang pamumuhay ko sa pamamagitan ng paggawa sa mga bagay na gusto ko.

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon