Chapter 32 ⛺

245 16 7
                                    

Kasalukuyan kaming nakaupo ni Paco sa kama habang pinalilibutan nina Allen, Nikko, Isabelle at Claire. It was a good thing that they decided to settle this privately in our cabin to seclude other people from knowing. Though wala akong ideya sa mga mangyayari ngayon dahil masyadong mabilis ang mga kaganapan.

Yumuko ako habang pilit na iniiwasan ang mga tingin nila. Tila nawala ang bakas ng alak sa aking sistema. Being caught suddenly dragged my consciousness back to me. Hindi ko inaasahan na mahuhuli kami kaagad nang ganito kaaga. I didn't even get the chance to savor our moment and yet may bago na naman kaming kahaharapin.

Nadama ni Paco ang umaalingasaw kong takot. Batid kong nais niya na akong saklolohan upang magsilbing kaagapay ngunit nagpipigil lamang. It would only make it more obvious if he started to comfort me. Sa ngayon, ang tanging magagawa lang namin ay pakiramdaman ang isa't-isa at maghintay sa kung ano ang ihahatol nila sa amin.

"Naghihintay pa rin kami ng paliwanag." Nakapamewang na postura ni Claire. Hindi naman ito galit sa aking pandinig. Sadyang maintriga lang talaga siya sa lahat ng pagkakataon. Besides, nakainom na siya kaya maaaring hindi na rin niya mapigilan ang sarili.

"B-baka naman nagkamali lang tayo ng nakita..." Kabadong singit na Allen upang lansiin ang pagdududa ng barkada. Kami ni Paco ang akusado pero mas pinagpapawisan pa siya kaysa sa amin. Tuloy ay nanatili na lang kaming tahimik samantalang siya ay kanina pa nagsisilbing spokesperson kakatanggol sa amin. I just can't express my gratitude to have him.

"Tsaka wala namang masama kung talagang magkayakap sila hindi ba? They've been together for a time kaya natural lang na maging malapit sila sa isa't-isa." Mungkahi ni Nikko sabay akbay sa kaniyang nobya. Laking pasasalamat ang naramdaman ko dahil sa karagdagang panig na natanggap namin. Medyo mabigat lang sa dibdib ko na pinagtatanggol pa rin kami sa kabila ng makatotohanang paratang. I can't afford people lying on my behalf. It makes me feel guilty.

"Bihira lang ako biguin ng kutob ko pero kung ganoon ay gusto kong sa kanila mismo iyon manggaling." Sambit ni Claire sabay baling pababa sa kinauupuan namin ni Paco.

Marahang sumenyas sa akin si Allen na magsalita upang matapos na ang diskusyon. Isang simpleng kasagutan lang naman ang hinihingi sa amin ni Claire pero hindi ko maibigay. Marahil ay hindi ko pa rin alam kung ano ang sasabihin ko. Kapag umamin ako ng totoo ay baka makatanggap kami ng panghuhusga. Kapag naman nagsinungaling ako ay patuloy ko lamang itong tatakasan. In the end, ito pa rin ang kahihinatnan naming lahat. So I have to handle this now!

"Ang totoo niyan..."Panimula ko kahit hindi sigurado sa lalabas sa aking bibig. I bit my lip as I try to formulate an answer. Patuloy na blangko ang lumalabas sa aking pag-iisip.

"Magkaibigan lang kami ni Julian. Nothing more, nothing less." Pangunguna ni Paco nang makitang nahihirapan na ako. With this statement, all of my friends seem to be satisfied but not him and neither am I. Sino ba naman kasi ang may nais na magkaroon ng patagong relasyon? Hindi ba't lahat naman ng nagmamahal ay gustong maipagmalaki sa pamilya o sa kaibigan man ng kapareha?

"Sorry kung pinagdudahan..." Pinutol ko ang pananalita ni Claire sa pamamagitan ng malakas na pag-amin.

"Kami na ni Paco!" Sigaw ko habang nakapikit. I had to close my eyes in order to successfully release my chest. Wala na akong paki kung ano ang magiging reaksyon ng mga kaibigan ko. If they're really my friends then they'll accept me for who I am. Sa ngayon, si Paco na ang lagi kong pipiliin.

"Kayo na!?"Wika nilang lahat na parang bang nakikilahok sa sabayang pagbigkas. Their reaction became unified but neutral, not positive and not negative. Perhaps shock put them all together aback.

"T-tayo na?"Gulat na sabi ni Paco at tila nangingiti ang mga sulok ng labi. His body instantly flinched being a spontaneous reaction. Talaga bang kinilig siya sa harapan ko?

Into The Wilderness (BxB)(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon