Maaga pa lang ay kaagad na kaming pinapunta ni Lara sa lokasyon kung saan nakatayo ang obstacle course. Mukhang alam ko na ang balak niyang ipagawa sa amin at kj na kung kj pero wala akong balak sumali roon.
Napatigil kami nang matagpuan namin si Lara sa harapan.Hindi na kami nag-abala pang pumila dahil hassle lang.Tsaka mukhang mabilisan lang naman ang sasabihin niya.
"So good morning campers!Welcome sa first ever team building natin!" Nagpalakpakan ang mga tao pero ako ay nanatili lang na nakatayo.Mahina kasi talaga ako sa physical activities kaya ayoko nang subukan pa.Sa tuwing sumasali nga ako sa mga school events o kahit palaro sa fiesta ay imposibleng uuwi ako nang walang natatamong sugat o pasa sa katawan kaya simula noon ay hindi na talaga ako nagbalak pang mag-participate sa mga ganitong klase ng gawain.
"Sasali ka?"Kinalabit ko si Allen sa gilid ko.Maghahanap na lang ako ng kadamay para hindi naman nakakalungkot manood mag-isa.
"Oo naman!Buryong-buryo na ako sa cabin buti nga may paganito sa atin. Ikaw ba hindi ka sasali?"Kung ganoon ay may pagka-athletic pala talaga itong si Allen.Kung sabagay kahit sa paglangoy ay magaling siya eh. Malamang mamaniin niya lang itong team building na ito.
"Ayoko mahina ako sa ganiyan eh..." Umiling ako sabay pasok na lang ng kamay sa bulsa ng aking shorts.Lahat kasi ng fellow campers ko ay mukhang nananabik sa magaganap. Ako lang ang bukod tanging nangangamba.
"Now we will do this every week and I require you to join para ma-exercise naman ang mga katawan niyo diba?" Kaagad na napangiwi ang mukha ko pagkasabi niyang required kaming sumali sa team building.Naisip ko na agad kung ilang beses akong madadapa kasabay ng paghalakhak sa akin ng mga tao.
Nag-isip na ako ng mga paraan kung papaano ko tatangkaing tumakas dito. Kaya ko namang tumakbo at bumalik na lang sa cabin kaso paniguradong hahanapin nila ako.Like what Lara said required ito.Hindi niya ako hahayaang umalis nang walang sapat na rason.
Idahilan ko kayang may asthma ako?Kaso may health records pala kami sa kaniya. Malalaman niya agad na nagsisinungaling ako kapag nagkataon.
"Ok pila na lang sa may gilid to claim your activity shirts."Tinuro ni Lara ang isang lamesa sa gilid kung saan pinamamahalaan ng dalawang staffs. Nang makitang pumipila na ang mga tao ay naupo muna siya sa gilid ng puno saka nagpahinga.
Dahil mahaba pa ang pila ay pinuntahan ko muna siya sa kinaroroonan niya.Napatingin naman siya sa akin sabay tayo.Mukhang hindi ko naman siya naistorbo. Bagkus,ay malawak ang pagkakangiti niya sa akin.
"Ikaw si Julian diba?"Nabigla ako nang maalala niya ang pangalan ko.Akala ko ay makakalimutan niya agad ako dahil sa dami ng namamalagi rito sa kampo."Can I help you with something?"Nakangiti niyang tanong sa akin.
"Uhm...tatanong ko lang sana baka pwedeng hindi muna ako sumali ngayon?" Marahan kong hinimas ang aking batok habang nagbabakasakali. Nako sana naman ay payagan niya ako.
"Bakit naman may nararamdaman ka ba?"Hinawakan niya ako sa braso at tinignan ang aking katawan kung maayos ako.Natuwa naman ako sa pag-aalala nito sa akin.Mukhang malapit talaga ang loob niya sa mga nasasakupan niya.
"W-wala naman.Hindi lang kasi ako magaling sa mga ganitong team building.Tsaka magiging pabigat lang ako sa makakasama ko."Totoo naman ang sinabi ko.Bukod sa hindi ko forte ang ganito ay matatalo lang ang aking mga kapanig dahil sa pagiging lampa ko.
"Nako it is never about being good or winning naman!Tungkol ito sa time niyo together here in the camp at yung mga friendship na mabubuo niyo."Alam ko naman na tama ang mga bagay na sinabi niya.Kahit ako ay gusto ko rin maka-bonding ang mga fellow campers ko pero hindi sa ganitong paraan."Can't you try it just this once? Kung ayaw mo talaga then next time hindi na kita pipilitin."Bigla namang umamo ang kaniyang mukha.Jusko papaano ko naman siya matatanggihan kung ganito.
BINABASA MO ANG
Into The Wilderness (BxB)(BL)
RomanceJulian Sarmiento has always been a happy go lucky kid.Though may pagka-introvert ito dahil lumaki itong isolated sa bahay. Sa kabila ng pagkakakulong sa apat na sulok ng bahay ay hindi ito naging hadlang upang mas makilala ni Julian ang sarili. Mala...